ENDING

8.4K 200 32
                                    

(Finale)

Mabilis naayos at nahanda ang mga kailangan para sa gaganaping kasalan nina Greeco at Beeya sa tulong ng koneksyon ng kanilang pamilya.
Ang kanilang kasal ay gaganapin sa mismong farm nina Carly. Nagpatayo ng malaking pagdadausan ang kanilang pamilya. Kumuha pa ang kanilang mga lola at ina ng wedding organizer dahil tanging nag-iisang babae si Beeya sa kanilang pamilya eh talagang di pumayag ang kanyang mga lolo at lola na di malaki ang kasalang magaganap.
Maraming handa ang pinapahanda ng pamilya nina Carly at Beeya. Bawat kasapi ng pamilya ng dalaga ay proud sa mapapangasawa nya. Lalo at nalaman nilang di basta -bastang tao sa lipunan ang lalaki dito man o sa labas ng bansa.
Ipinagmamayabang pa iyon ng lolo at lola ng dalaga sa kanilang mga kabarangay. Pati rin nman ang mga magulang nya proud din kay Greeco. Paano di magiging proud eh nahuli ng lalaki ang kiliti ng mga ito sa mga araw na nagdaan na nandon ang lalaki. Magkasama na silang dalawa sa isang silid. Ayaw sanang pumayag ng mga magulang ngunit ng ihingi iyon ng permiso ni Greeco sa kanyang abuela eh napakalapad ng ngiti niyon ang isinagot.
Anito hindi na nito mahintay ang paglabas ng kanyang mga babies. Excited itong masilayan ang magiging apo nito sa tuhod. Ayun pa dito eh milenyo na raw ang panahon kaya ok na raw na magsama na silang dalawa. Ikakasal din nman daw sila sa di malaon.
Sa tuwing may lakad si Greeco parati sya nitong kasama kahit swan. Ayaw nitong malayo sya rito. Lalo na nung kunin nila ang damit pangkasal na susuutin nya akala mo embalido sya kung tratuhin nito at di lang iyon kinunan pa sya nito ng private ob-gyne para raw sa kanilang safety iyon ng unborn children nila.
Ang lalaki rin ang nagshoulder sa payment ng mga damit ng mga magulang at mga bride's maid na pilit sanang inaayawan ng kanyang mga magulang. Halos gusto na ngang akuin ng lalaki ang gastusin na di pinahintulutan ng mga tatang at lolo nya. May panindigan kasi ang kanilang kalalakihan sa pamilya lalo na at tubong mga probinsya ang mga ito.
Malalaking tao sa kanilang bayan ang invited ng kanilang mga lolo at lola. Although di nman tumakbong opisyales sa bayan nila ang mga lolo nya ngunit malapit itong kaibigan ng mayor, governor at iba pang matataas na opisyales sa kanilang bayan. Kilala sa pagiging mapagbigay at mababait na tao ang kanilang mga lolo at lola. Kaya lahat ng mga tagaroon sa kanila ay kilala ang pamilya nilang dalawa. Maliban sa malalapad ang mga lupain ng mga matatanda eh sila rin ang nagbibigay ng malaking income tax sa kanilang bayan.
Dumating ang mga bisita ni Greeco na pinatuloy ng mga magulang nila sa isang hotel sa bayan na malapit nmang kaibigan ng pamilya nila. May mga malalaking tao sa lipunan si Greeco na invited. Nandun din ang mga kaibigan at katrabaho nina Carly. Di nakaattend sa kasal nila ang mga magulang ng lalaki dahil di pa lubusang maayos ang health ng ina ng lalaki.
Dumating ang araw ng pinakahihintay na kasalang Greeco at Beeya. At bongga ang nangyaring entourage ng mga principal guest, bride's maid and grooms men. Pati sa mga little brides and grooms, lahat sila ay nakasakay sa tigdadalawang upuan sa kalesa. Bawat partne imbes na maglalakad eh nakasakay lahat sa kalesang nilagyan ng mga palamuti. White and gold ang motif ng kasal ni Beeya. Tila sya isang prinsesa habang nakasakay sa kalesang may puting kabayo. Ang kanyang damit ay gawa ng isang kilalang mananahi sa Paris na syang pinili ni Greeco para suotin nya. Meron din syang suot na tiara na may diamonds studs na nakalagay.
Lahat ng mga bisita ay napasinghap at namangha ng mabistahan ang bride ni Greeco. Umugong ang bulong-bulungan habang nakasakay sya sa kalesa na talagang pinasadya na tila sya isang royalties.
Simply lamang ang suot na mahabang wedding gown. Dinaig nya pa si Cinderella sa suot nitong gown sa Disney movie. Meron kasing diamonds iyong wedding gown nya na nagkakahalaga ng 5 million. Halos malula si Beeya ng malaman ang halaga ng kanyang damit ng aksidenti nyang narinig minsang may kausap ang lalaki. Malapit pa nilang pagtalunan iyon. Itinikom nya na mga lang ang sailing bibig sa tuwing may nagtatanong ng presyo ng kanyang damit. Kahit sa best friend nya at kapamilya inilihim nya rin iyon.
Ang paliwanag ng lalaki sa kanya eh once in her lifetime lang nman daw kakasalin ang babae kaya ginawa nitong memorable. Sa despiras nga ng kasal nila niregaluhan sya nito ng isang set ng diamond. At di lang iyon pati lola at ina nilang magkaibigan meron din palang ibinigay na regalo ang lalaki. Samantalang sa mga kalalakihan eh binigyan nito ng mamahaling inumin at tubako nman sa mga lolo nila.

"I pronounced you as husband and wife. You may now kiss your bride! "Masayang wika ng paring nagkasal sa sa kanila.
Binalingan sya ng lalaki at hinawi ang belong suot nya. Ang kanyang kabang nararamdaman simula pa kanina sa silid nya at ng magsimula ang seremonyas ng kasal nila ay nadagdagan ng hawakan sya ng lalaki. Di nya maintindihan kung bakit lumakas ang tambol ng puso nya.
"Still feeling nervous princess? You are my legal wife now. We're bonded as one and you're all mine "masuyong saad nito.
"O-of course not! "Maagap nyang protests rito sa mababang boses na tanging silang dalawa lamang ang makakarinig noon.
"Then,why your hands are shaking and cold ?"tanong nitong nakakaloko.
"I'm not--"pag-aapela nya rito ngunit di na sya nito binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili dahil nasa mga bisig na sya ng lalaki sa isang iglap at angkin na rin nito ang kanyang mga labi. Lihim syang napapangiting ipinikit ang kanyang mga mata upang damhin ang halik na iginawad sa kanya ng asawa.
"I won't get tired claiming those lips of yours or even get tired spending my whole life together princess... "Anito matapos pakawalan ang kanyang mga labi. Nahihiyang nagmulat sya ng mga mga mata at nakasalubong nya ang nanunudyong tingin ng lalaki.
"Mabuhay ang mga bagong kasal! "Sigaw ng isang bisita.
"Mabuhay !"sigaw nman ng karamihan.
Masaya syang niyakap ni Greeco, puno ng ligaya nya rin iyong tinugon at ng tingnan nya ang buo nyang pamilya nahuli nyang nagpupunas mga mata ang kanyang mga magulang ngunit bakas ang ligaya sa mga mukha.

ENDING

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon