Kabanata 16: Ang namuong Pag- iibigan

47 14 0
                                    


       -   Sa tagpong ito ay lumipas ang mga araw, ang pagkakaibigan ni Reyna Andromeda at Lawrence ay lalong lumalalim. Patuloy na nalalapit ang damdamin ni Lawrence sa Reyna dahil sa ipinapakitang kabutihan nito. Ngunit may isang bagay na hindi magawa ni Lawrence at ito ay  ang aminin ang kanyang nararamdaman para sa sinisintang Reyna. Dahil siyay natatakot at nahihiya ay naisip nyang kausapin si Lolo Singto ukol dito. Madaming natutunan si Lawrence mula sa matandang Intsik at suportado ni Lolo Singto ang gagawing panliligaw at pag- ibig ni Lawrence kay Reyna Andromeda. Tuwang- tuwa si Lolo Singto dahil ang itinuring nyang anak na si Andromeda ay magkakaroon na ng pag- ibig. Isang araw sa templo habang nagsasagawa ng pagdadasal si Andromeda ay lumapit si Lawrence sa kanya.

Lawrence: Andromeda, Ano ang iyong ipinagdadasal sa mga mabubuting Espiritu at sa Bathala.???

Reyna Andromeda: Idinadalangin kong sanay Makita ko na ang aking kaligayahan sapagkat akoy nalulumbay at di ko batid kung bakit ganito ang nararamdaman ng aking puso. ???

Lawrence: Malay mo nasa tabi mo lang ang hinahanap mong kaligayahan.

Reyna Andromeda: Ha ano ang iyong sinasabi? Puro ka nanaman kalokohan dyan nahawa ka na sa lolo Singto ko.

Lawrence: Hindi ako nagbibiro Andromeda..... nakakahiya mang sabihin at aminin ang aking nararamdaman ay napakabuti mo at ikaw ang tanging babae na nagpakita sa akin ng liwanag at tunay na kahulugan ng pag- ibig. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.

Reyna Andromeda: (Gulat na Gulat) Ano ang iyong sinasabi?????

Lawrence: MAHAL KITA!!!!

Reyna Andromeda: Rens, nagkakamali ka hindi ako nararapat sa iyo. Nalilito ka lamang sa iyong nararamdaman dahil sobra tayong naging malapit sa isat- isa. Alam ko marami ka pang makikilala na higit kaysa sa akin... Hindi mo ako lubos na kilala.

Lawrence: (Yayakap kay Andromeda).... Hindi, Ikaw lamang ang mahal ko at wala nang iba pa. Gusto kong ako ang magiging kabiyak mo panghabambuhay at mag- aalaga sayo pati sa ating magiging pamilya. Handa akong talikuran ang lahat para sayo.

Reyna Andromeda: (kakalas sa pagkakayakap ni Lawrence) .... Ako ay hindi isang tao, akoy isang Diwata..... (Biglang magliliwanag si Andromeda)... Alam kong hindi mo ako matatanggap dahil naiiba ako at kinakatakutan ng lahat. Akoy may gampanin sa aming kaharian at ako ang pinuno nito. Ikaw, may tungkulin ka rin sa iyong mga pangarap at pamilya... Hindi bat sinabi mo sa akin na nasasabik kang Makita ang iyong pamilya kayat nararapat na bumalik ka na sa inyo at kalimutan na ako.

Lawrence: Pero...........................................

Reyna Andromeda: Lawrence, makinig ka sa akin, wala nang pero pero.... Gawin mo na ang nararapat upang sa ikakabuti ng lahat.

Lawrence: Iyan baa ng nais mo? Ang umalis na ako at kumalimot na??????

Reyna Andromeda: Oo, lumisan ka na.....(Sabay aalis na patakbo na naluluha)......

    -Dumating ang gabi na parang sinakluban ng langit at lupa si Reyna Andromeda dahil hindi siya tumitigil sa pagtangis dahil napamahal na sa kanya ang Heneral ngunit kailangan nyang gawin ito upang sa ikakabuti nang lahat at ayaw nyang madamay si Lawrence sapagkat maaaring anumang oras ay umatake sina Forneus. Kinaumagahan ay nabigla si Andromeda dahil sinabi ni Lolo Singto na umalis na si Heneral Lawrence at bumalik na ito sa kanilang tahanan. Dahil sa sinabing ito ng matanda ay lumuluhang kumaripas ng takbo si Reyna Andromeda patungong tabing dagat upang habulin si Lawrence at magpaalam kahit sa sandaling pagkakataon. Sa pagpunta ni Reyna Andromeda sa tabing dagat ay wala syang nadatnan na Lawrence kahit na ang bakas nito. Umiyak si Reyna Andromeda at napaluhod at napasigaw na:

Reyna Andromeda: Rens, Mahal kita!!!! Ang tanga- tanga mo at mahina. Hindi mo man lang ako hinayaang makapagpaalam sa iyo ngunit kahit ganon ay hinding- hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Hindi man tayo magkita na ay mananatili ka sa aking puso magpakailanman. (Umiiyak)..

