CHAPTER 2

6K 134 0
                                    

"Carlo, mukhang tsamba ang pag-uwi natin ah!"wika ni beeya sa katabing lalaki.
"Oo nga anu! Baka meron bisita o di kaya ay merong kasayahan sa bahay nyo. Pero teka but pati sa bahay nmin meron rin usok? Hmmmmm...isa lang ang ipinahihiwatig nyan beeya. May party ang dalawang bahay!"wika rin ni carlo na ang kanilang mata ay nakatutok sa dalawang malaking bahay na natatanaw na nila.
"Oh anu ng gagawin natin? Amuyin mo nga ako kung amoy durian pa rin ang bunganga ko?"sabinji beeya na napahinto sa paglalakd kahit nasa bungad na sila ng bahay nila.
"Kelangan pa talagang ipaamoy mo yang bunganga mo sa akin ha?!"nakataas kilay na wika ng kaibigan.
"Aba, dapat lang naman mag-amuyan tayo ng bibig kung ayaw mong mabitay tayo ng iyong lola Gracia!"napairap nyang saad rito.
"Sige na nga! Kahit kadiring gawin pipikit na lang ako para amuyin yang mouth mo!"sabi nito na may pandidiri.
"Heh!:kala nito mabaho ang bunganga ko eh ikaw ngang nakikisalo sa plato ko kapag tinatamad kang kumuha ng sariling plato mo!"nang-iinis na paalala nya rito.
"Sya sige na baka magsabunutan pa tayo rito."pagkawika pinaharap sya nito saka ito pumikit at dahan dahan na inilapit ang ilong nito sa kanyang mukha.
"Wait!bakit nakapikit ka na agad? Panu mo makikita na malapit na ang ilong mo sa  bibug ko kung nakapikitnka na dyan?!aba carlo baka gusto mong halikan kita!"wika nya rito na napangisi dahil bigla itong napadilat ng mata sabay pinansilikan sya ng mata niyong malalaki pa rin.
"Eeewww!dont you dare kung ayaw mong magkaaway tayong dalawa!"nanhilakbot nitong wika na ikalinatawa nya na ng malakas.
"Ito nman akala mo kukunin na ang ang pinakatagong kayamanan! Sige bilis na bago pa tayo maabutan ng mga may malalakas na pang-amoy rito!"tatawa tawa nya pa rin wika sa kaharap.
Muli ngang inilapit ni carlo ang mukha nito sa kanya. Tatlong inches ang layo ng ilong nito sa kanyang bibig bago ito nagsalita.
"Di nman ang bango pa rin ng hininga mo. Teka,ginamit mo na nman ang mouth wash ko ano?!"sabi nitong tumitig sa kanya ng masama.
"Hiniram lang po di ko ninakaw!"pagtatama nya 
"Ganun din yun! Bakit ba ang hilig mong makigamit ng may gamit tapos yung gamit mo ayaw ko nmang gamitin!"lukot ang mukhang isinatinig nito sa kanya.
"Sorry na bilhan na lang kita pagkauwi natin sa manila. Yung pinakamalaki pa ang bibilhin ko para hati tayo!"sabi nya na kumindat rito. Isinukbit ang kamay sa braso nito saka nya ito hinila papasok sa bakuran nila.
Magsasalita pa sana ito ng salubungin sila ng kanilang mga ama na kanina pa pala nakamasid sa kanila ng dumating sila sa bungad ng gate.
"Mabuti nman at naisipan nyo pang umuwi rito?"seryosong wika ni Gilbert na nakatingin sa kanilang dalawa.
Napatutok ang mga mata nila sa mahabang mesa sa loob ng tent na nasa gilid ng bahay nina beeya. Di ordinaryong hapunan iyon. Ganoon ang paghahanda tuwing may mamamanhikan sa kanilang pamilya.
"Bakit po ninong may kasalanan ba kaming dalawa ni carlo?"pacute na wika ni beeya sa kanyang ninong gilbert.
"Mamaya na natin sila kausapin gilbert kapag tapos na ang masaganang hapunan mamaya."pukaw ng amang si hilton ng bigla na lamang natahimik si Gilbert
"Ninong hilton bakit po may tent sa labas ng bahay nyo?may bisita kayong darating or meron kayong magandang balita para magpahanda ng masaganang hapunan?"kunot noo nmang wika ni carlo sa ninong hilton na ama ni beeya.
"Masasagot lahat ng katanungan nyo mamaya pagkatapos ng hapunan. Sa ngayon magpahinga na kayo at maya maya lang magsisidatingan na ang inyong mga kapatid."pagtataboy ng ama ni beeya sa kanilang dalawa.
Nagkibit balikat lamang ang dalawang magkaibigan habang nagtuloy sa paglalakad papasok sa bahay nina beeya.
"Oh hanggang dito na lang kita ihahatid kasi uuwi na ako sa bahay. Kinakakabahan ako sa sasabihin ng dalawang matanda na yan eh!"pabulong na wika ni carlo sa kanya.
"Ikaw lang ba ako din kaya. Di mo ba napansin ang mga palitan tingn ng dalawang matanda na iyon?parang may gagawin talagang di natin magugustuhan? Tayo pa talaga ang pagdidiskitahan. Di kaya nalaman na nila na nagnakaw tayo ng durian nyo?saka paano nila nalaman na uuwi tayo?"takang wika ni beeya sa nag-iisip na kaharap.
"Oo nga anu. Ah basta kelangan nasa tabi kita para anuman ang mangyari sabay tayong tatakas rito!"napangising saad ni carlo na agad kinuha ang bag nya at binigay sa kanya.
Pagkabigay agad na itong lumipat sa kalapit na tahanan ng mga ito.
Pagkaalis ni carlo patalilis nman syang umakyat patungo sa kanyang silid. Ayaw nyang mahuli na nman sya ng kanyang ina at lola Alberta dahil sigurado syang sesermonan na nman sa ng mga ito. Di na bago iyon sa kanya kaso nakakarindi sa pandinig kaya todo iwas sya kapag umuuwi sa bahay nila.
   Nakarating sya sa kanyang silid ng wala man lang may nasalubong isa man sa dalawang babae.

"Kelangan pa ba nating tanungin ang dalawang iyon sa ating natunghayan kanina lamang gilbert?"pagbubukas ng usapin ni hilton sa kaharap na lalaki.
"Maliwanag pa sa sikat ng araw pare. Kelangan sa lalong madaling panahon mapag-usapan na ang bagay na iyan sa ating mga anak."seryoso na saad ni gilbert.
"Agree ako sa sinabi mo pare kaya mamaya tayong dalawa na ang magsasalita ng dapat gawin sa dalawa.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon