Chapter 13

49.7K 903 48
                                    


Enjoy reading!

Kinabukasan ay pinayagan din ako ng doctor na lumabas na ng hospital. At ang nakakahiya pa ay binayaran lahat ni Kenneth ang hospital bill ko at nag-alok pa siya na ihahatid ako pauwi. Masyado naman yata siyang mabait. Marami na siyang naitulong sa akin. Sinabi niya sa akin na isa siyang business man at mayroon siyang sariling kompanya.

"Salamat talaga sa lahat ng naitulong mo. Hayaan mo at babayaran kita kahit paunti unti." Sabi ko habang nagba-byahe kami pauwi. Kanina ay tinatanggihan ko na ang alok niya na ihatid ako sa bahay ngunit mapilit talaga siya.

"Sabi ko naman sa 'yo na huwag mo ng bayaran. Tulong ko na 'yon sa 'yo." Sagot niya. Talagang matigas ang ulo niya.

"Nakakahiya na kasi sa 'yo. Ang dami mo ng naitulong sa akin." Nahihiya kong sabi. Hindi ko alam na may ganito pang tao na nabubuhay sa mundo. Sana lahat katulad niya.

"It's okay, Abigael. Mahilig lang talaga ako tumulong." Nakangiti niyang sabi.

Hindi naman kalayuan ang hospital sa bahay namin ni Tita Rose kaya ilang minuto lang ang naging byahe namin bago nakarating sa isang sa tinitirhan namin ni Tita Rose. Huminto mismo ang sasakyan niya sa harap ng bahay. Lumingon ako sa kanya. 

"Sige, Kenneth, salamat ulit. Hayaan mo kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin basta ba 'yong kaya ko lang." Sabi ko habang tinatanggal ang aking seatbelt. Tumawa naman siya. Akala niya siguro nagbibiro lang ako. Kung sa bagay ano bang mahihingi niyang tulong sa kagaya kong mahirap? Baka nga sa kanya pa ako humingi ng tulong. Kaya siguro natawa siya sa sinabi ko.

"You're always welcome, Abigael. Huwag mo ng isipin ang mga naitulong ko sa 'yo dahil hindi naman kita sisingilin." Nakangiti niya sabi.

"Pasok ka muna sandali. Magkape ka muna." Pag-aaya ko sa kanya.

"Hindi na. May meeting pa akong pupuntahan. Next time na lang siguro." Sagot niya.

"Okay, sige. Mag-ingat ka." Sabi ko at bumaba na ng sasakyan niya. Pagkaraan ay umandar na ang sasakyan niya palayo.

Nanatili ako sa labas ng bahay namin ni Tita Rose. Narito kaya siya sa loob? Hindi ba niya narinig ang tunog ng sasakyan na huminto sa labas ng bahay? O baka wala siya rito? Naglakad na ako at binuksan ang pinto ng bahay ngunit walang sumalubong na Tita Rose. Dali-dali akong pumunta sa kusina ngunit wala rin siya roon. At ang sunod kong pinuntahan ay ang kwarto namin at doon ko siya nadatnan na nakahiga at nanginginig. Agad ko siyang nilapitan at inilapat ang palad ko sa kanyang noo. Ang taas ng lagnat niya!

"Tita, ang taas po ng lagnat niyo."Nag-aalala kong sabi. Agad kong hinanap ang lalagyanan ng mga gamot ni tita at kumuha roon ng gamot na iinumin niya. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina upang kumuha ng tubig.

"Tita, inumin niyo po ito para bumaba po ang lagnat niyo." Sabi ko at ibinigay sa kanya ang gamot. Inalalayan ko siya upang umupo at kinuha sa akin ang gamot at tubig. Paano kaya kung nahuli pa ako ng dating? Hindi ko kakayanin na mawala pa ang nag-iisang taong mahal ko. Ang taong kumopkop sa akin nang mamatay ang mga magulang ko.  Siya na lang ang natitira sa 'kin.

"S-salamat. S-saan k-kaba p-pumunta? B-bakit a-ang...t-tagal m-mong...n-nawala?" Paputol putol na tanong niya. Sasabihin ko ba sa kanya na dinukot ako? Tapos isang mafia?

