Chapter 7: Ang mga Suwail na Anak

69 18 2
                                    



Lumakas ang pwersa ni Forneus sa paglipas ng mga panahon. Nakagawa ang mga halimaw ng mga natatanging mga sandata at armas pandigma at ang mga Maligno/ Masamang Espiritu ay nakakuha ng sapat na enerhiya mula sa kadiliman. Sa kabanatang ito Iniutos ni Badhalang Cetus Luminax sa Farishtang si Sadalphona na Ipagbawal ang pagkain ng mga bunga sa mga Punungkahoy na nakatanim sa paligid ng Ilog Krilenio at pag- inom / pagkain sa mga pagkaing tubig nito. Ipinagbawal ito ni Luminax sapagkat ang Ilog at mga Punongkahoy nito ay pagkakakilanlan ng kasamaan at Kadiliman. Nagtungo agad ang Farishtang si Sadalphona sa Kaharian ng Henrophrydie upang ipabatid sa mga lahing diwata ang kautusan ng kataas- taasang badhala ukol sa mga Punong Kahoy at Ilog Krilenio.... Pagkatapos nitoy ipinag- utos ng Reyna sa lahat na ipatupad ang batas at ipaalam sa lahat ng lahing naninirahan sa lupain ng Fornapyxis ang nais ni Badhalang Cetus Luminax. Bumalik na sa kaharian ng Sirius ang Farishtang si Sadalphona at ang kanyang balita'y kumalat sa lahat. Sa kabilang dako'y nagkaroon ng pag- uusap ang mag- inang Ursa at Adramalech.

Reyna Ursa: Aking anak! Anu ang iyong nais? Tila'y di ka mapakali at may gusto kang sabihin. Huwag kang mahiya mahal kong panganay.

Adramalech: Ina, nalalapit na po ang proklamasyon ni Andromeda bilang pinuno. Ina, hindi ko nais na siyay siraan sa inyo, ako ang nararapat ina na maging pinuno sapagkat ako ang nakakatanda, sanay sa lahat ng aspeto at mga batas sa kaharian at ako'y lalaki na matatag ang loob sa lahat, hindi tulad ni Andromeda na siyay babae at malambot ang puso na maaaring mauto at malinlang ng mga kalaban. Naway magbago ang iyong desisyon at Isipan ina para sa ikakabuti ng lahat.

Reyna Ursa: Tama ka dyan anak na malambot ang kalooban ng iyong bunsong kapatid na babae ngunit hindi hadlang ito at ang kanyang pagkababae upang mamahala sa buong kaharian, sa katunayan akoy babae anak at puso ang pinaiiral sa pamamahala na taglay ni ANDROMEDA. Isa pa siyay itinadhana ni Badhalang Cetus Luminax na maging pinuno ng lahat kung kayat tadhana na ang may nais nito aking mahal. Anak, lagi mong tatandaan na hindi mo kailangan maging pinuno upang kilalanin ng lahat, Gawin mo ang iyong tungkulin at gumawa ng mabuti sa lahat upang ikaw ay ikarangal ng lahat.

Adramalech: Naiintindihan ko Ina na ayaw mo akong maging bagong pinuno. Lagi ka na lamang kay Andromeda nakatuon ang iyong pagmamahal at atensyon. Pati ba naman ang Gintong Dyamante ng Kaliwanagan ay sa kanya pa rin. (Aalis na naluluha at may poot).

Azanigin: (Nakikinig lang sa sulok).

Reyna Ursa: (Pahabol na sasambitin ito kay Adramalech). Anak ! nagkakamali ka pantay- pantay ang tingin ko sa inyo.

Gurong Delphinus: (Darating) Mahal na reyna tilay ikaw ay lumuluha , Anu ang problema?

Reyna Ursa: Hindi ako naiintindihan ng aking panganay na anak.

Gurong Delphinus: Mahal na Reyna, maaaring intindihin mo na lamang ang iyong anak at silay lagi mong idalangin na magliwanag ang kanilang mga kaisipan. Siya nga pala, dapat hoy magdoble ingat ka reyna sa pagtatago ng Gintong Hiyas ng Kaliwanagan sapagkat maaaring marami ang magtangkang kumuha nito na dapat ay ipapamana mo sa iyong susunod na Reyna. Itoy makapangyarihan kung kayat dapat itong ingatan.

Azanigin: (Nakikinig)

Reyna Ursa: Huwag kang mag-alala mahal na Guro, nasa ligtas itong lalagyan at itoy nasa tagong lugar ng aking silid.

Azanigin: (Nakangiti sa narinig).....

- Sa kinatanghalian ay oras na ng paghahandog ng mga natatanging handog sa Badhalang Cetus Luminax, nagtaka ang Reyna Ursa, si Gurong Delphinus, mga Tagahatol at iba pa sapagkat wala si Adramalech sa paghahandog. Samantalang, dahil sa sama ng loob sa ina ay nagpasyang umalis si Adramalech ng ilang araw sa kaharian upang magpalipas at siyay napunta sa lupain ng Deshaparademia (Lupain ng mga Babaeng Manggagaway). Napadpad siya sa Hilagang parte ng lugar na nagkataong may sampung babae na naroon na lubhang napakagaganda. Ang lugar na kung saan siyay napadpad ay sa Tabing Ilog ng Krilenio. Ang mga babaeng iyon ay uminom ng tubig sa ilog at kumain ng bunga sa mga punongkahoy kung kayat naging masasama ang mga ito. Tunay ngang nakakatukso ang ilog at punongkahoy na kahit itoy maiitim at nakakatakot, sa paningin naman ng mga nilalang ay para ba itong gintong kulay, maberde at masasarap ang mga bunga at pagkain. Nabighani si Adramalech sa mga babaeng manggagaway na sumuway sa utos. Pagkatapos ng mga pagsiping ay tinanong ni Adramalech ang mga babae kung ano ang nais ng mga ito at sumagot ang mga babae na nais nila ng kayamanan ng Ginto't pilak....

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon