Si Mascarana
- Kalat na kalat sa buong bayan ang isang pagtatanghal Teatro na gagawin at ipalalabas. Ang pagtatanghal teatro ay isang drama at komedya na binubuo ng mga tauhan na gumagamit ng mga ibat- ibang uri ng mga maskara. Ito ay kinasabikan ng lahat sapagkat magtatanghal si Mistika na sikat na sikat sa lahat dahil sa husay nitong mga pagganap. Dahil ritoy bumili si Yang ng tatlong ticket upang makapanood din sina Jia at Chin at tatlong ticket na lamang talaga ang natira at swerte nya itong nabili. Ibinigay ni Yang ang mga ticket kay Jia at Chin at silay Tuwang tuwa. Nalaman ito ni Freyah at syay nagtaka kung bakit syay walang ticket. Ipinaliwanag ni Yang ang kadahilanan ngunit sa kanyang pagsasalita ay may kasamang pang- aasar at pang iinggit kung kayat ito ang naging dahilan nang kanyang pag- iyak nang ubod ng lakas. Pinigilan ni Lolo Singto at Lawrence si Freyah sa pagngal ngal nito at binigyan ng mga pagpipiliang bagay na nais nito ngunit hindi pa rin tumigil nang kakaiyak si Freyah dahil ang makapanood ang nais nya.
- Kinabukasan ay araw na ng palabas at pagtatanghal. Maagang nagising ang tatlong apo ni Lolo Singto upang mauna na at makaupo sa pagtatanghal. Hindi maipinta ang mukha ni Freyah sapagkat umagang- umaga ay nakabusangot ang mukha nito. Nakaisip ng paraan si Freyah kung papaano ito makakanood at makakapunta sa pagtatanghal. Nagpunta si Freyah kay Metalica upang ito ay yayain na magpunta at manood.
Freyah: Metalica, halika magpunta tayo sa bayan at tayoy manood ng palabas roon.
Metalica: ha? Papaano tayo makakanood doon, wala naman tayong ticket.
Freyah: Ano ka ba Metalica madali lang iyan, tayoy dapat na magpanggap na mga artista sa palabas na iyon. Alam ko kung saan ang pasukan at pasikot sikot roon kayat anu pa ang hinihintay mo tara na.
Amalthea: (Biglang sisingit)....... Freyah, masama ang iyong binabalak. Hindi ako makakapayag sa iyong nais na gawin makapanood lamang.
Freyah: (Huhulihin si Amalthea) ikaw na ibon ka ubod ka nang kontrabida sa mga pangarap ko. Halika rito (Ikukulong si Amalthea).... Babalikan ka na lang namin mamaya dyan Amalthea ... paalam.
Amalthea: Freyah!!!! Walang hiya ka pakawalan mo ako rito. Kapag ako nakakawala rito masasaktan ka.... Freyah!!!!
Freyah: (HAhatakin si Metalica) Halika mag- ayos muna tayo at umalis na.
- Nagtungo nga sina Freyah sa pagtatanghal kasama si Metalica. Silay nag- ayos na parang mga artista at sa unang pasukan ay silay pinayagang makapasok. Pagdating sa ikalawang pasukan ay silay hinarangan sapagkat hindi naniniwalang artista sila. Humingi ng patunay ang mga nagbabantay sa ikalawang pasukan ngunit walang maipakita sina Freyah. Naisip ni Freyah na umarte upang makumbinsi ang mga bantay, siyay parang baliw sapagkat syay umiiyak, sumayaw, umawit nang sintonado at umarte ng Nangingisay. Napakamot sa ulo si Metalica at parang gustong umalis dahil sa kahihiyan. Sa huli ay pinayagan nang pumasok sina Freyah dahil nakulitan na sa kanya ang mga bantay. Tuwang tuwa si Freyah dahil nagbunga ang kanyang paghihintay at saw akas ay makakanood din sya.
BINABASA MO ANG
Princess Freyah
FantasyAng istoryang ito ay nababase mula sa kathang isip ng author kung saan ang istorya ay nauukol sa itinakdang tagapag-ligtas na si Freyah (na isang dugong mortal at diwata) laban sa isang masamang Badhala na itinapon sa lupa mula sa kalawakan .