CHAPTER 21

3.8K 102 0
                                    

   Lumipas ang isang linggo na tila paniginip kay Beeya ang lahat ng nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Greeko. Malambing ito at maasikaso sa kanya. Buong atensyon nito nasa kanya lamang. Kapag di nagtatrabaho si Greeko nililibot sya nito sa buong palasyo nito. Minsan sa paligid ng chateau. At kung di ito available lalo at busy sa business meetings nito sinasamahan sya ni Lila. Lahat ng mga kawaksing nagtatrabaho doon ay mabait sa kanya. Tinatrato syang prinsesa na di nya nman sinang-ayunan kahit nga ang pagtawag sa kanya ng mademoiselle di nya rin pinahintulutan. Gusto nyang tawagin lamang sya ng mga itong Beeya. Naaasiwa sya kapag may ibang address sa kanya. Ngunit kapag nasa paligid si Greeko di nya ang mga ito mapigilan na kalaunan nakasanayan nya na rin.
   Masaya ang mga araw nya sa chateau nito at simula ng araw na nakatulog ang lalaki sa kanyang silid di na ito muling lumipat sa sarili nitong silid. Kahit anung protesta nya rito di nagsilbi rito na ikinainis nyang lalo.
  "What are your plans for today princess? "Tanong ni Greeko habang magkadulog sila sa breakfast. Mataman syang pinamasdan. Nakasuot sya ng jeans and blouse na white with matching jeans jacket. Tamang tama lamang sa kanyang adventure sa labas mamaya. Di nman winter time doon kaya ok lang yung suot nya. Nakapony tail rin ang mahaba nyang buhok saka nagsuot ng leather boots.
"Going to lake with Lila. "Tipid nyang tugon. Na ang atensyon ay nasa pagkain nya.
"Don't roam around the lake without Lila princess. It's not safe at all. "Bigla itong nagseryosong nagsalita sa harap nya. Napaangat ang tingin nya rito at bakas sa mukha nito ang concern na nabanaag nya sa mukha ng lalaki.
"OK. Don't be exaggerated Greeko am with Lila and I won't do any foolish acts. "Nairita nyang wika rito. Tila ba sya walang kakayahang ipagtanggol ang kanyang sarili. Eh lumaki sya sa bukirin! Hindi sya isang prinsesa na lampa at walang alam sa mga bagay bagay sa kanyang paligid.
"Alright, don't leave your phone behind. Call me if anything happens. "Anito saka tumayo ng tumunog ang phone nito. Nilapitan sya nito at siniil ng halik sa mga labi pagkatapos agad syang pinakawalan matapos itong magpaalam na nauuna na ito dahil mayron itong lakad.
   Nasundan nya na lamang ito ng tingin saka walang ganang tinapos ang kaunting natitirang pagkain sa kanyang Plato. Bigla syang nawalan ng gana,  kapag may tawag na itong natatanggap agad sya nitong iiwanan. Nawawala na kasi ang atensyo nito sa kanya kapag may tumatawag na sa phone nito. Tanging sa silid nya lamang sila nagkakaroon ng pagkakataong magkasama ng matagal.

   Naging masaya nman ang picnic nilang dalawa ni Lila sa lake. Nagboating silang dalawa palibot sa lake na sakop ng lupain ni Greeko. Nagtagal sila doon kaya medyo papadilim na ng makabalik silang dalawa sa chateau. Kumuha pa kasi sila ng mga flowers sa nadaanang flower farm kanina.
   Napakunot noo pa si Beeya ng may mga sasakyang nakahelira sa harap ng entrance door. Di nya alam na may party sa bahay ng lalaki dahil wala nman itong nabanggit sa kanya kaninang umaga bago ito umalis. Maingay at halatang nagkakasiyahan sa loob niyon. Maingat syang lumapit patungong main door. Ayaw nyang gumawa ng ingay na maaaring makaagaw ng pansin ng mga panauhin nito. Di nya rin naman kilala ang mga taong nasa paligid ng lalaki maliban sa ilang mga kawaksi nito sa loob ng bahay.
"Oh Greeko darling you know I miss you so much. You didn't call me in Canada. You're too busy for me babe. "Ang naulinigan nyang wika ng isang babae na may malambing na tinig mula sa may tarangkahan ng main door.   
Nakatayo ang dalawa doon,  malayo sa karamihan ng mga bisitang naroroon. Nakayapos ito sa lalaki at nakatingalang nagsasalita. Hawak nman ito ng lalaki sa bewang na nagdulot ng kirot sa puso ni Beeya. Tila ba tinusok iyon ng karayom. Nakasuot ang babae ng pulang hapit na hapit sa katawan nito at halos masilipan na ito sa sobrang ikli. Umabot lang ata ito sa pang-upo ng babae tama lamang matabunan ang puwetan nito at ang suot na underwear kung meron man pilyang susog ng isip nya. Di nya napigilang wag matawa sa itinatakbo ng kanyang isipan. Nang maalala kung sino ito sa buhay ng lalaki nansisilik ang matang tinapunan nya ang mga ito ng masamang tingin. Marami itong suot na jewelry at makapal ang make. Nagmukha na itong clown sa peryahan nila sa probinsya. Ito siguro ang mga tipong babae ni Greeko na siniseryoso. Di ang mga kagaya nya na tagapagpainit ng kama nito. Napakuyom kamao sya ng sumagi sa kanyang isipan baka nga ginagamit lang sya ng lalaki.
 
Well, bagay din nman silang dalawa. Ang mga babaeng tulad ni Vettina mahirap banggain. Ayon sa kanyang obserbasyon dito. Sa ilang taon nyang pagtatrabaho sa airlines ng lalaki marami na syang nakasalamuha na mga kagaya ni Vettina. Mapagmata sa kapwa tao.
   
Pero meron din nman mabait kapag simply ang ayos ngunit eleganteng tingnan na naging kaibigan nya na. Kinakausap sya ng mga ito kapag sumasakay ito sa unit ng plane na kung saan sya nakatalagang lumipad paere.
  
Di nya na kelangan pang tanungin kung sino iyon dahil familiar ang mukha nito na nakita nya isang beses sa isang fashion magazine na nakalagay sa likod ng upuan ng plane.

"I know sweetheart am sorry for that "anito sa babae pagkatapos bigla na lamang itong kinabig ni Vettina sa batok at sa isang iglap magkalapat na ang mga labi ng mga ito. Napapikit sya sa kanyang nakita. Nilukuban sya ng matinding selos. Tila ba biglang hinulog ang kanyang puso sa kanyang nasaksihang halikan ng dalawa.
Mabilis syang tumalikod at tumakbo sabay hila sa nakasalubong nya na si Lila sa kamay.
"Wait, why we're running fast? "Nagtataka nitong tanong sa kanya.
"There's lots of guests inside. I don't want to show my face up there. Please. "Pakiusap nya na agad nitong tinanguan at walang salitang nakiayon sa kanya.
Hinila nya ito patungo sa likod na bahagi ng Chateau kung saan meron pang door para makapasok ng di napapansin ng mga bisita ng lalaki.
   Nagpaalam sya kay Lila na aakyat sa taas ng kanyang silid at sinabing masama ang kanyang pakiramdam at di nya na kelangan ang presensya nito dahil matutulog na sya.
   Di ito pumayag na di sya hatiran ng pagkain at gamot para sa kanyang sakit sa ulo pagkatapos iniwanan na sya nito sa kanyang silid para makapagpahinga.
   Di sya sa master bedroom tumuloy. Pumasok sya sa isa sa mga guest room at doon nagpahinga hanggang dalawin sya ng antok.
Ayaw nyang makasama o makatabi ang lalaki mamaya. Inilock nya iyon at naghubad ng mga damit naghilamos lamang sya ska nagtooth brush ng ngipin.  Muli syang bumalik sa silid matapos malinis ang katawan, tanging T-shirt at underwear lamang ang kanyang suot ng mahiga sa kama. Ilang minuto pa ang lumipas bago sya hinila ng antok.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon