- Dumating ang takdang panahon at sumapit na sa tamang edad si Freyah at siyay isang ganap nang dalaga. Dahil ritoy naisip ni Lawrence at Lolo Singto na sorpresang magkaroon ng isang kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Freyah. Ito nga ay natupad, kinagabihan ay sinorpresa nila si Freyah. Sobrang naiyak si Freyah sa sorpresa ng kanyang ama at Lolo. Maraming nakipagsayaw kay Freyah at isa na rito si Lolo Singto at ang kanyang ama na si Lawrence.
Lolo Singto: Ako tuwa apo, dahil laki na at dalaga na ikaw. Dapat sayo turo ko na madami lalo na pakikipaglaban para protekta mo sarili mo. Turo kita Kung- fu at madami pa iba. (kasayaw ang apong si Freyah)....
Freyah: (kasayaw si Lolo Singto) Lolo ayaw ko po... takot ako sa mga labanan, sa mga Espiritu at sa mga ginagawa ninyo. Gusto ko pong maayos at tahimik na buhay.
Lolo Singto: Ha?, Bakit ikaw Duwag?.... Hindi ba lagi ka nasa templo lagi dasal at kausap mga Espiritu ... anu ba dasal mo??
Freyah: Lolo, lagi akong nagdadasal sa templo para Makita ko na ang magiging asawa ko sa hinaharap na sanay gwapo at mabait siya. Sa totoo lang po Lolo ay takot ako sa mga Espiritu at multo ngunit akoy naaawa sa kanila kung kayat silay kinakausap ko upang tulungan at akoy humingi ng kapalit na sanay tulungan nila akong yumaman at magkaroon ng anak na mababait sa hinaharap .... Tuwang tuwa sa akin ang mga Espiritu Lolo...... (sabay) (AAAAAAARAYYYY LOLO!!!! ANG SAKIT!!!!!)....
(Kinurot at inapakan ang paa ni Freyah)
Lolo Singto: Hindi Pwede!!! Bukas na bukas ay turo kita pakikipaglaban. Ang mga ate mo ay magagaling na kung fu ikaw di ka interesado... Isa pa puro ka kalandian sa templo ko. Di ka pa pwede mag boyfriend ha. Lagi mong ipagdasal na swertihin tayo at dapat ako mauna makahanap nang asawa ulit kaysa sa iyo.
Freyah: Lolo, ang sakit naman. Kaarawan ko nakatikim nanaman ako sayo. Puro ka kalokohan lolo, tanda- tanda mo na nagiging babaero ka pa.
Lolo Singto: Syempre may asim pa ako at Gwapo pa!!!!
Freyah: (Bubulong) Kadiring matanda tong Lolo ko!!!!
Lawrence: Lolo, pwede ko ho bang maisayaw ang napakaganda kong anak?
Lolo Singto: O sige, magsayaw na kayo ng anak mong pasaway.
Lawrence: Anak, Bakit tila nagtatalo kayo ng iyong Lolo Singto? Anu baa ng nangyari? (Nakikipagsayaw kay Freyah)......
Freyah: Itay, kasi naman itong si lolo eh.... BIRTHDAY na birthday ko kinurot at inapakan ang paa ko . Paano po gusto nyang mag- aral ako sa kanya ng pakikipaglaban eh!!! natatakot nga po ako. Ayaw ko pong humawak ng armas o anumang sandata. Ayaw ko na rin pong makipag- usap sa mga Espiritu at multo. Naghahanda na po ako na makilala ang Prince Charming ko itay.
Lawrence: Anak, bat aka pa. Hindi ka pa pwedeng umibig. Tapusin mo muna ang iyong pag- aaral. Hindi naman kita pipigila sa mga desisyon mo dahil lagi kitang susuportahan at akoy nasa likod mo lamang. Isa pa pumayag ka nang magpaturo sa iyong Lolo ukol sa mga nalalaman nya sa pakikipaglaban. Para rin sa iyo iyan aking anak dahil maipagtatanggol mo ang iyong sarili sa mga masasama. (Yayakap sa anak).....
Freyah: Sige na itay papayag nap o ako sa inyong nais. Buti na lamang may gwapo at mabait akong ama na tulad mo. (Yayakap at hahalik sa ama.).....
- Pagkatapos ng selebrasyon ng kaarawan ni Freyah ay hindi pa rin sya makatulog dahil sa saya at tuwang kanyang nadama sa kanyang kaarawan. Hindi mapakali sa higaan si Freyah at nagulat sya ng may kumalabog sa kanyang bintana. Agad nya itong binuksan ngunit wala namang tao. Sa kanyang muling paghiga ay muling may kumalabog sa bintana at muli nya itong binuksan ngunit wala naman talagang tao. Kung kayat siyay lumabas ng bahay at nagmasid sa labas kung ano ang nangyayari.
Freyah: Alam ko may ibang nilalang dito, magpakita ka. Ikaw ay aking nararamdaman.
