Chapter 34

41.5K 692 40
                                    



Enjoy reading!

Ilang araw na ang lumipas nang nag-usap kami ni Harvey. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang alok niya sa akin. Natatakot ako na baka maulit na naman ang nangyari na pilit kong kinakalimutan.

"Abby, nandyan na ba si sir?" Tanong ni Shane na isang receptionist.

"Wala pa e." Sagot ko.

"Ganon ba? Sige, mamaya na lang ako babalik." Sabi niya at naglakad na. Napatingin naman ako sa aking relo kung anong oras na. Magtatanghali na ngunit wala pa rin si Mr. Lagatuz. Siguro ay may pinuntahan pa siya.

Habang abala ako sa mga files na ipapipirma ko kay Mr. Lagatuz ay biglang tumunog ang selpon ko hudyat na may tumatawag ko. At pangalan ni Mr. Lagatuz ang nakalagay sa screen.

"Hello po, sir?" Sagot ko.

"Hello, Abby, si Mrs. Lagatuz ito." Sabi ng nasa kabilang linya. 

"Sorry po, ma'am. Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko.

"Abby, hindi makakapasok ngayon ang asawa ko dahil nandito siya sa hospital." Malungkot na sabi ni Mrs. Lagatuz.

"Ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

"I don't know, Abby. Bigla na lang siyang nahimatay kanina. Hindi pa kasi lumalabas ang doctor." Sagot niya sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa asawa.

"Ma'am, relax lang po kayo, okay? Pupunta po ako riyan." Sagot ko.

"No need, Abby. Ikaw na muna ang bahala sa kompanya. Ako na ang bahala rito." Sagot niya. Ngunit hindi pa rin ako mapakali kapag nandito lang ako. Para ko na rin kasing tatay si Mr. Lagatuz.

"Sige po. Pero mamaya pong uwian ay pupunta po ako riyan." Sagot ko.

"Okay, sige.  Thank you, Abby. Bye." Sabi ni Mrs. Lagatuz at tinapos na ang tawag. Naaawa na  ako kay Mr. Lagatuz. Wala man lang akong may maitulong sa kanya. Nalulugi na nga ang kompanya niya tapos na hospital pa siya. Wala naman kasi silang anak kaya walang tutulong sa kanila.

Ano kaya ang pwede kong maitulong kay Mr. Lagatuz upang mabayaran ko man lang ang mga naitulong niya sa akin. Napayuko ako at napahawak sa ulo ko at nag-isip ng ideya na pwede kong gawin.

"Hey, are you okay?" Napaangat ako ng mukha at tiningnan kung sino iyon.

"Kian?" Gulat kong sabi.

"Yes, ako nga. Mabuti at naaalala mo pa ako." Nakangiti niyang sabi.

"Syempre, kilala kita. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.

"I need to talk to Mr. Lagatuz. Ikaw ba ang secretary niya?" Tanong niya.

"Oo, ako ang secretary niya rito. Pero wala siya rito ngayon. Nasa hospital siya." Sagot ko.

"Bakit, anong nangyari sa kanya?" Kunot noong tanong niya.

"Nahimatay raw kasi siya." Sagot ko.

"Ganon ba? Sige, sa susunod ko na lang siya kakausapin." Sabi niya at ngumiti.

"Sige." Sabi ko at ngumiti rin sa kanya at bumalik sa ginagawa ko kanina.

"Abigael, nakapag lunch kana ba?" Biglang tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Hindi pa. Bakit?" Tanong ko.

"Tara, lunch tayo." Sabi niya at hinila ako.

"Teka lang wala akong dalang pera." Sabi ko.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon