Chapter 6 (Ang muling Pagkagising ni Badhalang Forneus)

57 19 0
                                    


 - Dumaan ang ilang taon makalipas ang pagpunta ng mga Farishta sa lupain ng Fornapyxis ay tuluyang umunlad ang sibilisasyon at pamumuhay ng mga kaharian ng mga bawat nilalang. Patuloy nilang sinusunod amg mga kautusan ni Badhalang Cetus Luminax tulad na lamang ng mga paghahandog. Samantala, Ipinanganak na ni Reyna Ursa sina Adramalech at Azanigin at siyay nagdadalang diwata na kay Andromeda....... Payapa ang lahat ng mga kaharian at lalong lalo na sa kaharian ng Henrophrydie na tahanan ng mga diwata. Habang paslit pa sina Azangin at Adramalech ay silay sinasanay sa pakikipaglaban at kaalaman na itinuturo ng mga misyonerong Diwata at Gurong Delphinus.

  - Dumating na ang tamang panahon ay ipinanganak na rin si Andromeda. Ang lahat ay nagalak sapagkat natupad ang nais ni Badhalang Cetus Luminax. Sa pagkakapanganak ni Reyna Andromeda ang tagapagmana ng kaharian at trono ay nagliwanag ang kalangitan at nagsabog ng liwanag ang kalangitan sa kaharian ng Henrophrydie. Ito na ang hudyat upang iproklama at ianunsyo na ipinanganak na ang susunod na reyna o pinuno.

-Sa Trono-

Reyna Ursa: Mga nilalang sa buong lupain ng Fornapyxis, Isinilang ko na ang bagong tagapagmana ko na inyong magiging susunod na pinuno ninyong lahat.

Gurong Delphinus: (kukunin ang sanggol na si Andromeda at itataas).. ito na ang katuparan ng propesiya ni Badhalang Cetus Luminax. Mabuhay ang Bagong Reyna.

Mga Tagapaghatol: Mabuhay!!!! Nababatid naming siyay magiging mabuting Reyna at matalino.

Mga Nilalang at iba pang Tauhan: Mabuhay ang bagong Reyna!!!! Mabuhay!!!

Adramalech: (Nakatingin sa trono kasama si Azanigin at itoy may pagkainggit)... Bakit ganon tayoy mga makikisig at sanay sa mga pakikipaglaban tayo rin ay matatalino at maraming alam bakit ako ang hindi naging pinuno at hari sa kahariang ito...Balang araw ako ang titingalain ng lahat.

Azanigin: Darating din tayo dyan mahal kong kapatid, sa tamang panahon nga lamang at sa itatakda ng kapalaran.

Adramalech: Hindi ko mahihintay yon sapagkat hindi iyon ibibigay ng kapalaran at si Badhalang Luminax na ang nagtakda noon. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang nararapat sa akin dahil ako ang panganay at akoy lalaki na nararapat sa trono.

Azanigin: Kuya, ano ba ng iyong sinasabi, maghintay ka at nararapat mong kausapin ang Inang Ursa ukol dyan.

Adramalech: Sige gagawin ko iyan, kapatid, bastat tayo ang sanggang dikit ha....

Azanigin: Oo naman ... Hindi kita iiwan Kuya...

(Natapos ang proklamasyon at anunsyo at masaya ang lahat, yayakapin ni Reyna Ursa ang dalawa niyang mga anak na lalaki at sasabihing mAhal na mahal nya ang mga ito.)

 -  Samantalang, kasabay ng pagkapanganak at proklamasyon ni Andromeda ay nagising si Forneus at bumangon mula sa pagkakabagsak niya sa lupa. Si Forneus ay bumagsak sa lupain ng Onslot kasama ang mga isinumpang mga nilalang sa kalawakan. Sa pagbangon ni Forneus ay hinawakan niya ang lupa at sa pamamagitan nito nakita niya sa kanyang isipan at Gintong Dyamante ng Kadiliman ang mga naganap na digmaan mula sa kalawakan, pagtatayo ng mga sibilisasyon o pamumuhay sa mga kaharian ng Fornapyxis, Pagpunta ng mga Farishtang sina Zadkiel at Metatrona upang magkaloob ng mga kautusan at ang pagkatupad ng propesiya ni Luminax ukol kay Andromeda.

Forneus: Cetus Luminax, Ikaw ay Walang Hiya!!! Akala mo bay magtatagumpay ka sa iyong nais. Sisiguraduhin kong magsisisi ka sa iyong ginawa sa amin. Ako ang kikilalaning makapangyarihan sa lahat at di ako titigil hanggat di ko nasisira at nasasakop ang lahat- lahat.(Tatawa).... Mga Inutil na mga nilalang magsibangon kayo at tayoy magsisimula ng gawin ang ating maitim na mithiin sa lahat.

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon