Chapter 10

52.6K 932 13
                                    



Enjoy reading!

Pagkatapos umalis ng mga bisita ni Harvey ay nagpaalam din siya na aalis rin. At syempre ako na naman mag-isa ang maiiwan kasama ang mga tauhan niyang hindi yata napapagod katatayo buong araw. Halos kilala ko na ang mga mukha nila pero hindi ang mga pangalan. Hindi ba naman kasi sumasagot minsan kapag dinadaldal ko kaya hindi ko rin maitanong ang mga pangalan nila.

"I need to go, love. Sigurado ka ba na wala kang ipabibili?" Tanong niya at tumabi sa akin. Nakahiga ako sa kama at nanunuod ng tv. Naamoy ko ang pabango niya. Hindi iyon masakit sa ilong. Hindi ko alam pero mas gusto ko ang mga pabango ng mga lalaki.

"Wala nga. Pang-ilang tanong mo na 'yan." Naiinis kong sagot. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Okay. But if you want something–"

"Sabihin mo lang sa mga tauhan ko " Pagputol ko sa sinasabi niya. Kita mo at saulo ko na ang sinasabi niya bago siya umalis palagi.

"Maaga akong uuwi. Bye, love." Paalam niya at hinalikan ako sa labi bago naglakad palabas ng kwarto.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas matapos umalis ni Harvey ay agad kong pinatay ang tv at napagpasyahang lumabas ng kwarto. At habang pababa na ako ng hagdan ay napansin kong wala akong nakitang tauhan ni Harvey sa may sala. Sumilip naman ako sa may pintuan at napangiti ako nang wala ring nagbabantay roon. Mukhang gumagana ang plano ko.

Naglakad ako palapit sa may bintana at sumilip doon. Agad ding nawala ang ngiti ko nang makita kong maraming bantay sa labas ng bahay at lahat sila ay naka itim na damit. Ang akala ko pa naman ay ngayong araw na ako makakaalis rito. Pero at least 'di ba mukhang gumagana naman ang plano ko. Hindi ko na makikita ang mga pagmumukha ng mga tauhan ni Harvey rito sa loob.

Naglakad ako at pumunta na lang sa may kusina. Kumuha ako ng baso at nilagyan iyon ng tubig at pagkaraan ay umupo ako sa may upuan at ininom ang tubig habang nag-iisip kung ano ba ang pwede kong gawin ngayong araw na ito para naman hindi aki magmumukhang baliw rito. Baka kasi pag-uwi ni Harvey ay kinakausap ko na ang mga gamit dito sa bahay niya.

Tutal ay mukhang wala siyang kasambahay rito paano kung maglinis na lang ako ng bahay? Maganda ideya iyon. Kaysa naman humiga at kumain lang ako rito. Mabuti na lang talaga at hindi ako tumataba. Pagkatapos kong maubos ang tubig sa baso ay tumayo na ako at hinanap ang mga gamit panglinis.

Sinimulan ko sa may sala ang paglilinis. Sinigurado ko na malinis talaga at makintab ang sahig pag-uwi ni Harvey. Kinuha ko ang basahan at pinunasan lahat ng mga gamit at mga lamesa sa may sala. Kaunti lang naman ang mga alikabok at halos wala ngang dumi ang sahig.

Nang matapos na ako sa sala ay sunod kong nilinis ang kusina. Dito ay hindi naman ganoon karumi. Winalisan ko lang at nag mop ng sahig. At ang panghuli ay pinunasan ko lang din ang mga gamit at ang lamesa kung saan kami palaging kumakain ni Harvey. Malinis rin ang ref ngunit halos alak lang ang naroon. Kailan kaya siya bibili ng mga pagkain naman?

Huminto lang ako sa paglinis nang nakaramdam ako ng gutom. Tumingin ako sa wall clock dito sa may kusina at laking gulat ko dahil pasado alas dose na ang tanghali at hindi pa ako nakapag luto ng tanghalian ko. Agad kong ibinalik ang mga gamit panglinis sa lalagyanan at nagsaing. At sunod ay naghanap ako ng pwede kong lutuin na ulam.

Halos ayaw ko ng bumangon dahil sa pagod ngunit nagising ako dahil sa halik sa aking mukha. Pagmulat ko ng mata ay mukha agad ni Harvey ang nakita ko.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon