Behind 16

12 0 0
                                    

-Monthly •

•°•°•

Chad's POV

Shit lang talaga! Magkakabukol yata ako nito eh. Ang lakas naman ng pagkakapitik ni Tito sa noo ko.

Nandito ako sa banyo ngayon at tinitingnan sa salamin ang noo ko. May pulang markang nakalagay doon. Tinabunan ko nalang ito ng buhok ko, mabuti na nga lang hindi pa ako nakakapagpagupit.

Lumabas na ako ng banyo at nagbihis na. Hay, makakapagpahinga na rin ako. Anong oras na nga pala? Tiningnan ko ang orasan at nakitang malapit na pala mag-alas nuwebe.

Its my time to sleep.

~¶©¥~

Nabulabog ang tulog ko sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko. And note, mukhang sisirain na ang pinto ko sa lakas ng pagkatok.

"'No ba naman 'yan?!" galit na sabi ko bago bumangon. "Nak ng pa---" napahinto ako ng makita ang nagmamakaawang mukha ni Eli. May nakapulupot na jacket sa beywang nito.

"C-Chad." nagmamakaawa ang tono n'ya habang sinasabi ang pangalan ko. 'Narape ba 'to?

"Bakit?" inis na sabi ko.

"P-pwedeng pahingi ng p-pabor?" tanong n'ya. 'Yang nagmamakaawang mata n'yang 'yan, baka kinuha ko na 'yan.

"'No?" tanong ko.

"Ah... Eh..." kumakamot sa ulo na sabi n'ya. Ba't 'di nalang ako diretsohin ng babaeng 'to? Ang dami pang satsat.

"Anong ah, eh? Ano 'yon? Tae?" sarkastikong sabi ko.

"Kasi..." o, 'di na naman maipagpatuloy.

"Sasabihin mo o isasarado ko 'to?" sabi ko at hinawakan ang doorknob. Kinagat n'ya ang ibabang labi n'ya na para bang nahihiya. 'Di pala parang, sa tono pa nga lang nahihiya na.

"Uhm..." sabi n'ya, putol na naman.

"Tsk. Distorbo." walang emosyong sabi ko at sinarado ang pinto. 'Wag n'yo kasi ako distorbohin kapag natutulg ako kung ayaw n'yong masaktan ang damdamin n'yo.

Humiga nalang ako pabalik sa kama at sinakluban ng unan ang tainga ko. Hinayaan ko nalang na makatulog ulit ako.

~¶©¥~

Nakagising ako mga alas otso ng umaga. Hah, sarap ng tulog ko. 'Di pala, hay, nag-away na naman kami.

Hala! Baka isumbong ako no'n kay Tito! Ahh, bahala na.

Lumabas na lang ako ng bahay at nagulat nalang ako ng makitang naka-semi lying si Eli sa sahig at nakasandal sa pader.

Ba't nandito 'to? Teka, kagabi pa ba s'ya nand'yan? Fuck! Chad Loey!

Nilapitan ko si Eli at tinapik ang pisngi nito. Teka, ba't parang basa? At bakit mukhang namamaga ang kata n'ya?

"El. El." paggising ko sa kanya.

Dahan-dahan n'ya namang minulat ang mata n'ya. Namumula ang mata n'ya. Haist! Baka umiyak? Baka, pinaiyak ko?! Haist! Chad Loey naman kasi.

"Ba't ka nandito?" mahinang tanong ko, almost a whisper.

"K-kasi. K-kumakatok ako sa p-pinto mo k-kagabi kaso 'di muna ako ulit p-pinagbuksan." nakayukong sabi n'ya at humawak sa may bandang pusong n'ya.

"S-sorry." pagpapaumanhin ko. Teka, kanina pa 'tong mabaho a, parang paray na daga na mabahong dugo. Ah, ewan. "May naaamoy ka ba?" tanong io sa kanya. Napansin ko namang namula s'ya ng itanong ko 'yon. 'Nong problema nito?

BehindWhere stories live. Discover now