Behind 11

19 0 0
                                    

-Sick

•°•°•

Eli's POV

"Uhm!" ungol ko. Minulat ko na ang mata ko at tumingin sa paligid. Teka! Ba't nandito na ako sa kama ko at ba't parang may mabigat na bagay sa may hita ko? Sa pagka-alala ko ay nandoon ako sa sofa kanina.

Tumingin ako sa may paanan ko at nakita ang isang paa doon. Sinundan ko ng tingin ito at...

what the fuck?! I didn't notice that he's just wearing a boxers. Napatakit naman ako sa bunganga ko tsaka pumikit. Oh my inocent eyes! Nabahiran ng napakamasamang imahe. Huhu.

"What the fuck, Chad!" nasabi ko nalang. Naramdaman long gumalaw ang katabi ko at nawala na rin ang mabigat n'yang paa sa hita ko. Hoo, salamat naman.

Minulat ko ang mata ko at tumingin sa tabi ko. Nakita ko s'ya na nakatingin din sa akin na nakangisi habang nakatukod ang siko n'ya sa kama at nakapatong ang ulo n'ya sa palad n'ya.

"Stop staring at me." saad ko.

"Why?" he asked.

"Can't notice? Manhid mo, syempre masyong nakakailang." sabi ko at inirapan s'ya.

"Ok. Bakit mo nga pala tinatakpan bibig mo? 'Di naman mabaho bunganga mo diba?" tanong n'ya na naging dahilan kung bakit muntik ko na s'yang sampalin.

"Malamang hindi! Hindi naman ako madungis na tao eh." sabi ko habang nakatingin ng matalim sa kanya.

"Easy lang naman. Alam ko namang hindi ka ganong klaseng tao eh." sabi n'ya na medyo natatawa.

"Yeah whatever." sabi ko.

"May plano ka bang bumangon?" tanong n'ya.

"At may plano ka rin bang magshort?" sabi ko rin.

"Tsk, nandidiri ka pa. Nahawakan mo na nga abs ko eh." sabi n'ya na ngising-ngisi.

Shit naman! Pinaalala pa talaga.

"But I didn't mean that. 'Di ko naman alam na katabi kita 'no." sabi ko. "Umalis ka na nga dito."

"Fine fine." sabi n'ya at bumangon. Naman 'yang view na 'yan eh. Pwedeng pakibilisan? Tatawa-tawa naman s'yang lumabas ng kwarto ko. Mabuti nalang nakalabas na 'yon.

Babangon na sana ako kaso naramdaman ko ang biglang pagkirot ng ulo ko kaya naman napahiga ulit ako. Shit! Ang sakit naman. Napasapo ako sa ulo ko dahil sa sakit.

Bumangon na ulit ako at nagsimula na sa pagsinghot-singhot, sisipunin yata ako eh. Tumungo ako sa walk-in closet at kumuha ng damit doon, simpleng shorts lang at isang V neck na t-shirt na color sky blue kumuha na rin ako ng, syempre, ang pinakamahalagang bagay na kailangang suotin. And yes, may walk-in closet ang kwarto ko, astig 'no? Kinidnap lang, nagkawalk-in closet agad.

Tumungo na ako sa banyo pagkalaba na pagkalabas ko sa walk-in closet. There's this pain in my head again, I'm also starting to sneeze over and over again.

Naligo na ako agad at pagkatapos ay nagbihis. Nako naman, nanlalamig ako. Ang lamig-lamig ng pakiramdam ko like anytime I'll freeze. Kumuha ako ng jacket at sinuot ito.

Bumaba na ako at tumungo agad sa kusina. Kumuha ako ng noodles sa drawer at niluto ito. Habang pinapabukalan ko pa ang noodles ay umupo muna ako. Hah, I feel like I'm going to sleep again, anytime.

Pinatong ko ang ulo ko sa bisig ko na nakapatong sa mesa. Shit! Ba't ang init? Tinaas ko ang ulo ko at sinapo ang noo ko. Shit! Ang init ko pala.

Tumayo na ako at kinuha na ang noodles. Nalagay ko ito sa isang bowl at nilagay ang mga pampalasa dito tsaka hinalo.

BehindWhere stories live. Discover now