Chapter 9

56K 952 22
                                    


Enjoy reading!

Pagkagising ko kinaumagahan ay ramdam ko kaagad ang sakit ng hita at pati na rin ang gitna ko. Talagang hindi ako tinigilan ni Harvey kagabi. Dahan-dahan akong bumangon at paika ikang naglakad papunta sa banyo gamit ang kumot na ibinalot ko sa aking katawan. Nakita ko pa ang damit ko na punit na sa sahig dahil sa kagagawan ni Harvey. Ang mahal pa naman ng ganoong damit tapos pupunitin lang niya. Dumaan muna ako sa cabinet kung saan naroon ang mga damit ko. Kumuha ako roon at naglakad na papasok sa loob ng banyo upang maglinis ng katawan. Ibinabad ko ang aking katawan sa tubig. Halos kalahating oras din akong nasa loob ng banyo. Nakaalis na kaya si Harvey? Paggising ko kasi ay wala na siya sa tabi ko. Agad kong pinatay ang shower at pagkaraan ay nagsimula na akong magbihis.

Pinapatuyo ko ang aking buhok habang naglalakad palabas ng banyo. Nang makita ko ang nakakalat kong mga punit ng damit ay pinatong ko ang tuwalya sa kama at sinimulang pulutin ang mga kalat sa sahig. Nakakahiya dahil pati ang bra at panty ko ay naroon din. Ganoon din ang damit ni Harvey na ako mismo ang naghubad kagabi. Napahawak ako sa aking noo nang maalala ko na naman ang kahihiyang ginawa ko kagabi.

Nang matapos na akong magligpit ng mga kalat sa sahig ay agad kong sinuklay ang buhok ko at pagkaraan ay lumabas na ng kwarto. At habang pababa ako ng hagdan ay nakikita ko na naman ang bantay sa may sala. Kailan ba kayo mawawala para makatakas na ako rito.

At kahit medyo masakit pa talaga ang mga hita ko ay pinilit kong maglakad nang maayos dahil baka kung anong isipin ng tauhan ni Harvey. Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo.

"Good morning po." Bati ko sa kanya ngunit hindi man lang niya ako pinansin. Naglakad na lang ako papunta sa may kusina.

Ngunit agad din akong napahinto nang makita ko roon si Harvey na abala sa paglalagay ng pinggan sa lamesa. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"Good morning, love." Bati niya at hinalikan pa ako. Habang ang mga braso niya ay nakapulupot na naman sa aking baywang.

"G-good morning." Bati ko rin sa kanya at pilit na tinatanggal ang braso niya.

"Let's eat?" Tanong niya. Tumango lang ako at iginiya ako papunta sa bakanteng upuan. Nang maka upo na ako ay siya naman ang sumunod na umupo.

At katulad ng palagi niyang ginagawa ay nagsandok siya ng kanin at inilagay iyon sa aking pinggan at ganoon din ang ulam.

"Wala ka ba talagang ipabibili?" Tanong niya habang nasa kalagitnan kami ng pagkain ng umagahan.

"Wala nga. Ibalik mo na lang ang selpon ko. Kahit naman ibenta mo 'yon ay mura lang naman 'yon." Sagot ko.

"I'll buy you a new bag and sandals. Do you want chocolates?" Tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Ano naman ang gagawin ko sa bag at mga sandals? Kumakain ako ng chocolate pero kaunti lang kasi mabilis akong maumay." Sagot ko.

Hindi na siya muli pang nagsalita. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos ay pinagtalunan na naman namin ang pagliligpit. Ayaw na ayaw niya talagang nagliligpit ako ng mga pinagkainan. Pero dahil mas makulit ako ay ako pa rin ang nanalo.

"Sa susunod ay hindi ko na hahayaan na magligpit ka ng pinagkainan natin. Hindi na kita papayagan." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kusina. Sinamaan ko siya ng tingin habang palabas siya ng kusina. Madapa ka sana.

Patapos na ako sa paghuhugas ng mga pinggan nang may narinig akong boses galing sa sala. Boses ng isang lalaki at babae. Mayroon yatang bisita si Harvey ngayon. Binilisan ko na ang paghugas upang makaalis na ako rito sa kusina. Baka pwede akong makahingi ng tulong sa kanila upang makaalis rito. Pero mukhang imposible iyong mangyari dahil nariyan din si Harvey.

Pagkatapos kong maghugas at ayusin ang mga gamit ay lumabas na ako ng kusina. At napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang isang lalaki at babae na nagtatawanan kasama si Harvey sa may sala. Nakita ko pa na nakakapit sa braso ni Harvey ang bisita niyang babae. Kailangan ba kapag tumatawa ay nakakapit sa braso? Parang wala namang ganon? Hampas siguro sa braso ay meron pa. Nang makita ako ng bisitang lalaki ay nagulat siya at huminto sa pagtawa kaya huminto rin sa pagtawa ang dalawa. Nang tumingin sa akin si Harvey ay agad niyang tinanggal ang nakakapit na kamay ng babae sa kanyang braso. Ano naman ngayon kung nakakapit 'yang babae sa kanya? Wala naman akong pakialam.