      - Patuloy sa pagtangis ang Reyna. Mayamaya'y napansin nyang may isang bulalak na napakabango at paborito ng Reyna. May mahabang pisi na nakatali sa bulaklak at itoy kanyang nais na pulutin. Nang kanya nang dadamputin ang bulaklak ay ito ay gumalaw ng kusa at muli nyang dadamputin at itoy muling gumalaw. Nagtataka ang Reyna kung ano ang nangyayari kung kayat sinundan niya ang bulaklak kung saan ito patungo... Biglang nawala ang bulaklak nang ito ay nakarating sa isang napakagandang hardin ng mga bulaklak at sa paglingon ni Reyna Andromeda sa hardin ay nakita nyang nakatayo si Heneral LAWRENCE na hawak ang bulaklak na may pisi na sinundan ng Reyna at siya rin ay may hawak na napakaraming bulaklak upang ibigay sa Reyna... Sa pagkakita ng Reyna sa heneral ay dali- daling tumakbo si Andromeda papalapit kay Heneral LAWRENCE at bigla nya itong niyakap. Ibinigay ni LAWRENCE kay Andromeda ang mga bulaklak na hawak nito.

Reyna Andromeda: Ang akala koy hindi na tayo magkikita sa huling sandali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reyna Andromeda: Ang akala koy hindi na tayo magkikita sa huling sandali. Bakit napakatanga mo (Sabay hampas kay Lawrence) hindi ka nagpaalam sa akin bago ka umalis at bakit naririto ka pa? Gumawa ka pa ng kalokohan. Pero kahit ganon ay nagpapasalamat ako dahil kahit ito na ang huli nating pagkikita ay nakita kita.

Lawrence: Sinong nagsabi na aalis ako? Bakit ko naman iiwan ang pinakamamahal ko? Handa akong talikuran ang lahat para sayo. Gusto kitang makasama habambuhay at kahit saan ka magtungo ay susundan kita. Itaboy mo man ako ay hindi ako susuko na mahalin ka. Papayag ka bang maging kasintahan ko Andromeda?????

Reyna Andromeda: Hindi tayo nababagay sa isat- isa sapagkat akoy naiiba at ikaw ay mortal.

Heneral Lawrence: Tanggap kita ng buong puso kahit ano ka pa man. Sa katunayan ay sinambit na sa akin ni Lolo Singto ang buo mong pagkatao at kung sino ka, kayat hindi na ako nagulat sa iyong rebelasyon tungkol sa iyong sarili. Mahal na mahal kita Reyna kong sinisinta. Papayag ka ba na aking maging kasintahan?

Reyna Andromeda: Oo, mahal din kita (Sabay yayakap kay Lawrence). Salamat sapagkat natupad ang aking hiling na matagpuan ko ang aking kaligayahan at tunay na nagmamahal sa akin. Salamat sapagkat ipinadama mo sa akin ang ganitong klaseng pagmamahal.

Heneral Lawrence: (Sisigaw dahil sa kasiyahan sa kasagutan ng Reyna)..... HOOOOHH!!!!! Sa wakas kami na!!!...... salamat at hindi ka magsisisi sa pag- ibig mo sa akin. Sa hirap at ginhawa ay ako ang makakasama mo.

Reyna Andromeda: SSSSHHHHHH...!!!! Wag kang maingay , nakakahiya.

      - Ito na ang pinakamasayang araw ni Reyna Andromeda sapagkat naging magkasintahan sila ni Lawrence. Samantalang sa kasagsagan ng usapan ng dalawa ay biglang sumingit at lumabas si Lolo Singto kasama ang tatlo niyang mga apong babae. Silay umawit ng nakakakilig na awiting pag- ibig para kay Andromeda at Lawrence at nagdala ng mga pagkain upang magkaroon ng pagsasalo- salo. Nadiskubre ni Andromeda na magkasabwat sa kalokohan at planong pagpapasagot sa kanya sina Lawrence at Lolo Singto... Tinuruan ni Lolo Singto ng diskarte ang heneral at madami pang iba. Naging masaya si Andromeda sa nangyaring ito sa kanyang buhay.

      -  Lumipas pa ang mga araw, buwan at mga taon ay nagbunga ang pagmamahalan ng Heneral at ng Reyna. Nabuntis si Reyna Andromeda at itoy kanyang sinabi kay Lawrence. Sa balitang ito ay tuwang tuwa si Lawrence dahil siyay magiging isang ama na at magkakapamilya na sa kanyang minamahal. Natuwa rin si Lolo Singto at ang mga apo nito sa balitang buntis si Andromeda dahil silay magiging isang pamilya na......

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon