CHAPTER 36

3.7K 103 0
                                    


   "If you ever see this woman in the picture or you have any information on her just contact me directly. I really need to find her because she's my fiancé. And we search for her for months now but we didn't find her."Ang  panghuling litanya ng lalaki sa kanyang interview.
   Agad iyong pinatay  ni Beeya at parang nanlalantang gulay na napatayo . Si Carly nman ay di pa rin nakatinag sa kanyang kinalalagyan. Nakatingin pa rin ang mata nito sa madilim na screen ng television nila. Na shock ata ang kanyang kaibigan pagkakita ng mga lalaking escort ni Greeco. Ang lalaki pa nman ng mga katawan ng mga goons nito.
   'Anu raw fiancé sya nito? Fiancé my ass! Anu bang pinagsasabi nito sa national tv at tila ba meron itong ipinangako sa kanya ng ganoon?
     At anung akala nito magpapakita sya rito ng ganoon na lamang? Abah ang tindi nya rin nman noh! Ang swerte nya kapag nangyari iyon! Dahil di nya na hahayaang makapasok pa ito sa buhay nya. Sa buhay nilang mag-ina dahil sisiguraduhin nyang di nito malalaman na magkakaanak na ito sa kanya. Never!
      At anu pa bang dapat nitong habulin sa kanya? Bakit pa ba sya nito hinahanap eh may Vettina na nga ito sa buhay nito. Sabihin mang nagbago na ang pasya nito about Vettina eh wala na syang pakialam doon. Dahil ang tanging concern nya ay ang magiging reaksyon ng buong pamilya nila sa probinsya kapag nalaman ng mga itong nabuntis sya ng ibang lalaki!'Naggagalaita nyang sigaw sa loob lamang ng kanyang isipan.
    Tila lahat na ata ng kanyang dugo ay nag-akyatan na sa kanyang ulo ng sandaling iyon. Dama nya pa ang panginginig ng kanyang kalamnan. At nanggigigil sya sa mga oras na iyon. Gusto nyang may masasabunutan at pagbuntungan ng kanyang inis at galit. Ngunit di nya nman pwedeng sabunutan si Carly at baka magdilim ang paningin nito at ito pa ang maghahatid sa kanya kay Greeco.
     Medyo balisa nyang hinarap ang kanyang kaibigan saka kinausap ito.
"Carly, anung gagawin natin ngayong puspusan na talaga ang pagpapahanap ni Greeco sa akin? Paano kung matunton nya tayo rito? Paano kung malaman nyang buntis ako at ito ang ama ng bata? Paano kung--"nag-aalalang wika nya na agad pinutol ng kaibigan.
"Beeya, take a deep breath. Don't worry or stress yourself thinking about something that is far from happening. Makakasama yan kay baby. Hindi ka mahahanap ng lalaking iyon. I will make sure he won't find you or find us. We'll think of something for you to avoid meeting him or his goons. "Pagpapahinahon nito sa kanya.
    Hinila sya nito sa kamay at muli ay pinaupo sa tabi ng kaibigan. Hinimas-himas pa nito ang kanyang likod para mabawasan ang kanyang agam-agam na nararamdaman.
    Sinunod nya ang sinabi nito. Napahugot sya ng malalim na buntong-hininga at napabuga ng marahas. Medyo gumaan nga ang kanyang pakiramdam.
  "Thank you Carly. I don't know what to do or think if you're not here with me. "Grateful nyang wika rito.
  "What are friends for if I can't help you. You're my best friend Bee. Magkasabay tayong lumaki. Noon pa man tayo na ang magkasangga sa lahat ng bagay. Magkaapay tayo sa oras ng kulog at kidlat na dumarating sa ating dalawa. Kulang na nga lang sa atin eh maging kambal tayo na di pwede paghiwalayin. Eh diba nga kaya ka nga naging stewardess dahil sa akin. Gaya-gaya ka kasi sa akin eh. Simula nursery magkaklase na tayo Bee eh hanggang magkolehiyo pa nga. Naalala mo pa ba noong di tayo naging magkaklase sa grade one. Diba nagwala ka sa silid-aralan dahil di ka nga pinapasok sa classroom ko? "Nakangiting paalala nito sa kanya.
"Oo nga! Nakurot pa nga ako ng lola sa singit noon dahil humiga na ako sa maduming sahig ng classroom mo. Kung di pa ako inalo-alo ng titser mong may malalaking salamin na mukhang si Miss Tapia di pa ako napahinto sa kakaatungal doon. "Napangisi nyang sabi.
  "At pagkauwi ng lola sa bahay pinagalitan sina tatay dahil inispoil ka raw ng pagkaganda-ganda kaya lumaki ang ulo mo.! "Natatawang paalala nito.
  "Eh kasi nman only girl diba? So talagang sunod sa layaw maliban sa material things si ako! "Napangiwing aniya.
"Eh kasi nga kuripot sina lola. Saka na lang daw magpapabongga kapag nakagraduate na at may malaking sahod ika ng lola natin! "Anito uli.
"Kaya nga noong makapagtapos tayo ng college diba excited tayong nagbalot ng ng mga damit patungong manila? "Paalala nito na ngingiti-ngiti pa rin.
"At tila nakawala tayo sa kwadra pagkadating dito diba? Halos gabi-gabi tayong nasa bar ng kamaynilaan? "Nakahalakhak nyang wika.
"Ayyy! Oo nga girl! Diba muntikan ka pang makipagsapakan doon sa nanhipo sa puwet mo? "Paalala nito uli sa nangyari sa kanila sa isang bar.
"Eh panu naman kasi ikaw iyong naunang nanhipo sa puwetan ng kasama nitong gwapong lalaki tapos ako iyong ginawa mong panangga! Ayan tuloy nahinipuan-balik tayo "Asar nyang balik-paalala nya rito matapos muling magflash-back iyong mga pinaggagawa nilang dalawa noon.
"Eh nman kasi ang umbok ng puwetan noong kasama nitong guy eh di ko nman akalain na siga pala ng kalye iyong nadampot nitong kadate anuh?!"sindak nitong wika sabay napataas ng kilay sa kanya.
Napahalakhak tuloy sya ng malakas kasi nga muntikan pa pala sila noon mapasok sa selda kung di lang namagitan iyong cute na manager noong bar sa malate. Dahil nga muntikan nya ng upakan iyong babaeng nanhipo sa pang-upo nya.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon