Enjoy reading!
Kwarto, kusina, at sala lang ang pinupuntahan ko buong araw. Kung ikaw ba naman mag-isa sa bahay ay talagang maboboring ka at parang mababaliw ka na dahil wala kang kausap. Meron namang mga body guard sa sala at sa may pintuan ngunit kung kakausapin ko ay maikling sagot lang ang sasabihin at pagkatapos ay hindi ko na ulit makausap. Hindi ba napapanis ang mga laway nila? O 'di kaya ay nangangalay 'yong paa nila katatayo buong araw? Ang titibay naman nila.
Pagsapit nang gabi ay napagpasyahan kong bumaba dahil nakaramdam na ako ng gutom ngunit wala pa rin si Harvey. Magluluto na lang siguro ako ng makakakain ko dahil wala rito si Harvey.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad na yumuko ang isang tauhan ni Harvey. Tiningnan ko naman siya. Hindi na siya 'yong lalaki kanina na nagbabantay. Siguro nangalay na 'yon katatayo. Magkano kaya sahod nila para lang tumayo buong araw?
"Punta lang po akong kusina." Paalam ko kahit hindi niya naman tinanong. Baka kasi sitain ako nito. Baka isipin niya tatakas ako. Pero bakit hindi kung may malulusutan.
"Sige po, ma'am." Maikling sagot niya.
Naglakad na muli ako papunta sa may kusina ngunit laking gulat ko nang nakahanda na ang lahat doon. Hinanap ko kung nariyan na ba si Harvey ngunit wala naman. Sino ang naghanda ng hapunan ko?
Bumalik ako sa sala kung saan naroon ang tauhan ni Harvey. Tumingin siya sa akin nang makita niya ako.
"Sino ang naghanda ng hapunan ko?" Tanong ko.
"May inutusan po si Boss na mag handa ng hapunan mo, ma'am." Sagot niya. Bakit pa siya nag-utos kung pwede naman ako? Wala naman akong sakit para hindi gumawa ng mga gawain dito.
"Sige, salamat." Sagot ko at bumalik na lang sa kusina. Tiningnan ko ang mga inihandang pagkain sa lamesa. May dalawang putahe ng ulam at mayroong papel sa ilalim kaya kinuha ko 'yon at binasa ang nakasulat.
I'm sorry, love, hindi kita masasabayan kumain ngayon. Late ako uuwi.
Harvey
Itinabi ko ang sulat niya at inumpisahan na ang pagkain. Mas okay nga 'to dahil makakakain ako nang maayos dahil walang nakatitig sa akin habang kumakain. Boring nga lang kumain mag-isa.
Ilang minuto lang ay tapos na ako kumain. Mabilis lang dahil mag-isa lang naman akong kumain. Dinala ko na sa lababo ang pinagkainan ko at ang sobrang pagkain ay inilagay ko na lang sa ref. Baka pagdating ni Harvey ay kakain pa siya. Pero saan ba pumunta 'yon at late na uuwi? Ano ba ang negosyo niya? Parang napaka busy niyang tao.
Nang matapos na akong maghugas ng pinggan ay lumabas na ako ng kusina. Naroon pa rin sa sala ang tauhan ni Harvey. Kumain na ba ang mga ito? Ako ang naaawa sa kanila kaya lumapit ako sa kanila.
"Hello po, mga kuya. Kumain na ba kayo? Kung hindi pa ay may sobra akong pagkain doon sa inyo na lang. Marami pa ' yon kasya pa sa inyong dalawa." Sabi ko. Ngunit hindi man lang nila ako pinansin. Ang sasama naman ng mga ugali nila. Sila na nga inaalok ng pagkain e.
"Ah basta, kapag nagutom kayo ay nasa ref ang mga ulam. Tapos nasa rice cooker naman 'yong kanin." Sabi ko ulit. Wala pa rin akong natanggap na sagot kaya umalis na lang ako sa harapan nila at umakyat na ng hagdan papunta sa kwarto.
Napahinto pa ako sa paglapit sa may kama nang makita ko roon ang mga nakatupi ng damit na binili ni Harvey kahapon. Ang bilis naman nilang labhan. Palibhasa kasi kapag mayayaman ay mayroong dryer. Sa amin kasi kailangan mo pang pigain nang todo tapos isampay para maarawan.
Kumuha ako ng damit na susuotin ko ngayong gabi. At pumunta sa banyo para maglinis ng katawan.
Nakakatuwa dahil kasya sa akin ang mga biniling damit ni Harvey. Hindi na ako problemado sa mga susuotin ko dahil marami na akong damit. Ngunit ang ipinagtataka ko kung paano niya nalaman ang size ng mga damit ko pati na rin ang bra at panty ko?
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]
Hành độngSa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt were living a good life but things suddenly changed when she was kidnapped by a mafia boss named Harv...