Amalthea: (Biglang lalabas)....... Ako ang nagpaparamdam sa iyo Freyah. Ako si Amlthea.
Freyah: (Takot na takot) Teka, isa kang kampon ng kasamaan. Nakapagtataka isa kang ibon papaano kang nakakapagsalita. Siguro isa kang Parrot o di kaya namay Espiritu na sumanib sa ibon.
Amalthea: Nagkakamali ka. Isa akong diwata na isinumpang maging isng ibon. Ako ay nagmula sa lupain ng Fornapyxis. Kailangan ko ng iyong tulong upang maipagtanggol ang lupaing yaon at mapuksa ang mga masasamang nilalang sa pangunguna ng Badhalang si Forneus.
Freyah: Teka- teka.. Bakit ako? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo . Nasisiraan ka na yata ng ulo. Ikaw na lang ang makipaglaban tutal may kapangyarihan ka di ba at isa kang magiting na diwata kung kayat kaya mo yan susuportahan na lamang kita . Hindi ko pinangarap maging bayani ano..... sige na, matutulog na ako baka nananaginip lamang ako . dyan ka na !!! (aalis).
Amalthea: (tutukain ng tutukain sa ulo si Freyah) Hindi maaari, isa kang diwata dahil nakita ko ang kakaiba mong kapangyarihan at kakayanan. Kailangan ko nang iyong tulong. Sandali lamang, kilala ko ang kwintas na iyan ha. Kanino nanggaling iyan?
Freyah: Aaaaaaaaaaarrrraayyyyy!!!!!! Pasaway kang ibon ka. Ayaw ko nga eh. Takot nga ako sa mga laban laban na yan. Ang kulit mo naman eh. Ang kwintas na ito ay ibinigay sa akin ng aking ina na si Andromeda noong ako ay sanggol pa lamang. Sinabi ng aking itay Rens , ang ina ko raw ay isang diwata ngunit siyay hindi na nakabalik at wala na kaming balita sa kanya. Sana ngay Makita ko sya dahil sabik na sabik akong mayakap at mahalikan ang aking ina. Oh!! .. ayan na ha ibon. Ano nga bang pangalan mo ulit? Basta ayaw kong makipaglaban at gawin ang gusto mo.
Amalthea: Mahal na Badhala, tunay ngang may anak at buhay ang anak ni Reyna Andromeda. Freyah, ang iyong ina ay isang reyna sa aming kaharian ngunit siya ay namatay dahil sa pakikipaglaban sa mga masasama. Kailangan mong ipagpatuloy ang misyon ng iyong ina dahil ikaw ang Prinsesa na magiging tagapagligtas ng lahat. Amalthea ang aking ngalan.
Freyah: Ginang Amalthea, ayaw ko nga po dahil tahimik na ang aking pamumuhay at ayaw ko nga po makipaglaban.
Amalthea: naku po, ang iyong ina ay matapang at may paninindigan papaanong nagkaanak siya ng duwag na katulad mo at ubod ng pasaway. Basta dapat matuloy ka sa iyong pagsasanay na ituturo ng iyong Lolo Singto sapagkat magagamit mo iyan sa mga susunod pa dahil malalakas ang ating mga makakalaban. Hahanapin natin ang mga maaaring mga diwata na ating makakatulong na posibleng buhay pa. tayoy pupunta ng Fornapyxis sa hinaharap.
Freyah: bahala ka bastat ayaw ko.
Amalthea: (tutukain ng tutukain si Freyah) ... hindi maaari.... Huwag kang duwag ... Gawin mo ang iyong misyon.
Freyah: (Nahuli si Amalthea gamit ang kanyang kamay).... Ikaw na ibon ka ubod ka nang kulit ha ayaw ko nga dahil dyan may kalalagyan ka sa akin. Gagawin kitang alaga at ikukulong kita sa hawla ng kapatid kong si Jia. (Ikukulong si Amalthea)....
Amalthea: Freyah, wala kang puso, pakawalan mo ako rito. Pag ako nakalabas rito ay humanda ka.. Freyahhhhh!!!!! Hay naku, ang anak ni Andromeda ay walang kakwenta kwenta, ubod ng tigas ng ulo, saksakan ng tamad at duwag at lalong lalo na walang paninindugan... Freyah!!!!
Freyah: (Mahimbing na nakatulog)..... Zzzzzzzzzzzzzz!!!!!!
Amalthea: kahit na ako ay iyong tanggihan ay hindi ka makakaiwas sa akin at sa iyong tungkulin kung kayat ikaw ay humanda na!!!!!
BINABASA MO ANG
Princess Freyah
FantastikAng istoryang ito ay nababase mula sa kathang isip ng author kung saan ang istorya ay nauukol sa itinakdang tagapag-ligtas na si Freyah (na isang dugong mortal at diwata) laban sa isang masamang Badhala na itinapon sa lupa mula sa kalawakan .