Behind 25

7 0 0
                                    

-Scolded

Eli's POV

"Zan, saan ka talaga nakatira?" tanong ni Clen habang naglalakad kami sa corridor ng hospital. Actually, kanina pa 'to s'ya nangungulit. Ako naman, sinasabi lang lagi sa kanya na pagdating na namin sa parking lot. Iniisip ko kasi na baka kapag sinabi ko eh sumigaw nalang bigla.

Nakakagulat naman siguro diba? Na ang isang dukhang tulad ko ay nakatira kasama ang mayamang nagmamay-ari ng isang paaralan na kung saan nag-aaral ang mga mayayaman. And note, I'm not his Yaya. Slave nga lang.

Mabuti na nga lang hindi n'ya ako tinuturing na slave talaga. Though pagdating sa pagkain eh slave talaga ako.

What do you expect? He's a monster when it comes to food? Me either, by the way.

"Mamaya na nga lang sa parking lot." sabi ko, medyo may bahid na ng irita ang boses ko. Sino ba namang hindi kung nagsimula kang kulitin pagkalabas na pagkalabas n'yo palang ng kwarto? Now tell me who the hell is that? Search ko nalang kaya mamaya kung sino ang tao na may pinakamahabang pasensya sa mundo at nang makapagpalit kami ng puwesto?

"Eh kanina pa ako nangungulit dito, hindi mo naman ako sinasagot. 'Di na kasi ako makapaghintay." maktol n'ya. Para talagang bata.

"Hays...sige na nga." pagsuko ko, 'di ko na kasi talaga kaya ang pangungulit n'ya. Feeling ko nga, mababasag na eardrums ko dahil sa kakasalita ng isang 'to.

"See. Wala talagang nakakatiis ng pangungulit ng isang Clendra Dyn Scorpion." proud na sabi n'ya. Wala na atang makakatalo sa pagiging isip bata ng taong 'to.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang tumigil sa paglalakad si Chad. 'Nong nangyari dito? Napansin ko rin kanina na pabigla-bigla nalang nag-iiba mood n'ya.

Umiling s'ya ng mahina at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy! Ano na?!" nagitla naman ako ng biglang lumingkis si Clen sa braso ko. Gaano ba karaming tao ang gustong pumatay sa akin?

"Uhm..." nag-aalinlangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Hay, sabagay. Doon din naman kami patungo. Doon din naman ang destinasyon namin. "Well, tumitira talaga ako sa bahay ni Chad. I mean mansyon."

"Mansyon?!" nanlalaking matang tanong n'ya, pasigaw na tanong. Langya, ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakaagaw na tuloy kami ng atensyon. Sinita ko s'ya at nagpeace sign naman s'ya. "Pero sure ka ba talaga na nakatira kayo sa isang bahay? Mansyon rather." tanong n'ya at tumango naman ako, manga sampung beses din 'yon bago ko maramdaman ang dalawang kamay na humawak sa magkabilang side ng mukha ko, motioning me to stop.

"'Di ka ba nahihilo sa ginagawa mo?" tanong ng humawak sa mukha ko. At sino pa ba? Edi ang magaling na si Chad Loey Villalobos.

"Take. Your. Hands. Off. My. Face." may diing sabi ko. You know, words by words.

"Sure, I will. But first, stop nodding." sita n'ya sa akin.

"Yeah, yeah. Now take your handa off my face." sabi ko at agad naman n'yang tinanggal ang kamay n'ya sa mukha ko.

"Aray! Aray! Kinakagat ako ng langgam." rinig naming sabi ni Clen kaya napalingon kami sa kanya. Umaakto pa itong kumakamot sa magkabilang braso n'ya.

"Tama na, tama na. Una nalang ako nang 'di ka na langgamin." sabi ni Chad at nag-una ng maglakad.

"Waaahhh! Bes! Kenekeleg eke se enyeng delewe! Eeehhh!" sabi n'ya at impit na tumili. Napadaing naman ako ng bigla n'yang hampasin ang sugat ko. 'Nak ng! Ang sakit! "Omo! I'm sorry Zan! I'm so so so so so sorry! I didn't mean to do that!" pagpapaumanhin n'ya at dinaluhan ako. Shit! Naluluha na talaga ako sa sakit.

BehindWhere stories live. Discover now