Behind 27

7 1 0
                                    

-Inang

•°•°•

Eli's POV

"Waist! Grabe naman 'yan!" takot na sigaw ni Clen habang tinatakpan ang kanyang mata, may butas naman. Useless.

Anyways, where here at the living room watching movie. Coming Soon, 'yong horror movie. Parang mga Japanese ang bida dito eh. Andito sila ngayon kasi mags-sleepover daw sila.

"Ahh!" sigaw ni Ira ng ipakita na 'yong mga pinatay ng kalaban nila na multo. At gaya ni Clen, nakatakip din ito ng mata n'ya pero nga lang, ihinarap na n'ya ang mukha n'ya sa dibdib ni Ash. Hay nako nalang, ang dami ko ng kagat ng langgam. Pero ewan ko ba, masyadong matatakutin ang dalawang 'to samantalang ako nakatunganga lang dito at focus na focus sa pinapanood namin.

Pero sa totoo lang, ang pangit-pangit ng mga napatay ng multo. Sino ba naman daw ang hindi matatakot at hindi mapapangitan kung dinukot ang mga mata nila?

"Anak ng tupa! Ang papangit ng mga mukha!" sigaw ng katabi ko habang tinatakpan ang mukha n'ya pero nilagyan naman ng butas sa side ng mata n'ya. At sino pa nga ba? Edi ang magaling na dumukot sa akin.

Napapailing nalang ako dito sa tabi. Sino ba naman ang hindi kung makakakita ka ng lalaki na matatakutin sa multo? Bakla lang naman siguro. Pero sa state n'ya, mas malala pa s'ya sa bakla.

Nabigla naman ako ng hinila ako papalapit ni Chad at ipinatong ang noo n'ya sa balikat ko. Agad naman 'tong nawala at nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng popcorn ko.

Tss. Alam ko namang chumachansing lang 'to. Hayaan na, at least chumachansing lang, hindi nambabastos. Haha. Well, komportable naman ako sa kanya at walang malisya dahil tinuturing ko naman s'yang kaibigan ko.

"Grabe pre. Kinacareer mo na talaga ang pagiging hokage mo ah." nakangising saad ni Sero. Napatingin naman sa kanya si Chad ng masama.

"Edi manghokage ka ng iyo d'yan." sabi ni Chad na masama pa rin ang tingin kay Sero. Bigla namang nagpakita ang multo sa TV kaya agad na binalik ni Chad ang pagkakasandal ng noo n'ya sa balikat ko at pumikit ng madiin. Natatawa na talaga ako sa kanya kaya 'di ko napigilang ngumiti. Haaa, he's so amusing, and coward.

"Clen." Sero called Clendra's attention. She's still covering her eyes.

"No." hindi tumitingin kay Sero na sabi ni Clen.

"'Di pa nga ako nagsasalita, sumasagot ka na. Ano 'to bastusan?" tanong ni Sero at kumamot sa ulo n'ya.

"If that's what you call it." sabi ni Clendra at nagkibit-balikat.

"Ayst! Ang labo-labo mo talagang babae ka!" sabi naman ni Sero at binatukan si Clen kaya napatanggal ito ng pagtakip sa mata n'ya at tiningnan ng masama si Sero.

Hayyy. Naalala ko tuloy ang kinuwento ni Inang sa amin ni Chad noon. I smiled of the thought. Kamusta na kaya si Inang? Sana ok lang s'ya do'n, at ligtas.

"Mambabatok ka pala?! Nalilimutan mo na ba na babae ako, hah?! Nakakagago ka na ah!" sigaw ni Clen na nakakuha ng atensyon namin. Kasabay naman ito ng pagtapos ng movie.

"Sorry naman." pagpapaumanhin ni Sero.

"Sorryhin mo 'yang mukha mo." at tumayo na si Clendra. Hindi pa naman s'ya nakakalayo ay tumigil na s'ya dahil sa isinigaw sa kanya ni Sero.

"Sige ka. Ikaw na talaga ang sunod na mabibiktima n'ya. Mawawala talaga 'yang minamahal mong mata." pananakot sa kanya ni Sero na agad namang nagpatakbo sa kanya pabalik sa kinaruruonan namin.

BehindWhere stories live. Discover now