Enjoy reading!
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang magsaing at magluto ng ulam para sa amin ni tita. Pinipilit niya pa rin na maglaba siya ngunit hindi pa rin ako pumayag. Alam kong hindi niya na kaya pang maglaba ngunit araw-araw niya akong kinukulit. Sinabi ko na rin sa kanya na meron na akong bagong trabaho kaya hindi niya na kailangan pang maglaba.
Bago ako umalis para magtrabaho ay pinakain ko muna siya at pina-inom ng kanyang gamot. Pagkatapos ay nagbihis na ako at pumunta sa sala kung saan naroon si tita.
"Tita, alis na po ako." Paalam ko.
"Sige. Mag-ingat ka." Sagot niya. Tumango lang ako at lumabas na ng bahay.
Habang naglalakad ako ay may isang itim na sasakyan ang huminto sa aking tabi na ikinagulat ko. Napahawak pa ako sa akingg dibdib dahil sa kaba. Bumukas ang bintana ng sasakyan at hindi ako nagkamali sa aking naisip na si Kian iyon.
"Good morning." Bati niya sa 'kin.
"Good morning din." Bati ko rin sa kanya.
"Papasok ka na ba sa trabaho mo?" Tanong niya.
"O-oo." Sagot ko.
"Ganon ba? Hatid na kita." Alok niya ulit katulad kahapon. Saan ba siya nakatira at palagi niya akong nadadaanan? Malapit lang ba ang bahay niya rito?
"Huwag na. Nakakahiya na sa 'yo kasi kahapon sinabay mo rin ako." Sagot ko.
"Sabi ko naman sa 'yo na madadaanan ko 'yong hotel na pinagtrabahuhan mo. Kaya walang problema sa akin." Sabi niya. Kahit na. Paano kung araw-araw niya akong nakikita rito na naglalakad tapos isasabay niya ako palagi? Ang suwerte ko naman.
"Pero–"
"No buts, Abigael. Get in." Pagputol niya sa sasabihin ko. Lumabas siya ng driver seat at pinagbuksan na naman ako ng pinto sa front seat.
Hindi ko alam kung normal lang ba sa kanya ang bilis ng pagpapatakbo ng kotse niya o sadyang binibilisan niya lang talaga. Hindi naman siguro kami maaaksidente nito. Mukhang expert na siya sa pagmamaneho. Kaya ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng hotel na pinagtatrabahuhan ko. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at binuksan ang pinto.
"Salamat." Sabi ko.
"No problem." Sagot niya at ngumiti.
"Sige, pasok na ako. Ingat." Paalam ko at lumabas na ng sasakyan niya. Bumusina muna siya bago tuluyang umalis. Nang mawala na ang kotse niya sa paningin ko ay naglakad na ako papasok sa loob ng hotel.
Pagdating ko sa room kung saan kami tumatambay ni Elen tuwing walang lilinisan ay wala pa siya roon. Siguro ay mamaya pa siya. Baka mayroon pa siyang klase kaya wala pa siya rito.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag ay biglang tumunog ang selpon ko hudyat na may tumatawag. Kinuha ki iyon sa bulsa ng suot kong pantalon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Number lang ang lumalabas at walang pangalan. Baka mamaya scammer 'to at pinagloloko ako.
"Hello?" Pagsagot ko ngunit wala namang sumasagot sa kabilang linya. Ilang segundo rin ang hinintay ko kung may magsasalita ba ngunit wala pa rin.
"Hello? Sino 'to?" Tanong ko. Sabi na nga ba baka scammer ito e.
"Kapag kinausap mo pa ulit si Kian ay magsasara 'yang hotel na pinagtatrabahuhan mo." Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang galit na boses ni Harvey mula sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman ko. Bakit ayaw niya akong tigilan? Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang tinapos ang tawag. Paano niya nalaman na nakipag-usap ako kay Kian? Nakikita ba niya ako? Sinusundan ba niya ako? Alam niya rin kung saan ako magtatrabaho!
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]
ActionSa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt were living a good life but things suddenly changed when she was kidnapped by a mafia boss named Harv...