"K-kapag gumaling na po kayo ay s-sasabihin ko po. Magpahinga po muna kayo at magluluto lang ako ng mainit na sabaw para sa 'yo." Tumango naman siya at humiga ulit. Kinumutan ko siya bago ako lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina upang maghanap ng pwedeng lutuin.

Habang inaayos ko ang mga sangkap sa aking lulutuin ay may narinig akong kumakatok sa may pintuan. May inaasahan babg bisita si Tita Rose? O baka magpapalaba?

"Hindi pa po pwede si Tita maglaba ngayon!" Sigaw ko kung sino man iyon. Pero tuloy pa rin siya sa pagkatok sa may pintuan. Hindi ba niya narinig ang sigaw ko?

Huminto ako sa ginagawa ko at naglakad papunta sa pintuan upang alamin kung sino 'yong kanina pa kumakatok. Nang buksan ko ang pinto ay wala naman akong nakitang tao. Pinagloloko ba ako? Napatingin ako sa baba nang may nakita akong isang pulang box doon.

Sino naman ang nagdala nito rito? Kinuha ko iyon at muli ng bumalik sa loob ng bahay. Inilapag ko muna iyon sa lamesa at agad na tinapos ang pagluluto ko sa kusina.

Nang binuksan ko ang pulang box ay nakita ko ang selpon ko roon. Bigla akong kinabahan dahil si Harvey agad ang pumasok sa isip ko. Siya ang nagtago ng selpon ko. Ibig sabihin lang nito na alam niya kung saan ako nakatira. At kahit anong oras ay pwede siyang pumunta rito upang dukutin muli ako. Agad kong kinuha ang selpon ko sa loob ng box at may nakita pa akong isang papel doon at may nakasulat.

You can't hide from me, love.
Wherever you go, I'll find you.
Remember, I'm a Mafia. And you are mine alone, Abigael.
-Harvey

Pinunit ko ang papel habang nanginginig ang aking mga kamay at pagkatapos ay inilagay ko iyon sa loob ng kahon. Bigla akong natakot sa maaaring mangyari. Sana ay tigilan niya na ako. Ayoko ng makita siya. Ayoko ng sumama ulit sa kanya. Naiisip ko pa lang ang napanood kong video sa selpon ni Aira ay hindi ko na kayang makasama siya sa iisang bahay. Natatakot ako na baka ako ang susunod niyang patayin.

Kinuha ko ang box at naglakad papunta sa basurahan upang itapon ang hawak-hawak ko. Kailangan na naming lumipat ng bahay ni tita. Ayaw kong maabutan pa niya kami rito. Kailangan ko ng maghanap nang maaari naming lipatan. 

Pagkatapos kong pakainin at painumin ng gamot si tita ay lumabas ako ng kwarto at pumunta na sa sala. Nakita ko roon ang selpon ko at agad kong kinuha. Maraming tawag at messages galing kay Jarenze noong nawala ako. Agad kong pinindot ang pangalan niya upang tawagan. Wala na akong ibang matakbuhan kung hindi si Jarenze lang. Kailangan ko ang tulong niya. Ilang sandali lang ay agad niyang sinagot ang tawag ko.

"Hello, Abby?" Sagot ni Jarenze mula sa kabilang linya.

"Hello, Jarenze." Sagot ko.

"Omg! Ikaw nga, Abby! Bakit bigla kang nawala? Pinag-alala mo kami alam mo ba 'yon! Palagi akong tumatawag sa selpon mo. Marami na rin akong message na sinend sa 'yo pero wala kang reply. Saan ka ba pumunta?" Halata sa boses niya ang pag-aalala. Dire-diretso pa ang pagsasalita niya at parang ayaw na akong pagsalitain.

"Sorry kung pinag-alala kita. Nandito na ako sa bahay namin ni tita. Jarenze, pwede ka bang pumunta rito ngayon?" Sabi ko.

"Oo, sige. Hintayin mo ako riyan." Sabi niya at agad na tinapos ang tawag. Kay Jarenze ko muna sasabihin lahat ng nangyari sa 'kin. Baka matulungan niya ako na isumbong si Harvey sa mga pulis para matapos na ang mga ginagawa niyang masama. Kailangan ko rin si Jarenze upang makahanap ng bagong malilipatan namin ni tita.


Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon