Enjoy reading!
Katatapos ko lang magbihis sa locker ko at ngayon ay palabas na ako ng restaurant. Umuulan paglabas ko kaya agad kong kinuha ang payong sa aking bag. Katulad nang palagi kong uwi ay alas diez ng gabi. Inumpisahan ko na ang paglalakad habang umuulan. Mabuti na lang ay hinubad ko ang luma kong sapatos at pinalitan ng tsinelas kaya okay lang kahit mabasa ang paa ko.
Ngunit nandito na naman ang pakiramdam ko na parang may nakasunod sa 'kin. Lumilingon ako minsan sa likod pero wala namang tao. Kailan kaya mawawala ang sumusunod na 'yan? O baka guni-guni ko lang. Sa dami ng susundan niya ako pa. Lagot na, baka multo 'yong sumusunod sa 'kin. Minumulto na ba ako ni nanay at tatay? Huwag naman sana.
Binilisan ko na lang ang paglalakad ngunit may narinig akong yapak ng mga paa na papalapit sa 'kin. Biglang bumilis ang tibok ng puso sabay nang pagbilid rin ng paglalakad ko. Kinakabahan na talaga ako. Lalong binilisan ko ang paglalakad pero may kamay na humawak sa aking balikat. Paglingon ko ay may tatlong lalaki na naka hood at naka mask na itim. Teka! Sinusundo na ba ako ni kamatayan?
Sisigaw na sana ako ngunit tinutukan ako ng isang kasama nila ng baril sa ulo na ikinatigil ko. Diyos ko, katapusan ko na ba 'to? Makikita ko na ba ang nanay at tatay ko? Magsasama na ba kaming tatlo?
"Miss, kung gusto mo pang mabuhay sumama ka sa amin." Sabi ng lalaki na may hawak na baril at ngayon ay nakatutok sa aking ulo.
"Mga kuya, parang awa niyo na po pakawalan niyo na lang ako. Kung pera po ang hanap niyo sa akin ay wala po ako niyan." Pagmamakaawa ko sa kanila. Totoo naman ang sinabi ko. Wala naman talaga silang makukuhang malaking pera sa akin. Baka nagkamali lang sila ng dinukot at hindi ako 'yon. Sana nga.
"Miss, 'wag nang matigas ang ulo. Ikaw ang kailangan namin at hindi ang pera mo." Sabi ng isang lalaki at pilit akong pinapasakay sa isang puting sasakyan. Pinipilit kong kumawala sa mga hawak nila ngunit hindi ko kaya. Ang dalawa ay hawak ako sa braso, samantala ang isa ay nasa likod ko at tinutulak ako papasok sa loob ng sasakyan.
"Tulong! Tulongan niyo ako!" Sigaw ko. Mga ganitong oras ay wala na talagang naglalakad na mga tao. At halos wala pang mga bahay rito banda. Kaya imposible na may makarinig sa sigaw ko.
SIsigaw pa sana ako ngunit tinakpan nila ng panyo ang mukha ko at dahil doon ay unti-unti akong nilamon ng kadiliman.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Medyo madilim sa loob dahil sa mga kurtinang nakaharang sa mga naglalakihang salamin. Halatang mayaman ang may-ari ng kwarto dahil sa mga gamit na narito. Ngunit ang ipinagtataka ko ay sino ang dumukot sa akin? May kasalanan ba ako sa kanya? May ginawa ba akong mali? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong naging kaaway. Lord, ito na ba ang katapusan ng buhay ko?
Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil madilim ang kwarto. Mabagal ang bawat lakad niya papalapit sa akin. At tanging tunog lang ng kanyang sapatos ang nagsisilbing ingay sa loob ng kwarto.
Hinila ko ang kumot at agad na binalot ang aking sarili. Sino ba ang lalaking ito? Siya ba ang nag-utos na ipadukot ako? Pero bakit?
"S-sino ka?" Nauutal kong tanong.
"How are you, love?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko siya kilala. At love? Hindi ko naman pangalan iyon. Sino ba 'yon?
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]
AcciónSa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt were living a good life but things suddenly changed when she was kidnapped by a mafia boss named Harv...