"Pare, may babae ka rito?" Tanong ng bisita niyang lalaki kay Harvey.

"Yes, she's my girlfriend." Nagulat ako sa sinabi niya at mas lalo rin nagulat ang kanyang dalawang bisita.

"Seriously, Harvey? Pakilala mo naman kami sa girlfriend mo." Lumapit sa 'kin si Harvey at inakbayan ako. Hinawakan ko ang kamay niyang na sa may balikat ko upang tanggalin sana ang braso niyang naka-akbay ngunit hindi ako nag tagumpay. Nakita ko naman na masama ang tingin sa 'kin ng babae na kumakapit kanina sa braso ni Harvey. Ano ba ang problema niya? Kung nakatingin sa akin ay parang may atraso ako sa kanya.

"This is my girlfriend and her name is Abigael. Love, meet my bestfriends. He is Joshua and she's Aira." Turo niya sa dalawa. Ngumiti lang ako sa kanila. Pero ang sakit pa rin ng tingin ng babaeng nagngangalang Aira. May kasalanan ba ako sa kanya?

"Hi, nice meeting you. Hindi ako nagtataka kung bakit naging girlfriend ka ni Harvey. You're so beautiful." Sabi ng lalaki na nagngangalang Joshua. Inilahad pa niya ang kanyang kamay pero agad din namang itinapik ni Harvey kaya hindi na natuloy ang pakikipag kamay ko sa kanya. Narinig kong tumawa pa su Joshua dahil sa ginawa ni Harvey sa kamay niya.  Gwapo rin ang isang ito at halatang mayaman.

At nagsalita rin si Aira. "Hello. Gusto ko lang itama ang sinabi ni Harvey kanina. Sa totoo lang hindi lang kami mag bestfriend. I'm his Ex-Girlfriend."

"Aira!" Saway ni Harvey sa kanya.

Ibig sabihin nagkaka jowa rin pala ang lalaking ito? Ang akala ko ay puro na lang sama ng loob ang naiipon niya dahil minsan lang siya ngumiti. Maganda rin naman si Aira at halatang nanggaling din sa mayamang angkan. Mga ganoong babae pala ang gusto ni Harvey. Pero bakit sila naghiwalay?

"What? I'm just telling the truth, Harvey." Nakangiting sabi ni Aira. Sinamaan lang siya ng tingin ni Harvey.

Pagkatapos ng rebelasyong iyon ay tanging si Joshua at Harvey na lang ang nag-uusap. Nagpaalam na rin ako sa kanila na pupunta lang akong kwarto ngunit hindi ako hinayaan ni Harvey. Hinila niya ako palapit sa kanya at umupo kami sa isang mahabang sofa at ang hindi ko inaasahan ay ang pag-upo rin ni Aira sa tabi ni Harvey. Kaya ang pwesto naming tatlo ay napagitnaan namin ni Aira si Harvey. Samantalang si Joshua naman ay nakaupo sa pang-isahang upuan at nakangiti habang nakatingin sa amin.

"You're crazy, Aira." Tumatawang sabi ni Joshua.

"Shut up, Josh." Sagot ni Aira at mas lalo pang idiniin ang sarili kay Harvey. Naramdaman ko naman ang ang braso ni Harvey na pumulupot sa aking baywang kaya napatingin ako sa kanya. Napaka seryoso ng tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong mali. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan ko na lang ang braso niya sa aking baywang.

Halos dalawang oras din ang pag-uusap nilang tatlo at ako naman ay tahimik lang sa tabi ni Harvey dahil hindi ko naman alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. Pilit ko mang intindihin kung ano iyon ngunit ang daming tanong sa isipan ko. Katulad ng kung ano 'yong Black Fighter Society? At anong event naman ang gaganapin nila? Magkakaroon ba sila ng party?

"Sige, pare, uuwi na kami. Bye, Abigael." Paalam ni Joshua at ngumiti sa akin. Matapos ang halos dalawang oras nilang pag-uusap ay nagpaalam na rin sila.

"Bye, Harvey." Paalam ni Aira at akmang hahalikan pa niya sana sa pisngi si Harvey nang umiwas ito. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Aira ngunit pinigilan ko na lang. Masama pa naman ang tingin niya sa akin. 

"Just go, Aira." Pagtataboy sa kanya ni Harvey. Narinig kong tumawa si Joshua kaya agad siyang hinampas ni Aira sa braso.

"Thanks, Josh." Sabi ni Harvey.

"No problem, Harvey. Bye." Sagot ni Joshua bago sila tuluyang lumabas ng pinto.



Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon