Chapter 9(Ang mga Pagsakop)

47 17 0
                                    


- Pagkatapos ng kamatayan ni Reyna Ursa at pagluluksa ng lahat ng mga nilalang ay nagkakasiyahan naman ang lahat sa kaharian ng Onslot dahil sa kanilang pagtatagumpay na makapatay ng marami at mapabagsak ang reyna kahit na silay sumuko at umatras pansamantala. Samantalang hindi pa rin makapaniwala si Andromeda na magagawa ng mga kapatid nya na pagtaksilan ang buong kaharian dahil sa pagkauhaw ng mga ito sa kapangyarihan at pagpatay sa kanilang ina. Ipinaliwanag ni Gurong Delphinus ang kadahilanan kay Andromeda at sinaysay nitong masamang diwata ang mga kapatid nito at nilamon na ng poot, kasamaan at kadiliman ang puso at isipan nila Adramalech at Azanigin. Sa kaharian ng Onslot ay pinulong lahat ni Forneus ang lahat ng kanyang mga kampon na mga halimaw pati na ang mga maligno na masasamang Espiritu.

Forneus: Aking mga alagad, nais kong ipakilala sa inyo ang inyong bagong Hari na si Adramalech at ang inyong prinsipe na si Azanigin. Nais kong sila ay susundin ninyo at ang inyong mga katapatan ay ibibigay ninyo sa akin ng buong buo at bilang inyong pinaka badhala ay..... Ipagbunyi ang inyong mga bagong pinuno.

Mga Halimaw at Maligno: Mabuhay ang bagong Hari at Prinsipe!!!! Mabuhay!!!!!

Adramalech: Panginoon na Badhala, Ibibigay ko ng buong- buo ang aking katapatan sa inyo ng buong isip, puso, maging ng aking kaluluwa.

Azanigin: Ako rin, mahal na Badhala...... Hindi ka magsisisi sa pagpili sa amin bilang mga pinuno... handa kaming ingatan ang kahariang ito pati na ang lupaing Nicashonyo at Lezockavenia..

Adramalech: Huwag po kayong mag-alala panginoon, kahit na ang aming mga pinanggalingang mga taksil na lahi ay aming ililigpit at hindi kami kikilala sa inyong mga kaaway lalo na ang Badhalang Cetus Luminax.

Forneus: Magaling, Batid kong galing sa inyong puso ang inyong mga sinambit at katapatan sapagkat nababasa ito ng aking isipan at walang maililihim sa akin. Dahil dyan Adramalech at Azanigin, pagkakalooban ko kayo ng ibayong kapangyarihan upang matalo ninyo ang mga kalaban. Malalakas na kapangyarihan ang ipagkakaloob ko sa inyo...... Adramalaech, mapapasayo ang KAPANGYARIHAN NG ITIM NA BUWAN na lubhang makapangyarihan sa lahat, may kakayanan itong napakalakas na kapangyarihan ng kadiliman at iba pa.... Tanggapin mo !!!!! (MAGBABASA NG RITWAL SI FORNEUS MULA SA AKLAT NG KADILIMAN AT MAYAMAYAY INILUWA NG BLACKHOLE ANG NATATAGONG ITIM NA BUWAN NA NAPASAKAMAY ITO NI ADRAMALECH).....

Azanigin, tanggapin mo naman ito, Ito ang binhing bato ng kadiliman, ito ay nagmula sa isang napakalaking kometa na sumabog at namatay. Kinuha ko ito noon at ipinagkalulo sa kadiliman. Kapiraso man ito ngunit ang kometa na hinaluan ng kapangyarihan ng kadiliman ay nagtataglay ng kapangyarihan at kakaibang Enerhiya. Kinuha ko ang kapirasong binhi sa kometang iyon kung nasaan ang sentro ng Enerhiya nito, Gamitin mo ito.

Adramalech at Azanigin: salamat po aming Panginoon!!!!


                                             (Pagtanggap ni Adramalech sa Itim na Buwan)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                             (Pagtanggap ni Adramalech sa Itim na Buwan)

 - Dahil sa naganap na ito nanganib ang buong Fornapyxis. Lumakas ang pwersa ng kasamaan at kadiliman at nagbabadyang umatake anumang oras. Sa pagkakataong iyon muling nagpulong ang lahat ng mga kampon ni Forneus sa kaharian ng Onslot na siyang sentro ng mga kaharian ng kadiliman.

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon