Chapter 35

43.3K 704 59
                                    



Enjoy reading!

Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho at naabutan ko si Mr. Lagatuz na abala na naman sa kanyang lamesa. Kalalabas niya lang ng hospital at nagtatrabaho na siya kaagad. Dapat ay nagpapahinga muna siya.

"Good morning, sir. Dapat po ay nagpahinga muna kayo. Kalalabas niyo lang po ng hospital." Sabi ko.

"Good morning rin, Abby. Kaya ko naman na magtrabaho. Malakas pa kaya ako." Pagbibiro niya na ikinatawa ko.

"By the way, pwede ba kitang makausap?" Tanong niya. Agad naman akong tumango at umupo sa upuan na kaharap niya.

"Ano po ba 'yon, sir?" Tanong ko.

"Abby, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo sa naitulong mo sa kompanya ko." Masayang sabi niya. Napakunot noo naman ako. Ano ba ang ginawa ko at nagpapasalamat siya sa akin.

"Bakit sa akin po kayo nagpapasalamat, sir?" Nagtataka kong tanong.

"Ang sabi ni Mr. Sandoval ay malaki raw ang naitulong mo sa kompanya." Sabi niya. Ibig sabihin hindi sinabi ni Harvey na ang kapalit ng pagbangon ng kompanya ni Mr. Lagatuz ay ang pakasalan ko siya?

"Nasa akin na ulit ang kompanyang ito, hija. Hindi na rin pinabayara ni Mr. Sandoval ang utang ko sa kanya. Binigyan pa nga niya ako ng pera upang bayaran ko rin ang mga utang ko sa iba. At ang sabi niya ay sa 'yo raw ako mag pasalamat." Masayang sabi niya. Napalaki ang mga mata ko sa kwento niya. Ibig sabihin tinupad na ni Harvey ang pinag-usapan namin. Talagang kailangan ko rin tuparin ang pangako ko sa kanya.

"Wala po 'yon, sir. Ang mahalaga po ay magiging maayos na ang kompanya niyo." Sagot ko at ngumiti.

"Salamat, Abby. Ang laki nang naitulong mo sa akin. Hindi ko makakalimutan ang pagtulong mong 'to sa amin." Sabi niya at ngumiti.

"Sana po ay huwag na po kayong mag pagod at ma-stress. Nag-aalala po palagi si Mrs. Lagatuz sa inyo." Sabi ko na ikinatawa niya.

Gabi na nang matapos ang trabaho ko dahil inaayos na nang paunti unti ni Mr. Lagatuz ang kompanya niya. At habang nag-aabang ako ng masasakyan ay may biglang huminto na isang itim na kotse sa harapan ko na ikinagulat ko. At agad na lumabas roon si Harvey na naka itim na jacket.

"Hatid na kita." Sabi niya at hinubad ang suot niyang jacket at ipinasuot iyon sa akin.

"Huwag na akong ihatid. Marami namang jeep." Pagtanggi ko.

"Huwag ng matigas ang ulo, love." Seryoso niyang sabi. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse niya.

"Kinausap ako kanina ni Mr. Lagatuz. Mabuti naman at tumupad ka sa usapan natin." Sabi ko habang bumabyahe kami.

"As I promise. At sana ay tumupad ka rin." Sagot niya.

"Oo naman. Ngayon pa lang ay magpapa salamat na ako sa ginawa mo." Sabi ko.

"Hindi ko ginawa 'yon dahil sa usapan natin. Ginawa ko 'yon dahil alam ko kung gaano kahalaga sa 'yo si Mr. Lagatuz." Tiningnan ko siya dahil sa kanyang sinabi. Magtatanong pa sana ako nang huminto ang sasakyan niga sa harap ng apartment.

Agad akong lumabas ng kotse niya dahil ayaw kong makita ako ni tita at ni Jarenze na kasama si Harvey. Ngunit nagulat ako nang lumabas rin siya ng sasakyan.

"Salamat. Sige na papasok na ak sa loob." Sabi ko at maglalakad na sana nang magsalita siya muli.

"Nagmamadali ka ba? Hindi mo ba ako papasukin man lang sa loob?" Tanong niya. Sigurado ako kapag nakita nila si Harvey na kasama ko ay baka kung ano ang gagawin nila sa lalaking 'to.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon