Chapter 38

40.8K 691 26
                                    

Enjoy reading!

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang nangyaring kaguluhan. Nakakulong ngayon si Kian dahil hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang ko. Ilang taon ko rin hinintay 'to. At hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na makulong na ang may gawa no'n. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Tatayo na sana ako nang maunahan ako ni Jennysa pagbukas ng pinto. Hinintay ko na lang kung sino iyon at napangiti ako nang makita ko si Jarenze at Tita Rose na pumasok.

"Abby, anak!" Tawag ni tita habang papalapit sa kinatatayuan ko. Agad ko naman siyang niyakap. Simula kasi nang ikasal kami ni Harvey ay hindi pa sila nakakapunta rito.

"Tita, napadalaw po kayo?" Wika ko.

"Gusto ka lang namin makita. Nabalitaan kasi namin ang nangyari sa inyo ni Harvey. Nag-aalala ako sa 'yo." Nag-aalalang sagot niya.

"Okay lang po ako, tita. Huwag po kayong mag-alala." Sagot ko at niyakap siya.

"Mabuti naman at nakulong na ang lalaking 'yon. Nako, mabuti na lang talaga at hindi kami nagkita ng lalaking 'yon dahil baka masampal ko pa." Galit na sabi ni tita na ikinatawa namin ni Jarenze.

"Kalma, Tita Rose. Gusto mo ba puntahan natin sa kulungan?" Natatawang sabi ni Jarenze.

"Nako, huwag na. Tataas lang ang blood pressure ko sa kanya." Sagot ni tita.

Buong maghapon din sina Tita Rose at Jarenze sa bahay at lihim akong napangiti dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng oras sa kanila.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil parang bumabaliktad ang aking sikmura. Agad akong napabangon at tumakbo patungo sa banyo at doon sumuka. Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Harvey na halatang nag-aalala. Lumapit siya sa 'kin at hinagod ang likod ko.

"Okay ka lang? Dalhin kita sa hospital." Nag-aalala niyang sabi.

"Okay lang ako." Nahihirapan kong sabi. Pagkatapos kong magsuka ay agad na akong nag mumog at naghilamos.

"Sigurado ka?" Tanong niya. Tumango lang ako at lumabas na ng banyo. Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Parang ganito rin ang pakiramdam ko noon nang nalaman ko na buntis ako. Baka hindi lang ako natunawan. Pagkaraan ay umupo muna ako sa kama. Si Harvey naman ay nakatayo lang at nakatingin sa 'kin at nasa mukha niya pa rin ang pag-aalala.

"Maligo ka na. Baka ma-late ka pa sa office mo." Sabi ko.

"No. Hindi ako papasok ngayon." Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa naging sagot niya.

"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.

"Babantayan kita. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo." Sagot niya.

"Ano ka ba? Okay lang ako kaya maligo ka na at pumasok sa opisina." Sagot ko. Ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kanyang kinatatayuan.

"Company ko 'yon, love, kaya pwede akong umabsent." Mayabang niyang sagot. Inirapan ko na lang siya.

"Bahala ka nga r'yan." Sabi ko at humiga ulit sa higaan dahil inaantok pa ako.

Tanghali na ng magising ako. Agad na akong bumangon at inayos ang sarili ko. Wala si Harvey sa kwarto nang magising ako. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa kusina. Nakita ko roon si Jenny at Manang Nora na abala sa pagluluto.

"Hija, kakain ka na ba?" Tanong ni Manang Nora. Umiling lang ako bilang sagot.

"Nakita niyo po ba si Harvey?" Tanong ko.

"May pinuntahan lang saglit. Babalik din naman daw siya agad." Sagot ni Manang.

"Ganon po ba? Sige po, salamat." Sagot ko.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon