CHAPTER 25

3.7K 112 0
                                    

  Buong araw nagbabad sa kanyang silid si Beeya. Matapos kasing layasan  ang lalaki nagtuloy sya sa kanyang silid at doon nagkulong buong araw.
   Sinabi ni Lila na maagang umalis si Greeko kasama si Vettina na bumaba pagkaalis nya sa kusina.
   Binilinan raw ito ni Greeko na dalhan sya ng breakfast sa kanyang silid. Dahil alam nitong doon sya patungo ng layasan nya ito kanina.
   Pagkahatid ni Lila ng pagkain agad nya itong dinimiss. Sinabi nyang masama ang kanyang pakiramdam na syang totoo. Noong una pinasinungalingan nyang masakit ang ulo nya ngunit nitong mga nakaraang mga araw pakiramdam nya exhausted sya sa bawat araw na nagdaan ngunit di nya lang iyon ininda dahil sa kasayahang naradama kasama si Greeko.
Ngunit nitong umaga talagang wala sya sa mood ng magising isama pa ang galit nya sa lalaki sa nagdaang gabi. Gusto nya lang humilata sa kama buong araw at matulog.  Bigla nyang namiss si Carly. Kahit ang kanyang pamilya namiss nya rin. Napaiyak sya sa isiping iyon. Gusto nya ng umuwi ng pilipinas ngunit paano nya iyon gagawin. Ni ayaw nga syang paiwanan ni Greeko ng nag-iisa sa tuwing lalabas sya ng silid.
   Inis nyang pinagsusuntok ang unan na hawak nya. Ipinalagay nyang mukha iyon ng lalaki at sa papamamagitan noon makaganti man lang sya rito.
"I hate you, you moron! "Duro nya sa unan ng maisip ang nakangiting mukha ng lalaki.
   Muli sya nahiga ng patihaya at blankong napatitig sa ceiling ng kanyang silid.
   Inilock nya ang pintuan kaya di si Lila makakasok sa tuwing tsini-check sya nito. Every hour ata sya nitong pinupuntahan sa kanyang silid. Hinahatiran ng kung anung pagkain. Na syang dinedma ni Beeya. Wala pa rin syang ganang galawin ang anumang pinagdadala nito sa kanyang silid. Muli nitong binabalik sa kusina sa tuwing pupuntahan sya nito.
"Miss, sire will prosecute me if you still won't eat. Please mistress eat your food now. You haven't eaten for a day! "Frustrated nitong pakiusap sa kanya mula sa labas ng pintuan. Alam nyang may bago na nman itong bitbit na pagkain.
   Di nya ito pinakinggang. Tanging tubig lamang ang kanyang ginagalaw sa tuwing hahatiran sya nito.
It's only three in the afternoon ng sulyapan nya ang table clock sa tabi ng bed.
   Napabungtong hininga syang napaupo sa kama pagkatapos bumaba doon at tinungo ang balcony ng kanyang silid. Binuksan ang sliding door noon saka lumabas. Medyo papalamig na ang hanging panhapon. Bahagya nyang nayakap ang kanyang sarili ng dumapyo ang malakas na hangin.
Medyo nakadama sya ng kaginhawaan ng mapagmasdan ang magandang tanawing natatanaw nya. Nasa ganung posisyon sya ng biglang bumukas at bumalandra ng malakas ang pintuan ng kanyang silid. Napaigtad pa sya sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang galit ng kadarating na lalaki.
"Are you trying to kill yourself Aeona?! "Bulyaw nito na malalaki ang hakbang na ginawa palapit sa kanya.
   Agad sya nitong hinablot sa mga bisig at pinaharap sa madilim nitong mukha.
Di sya sumagot nakatingin lamang sya rito.
"God! You're so stubborn princess! And you made me more angrier than I expected! "Yugyog nito sa kanya. Halos bumaon na nga ang mga kuko nito sa kanyang braso sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito ngunit di pa rin sya nagsalita na ikinagalit nitong lalo.
"What's the matter with you lady?! If you wanted to kill yourself don't worry anyone of this house! You gave them problem! "Bulyaw nito sa kanya na iginaigtad nya.
     Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito ng makita ang takot sa kanyang mukha. Ito ang unang beses na nagalit sya sa babae ng totohanan. Tumawag sya para kumustahin ang lagay ng babae ngunit di nya inaasahan ang sagot na maririnig. Di ito kumain ni lumabas sa silid nito. Bawat pagkaing dadalhin dito di nito ginagalaw. At nagkulong pa ito sa kanyang silid. Nang malaman iyon magpasya syang umuwi kahit di pa tapos ang kanyang business matter. Pinakansel nya sa kanyang secretary ang nalalabing meeting sa kanyang business investors.
"Am sorry princess I didn't meant to yell at you. You made me so worried. What's the matter princess? Are you ill? Lila said your not well today and she's so worried too. "Malumanay nitong wika sa kanya. Humaplos ang mga palad nito sa kanyang mukha bago inangat ang kanyang baba para magpantay ang kanilang mukha. Nakayuko kasi sya di nya ito tiningnan kahit pinaharap sya nito.
"Talk to me please princess... "Frustrated nitong pakiusap ng ibinaling nya ang tingin sa balcony.
Naramdaman nyang niyakap sya nito ng mahigpit at kinintalan ng halik sa kanyang noo bago muli syang niyakap. Kinabig nito ang kanyang ulo pasandal sa dibdib nito. Tahimik lang sya habang yakap nito.
She still want to give him a cold treatment though.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon