Chapter 8: Sa Pagkamatay ni Reyna Ursa

53 19 0
                                    

         

- Sa kabanatang ito ay malalaman ni Forneus ang mga kaganapan sa kaharian ng mga diwata sapagkat nakita nya ang lahat sa paggamit ng kanyang kapangyarihang gintong dyamante ng kadiliman..... Isa pa, nabasa niya sa kanyang isipan ang galit at poot ng magkapatid na Adramalech at Azanigin kung kayat siyay natuwa at nanabik sapagkat siyay uhaw sa kapangyarihan ganun din sa mga nilalang na may galit at poot. Naisip ni Forneus na gamitin ang magkapatid upang gawing mga kakampi at alagad at upang matalo ang mga diwata.

Forneus: Mga halimaw at maligno na aking mga kampon, oras na upang ipamalas ang ating lakas at kapangyarihan, tayoy matatag na sa ating pwersa at matatag na ang mga kaharian..... sa ngayon akoy magtutungo sa kaharian ng mga diwata upang kamustahin ang dalawa kong mga magiging bagong kakampi at hihirangin kong mga pinuno upang aking makatuwang sa pagbagsak sa ating mga kaaway. Pagkatapos ng ating planong iyon ay ating sasakupin ang lupain ng mga bawat kaharian at nasisiguro kong ako ang magiging badhala sa lahat at ating makukuha ang pinakamakapangyarihang Gintong Dyamante ng Kaliwanagan. Natitiyak ko ring kahit si Cetus Luminax ang Pinakamakapangyarihan sa lahat ay siyay mahahapis dahil makikita niya kung paano ko puksain ang kanyang mga sinisintang mga Diwata. At siyay mabibigong kilalanin bilang pinakamataas na badhala sa lahat ng mga nilalang at makalaunay pati na rin ng mga mortal....

Dajacarabia: Mabuhay ang Badhalang Forneus at ang kanyang Kadakilaan !!!!! Mabuhay!!!!!

Mga Halimaw/ Maligno: Mabuhay!!!!

- Sinamantala ni Forneus ang pagkakataon upang makapunta sa lupain ng mga diwata. Sa pagkakatungo ni Forneus sa kaharian ay nagpanggap siyay isang diwatang mandirigma. Nakalapit siya sa kinaroroonan ng piitan nila Azanigin at Adramalech. Ginamit ni Forneus ang Kanyang kapangyarihan upang higupin ang enerhiya ng mga kawal at mapatay ang mga ito. Sumunod na kanyang ginawa ay nagpanggap siyang isang Farishta at pinasok ang piitan nila Adramalech at Azanigin.

Adramalech; Sino ka? At ano ang ginagawa ng isang Farishta sa lugar na ito? Di bat kinamumuhiaan kami ng Badhalang Luminax?

Azanigin: Oo nga... Lumayo ka sa amin!!! Hindi kami magdadalawang isip na labanan ka sapagkat pakay mong kami ay patayin.

Forneus: Nagkakamali kayo sa inyong mga inaakala. Naparito ako upang kayoy aking tulungan at palayain mula sa pagkakabilanggo..... nais kong akoy inyong sambahin at kilalanin at ipinangangako kong makakalaya kayo rito.

Adramalech: Sino ka para aming sambahin? Hindi ka naman isang Badhala at wala kang panama at isa ka lang Farishta na alagad ni Cetus Luminax.

Azanigin: Sandali lamang ang ibig sabihin ba nitoy ikaw ay kalaban na ng Badhala ?

Forneus: Oo, sapagkat akoy kanyang ginamit lamang na tulad ninyo. Iisa lamang ang ating layunin at nais ko kayong isama sa isang lupain kung saan tayoy magiging makapangyarihan at magagawa nating matalo ang lahat kahit na ang BADhalang Luminax.

Adramalech at Azanigin: (Lumuhod sa harap ni Forneus at hahalik sa paa nito).... Panginoon, sige isama mo kami sa lupaing sinasabi mo.

- Sa usapang yon ay darating ang mga grupo ng kawal ng mga diwata upang tugisin sina Adramalech at Azanigin. Ginamit ni FORNEUS ang kanyang kapangyarihan upang pasabugin ang rehas ng bilangguan at pinasabog at pinatay niya ang mga palusob na mga kawal. Napakalakas ng pagsabog at nagulat ang lahat sa kaharian ng Henrophrydie at gumalaw ng bahagya ang lupa. Pinakawalan ni Forneus sa piitan ang dalawang magkapatid kayat nakagawa si Forneus ng lagim sa pamamagitan ng pagkamatay ng mga kawal. Sa pagkawala sa piitan ni Adramalech at Azanigin ay mababalita ito sa buong kaharian at nabalot ng takot at pangamba ang lahat sapagkat maaring maghasik ng lagim ang magkapatid. Samantalang nilapitan ni Amalthea ang Reyna Ursa . Hinawakan nito ang kamay ng reyna at nakita nito sa kanyang isipan ang isang palaso na may dugo.

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon