Enjoy reading!
Nagising ako dahil may humahalik sa mukha ko. Pagmulat ko ay mukha ni Harvey ang nakita ko habang abala siya sa paghalik sa aking mukha. At dahil sa gulat ay naitulak ko siya.
"We're here, love." Nakangiti niyang sabi.
"Bakit mo ako hinahalikan?" Tanong ko.
"Why? Dati ko pa naman ginagawa 'yan sa 'yo para gisingin ka." Sagot niya na para bang walang malisya ang ginawa niyang paghalik sa akin.
"Dati pa 'yon. Iba na ngayon." Masungit kong sabi. Sinubukan kong tanggalin ang seat belt ko ngunit hindi ko alam kung paano. Narinig kong tumawa siya kaya tiningnan ko siya ng masama.
"You need help?" Nakangiti niyang tanong.
"Obvious ba?" Naiinis kong tanong. Tumawa siya bago ako tinulungan na tanggalin ang seat belt ko.
"You're always welcome, my love." Agad na sabi niya at naunang tumayo. Agad na rin akong tumayo at sumunod sa kanya palabas ng eroplano.
Mas okay pala kung tulog ako sa eroplano dahil hindi ako nakaramdam ng kaba. At paggising ko ay nasa Boracay na kami.
Hapon na nang makarating kami ng Boracay. At paglabas namin ng airport ay agad kaming sinalubong ng isang itim na kotse. May lumabas roon na isang lalaki at agad na kinuha ang mga bagahe namin at pinasok sa loob ng sasakyan. Habang may isa namang lalaki ang nagbukas ng pinto sa back seat at pinauna akong papasukin sa loob at sumunod si Harvey.
Habang bumabyahe ay ang driver at si Harvey lang ang nag-uusap. Samantalang nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse at tinitingnan ang dinadaanan namin.Minuto lang ang byahe namin bago nakarating sa isang hotel kung saan kami mamamalagi ni Harvey nang isang linggo. Sa labas pa lang ng hotel ay halata ng mahal ang bayad dito. Huminto ang sasakyan sa entrance mismo ng hotel. Agad namang bumaba ang driver upang pagbuksan kami. Inalalayan pa ako ng driver sa pagbaba ng sasakyan. At pagkatapos ay kinuha niya ang mga bagahe namin sa likod ng sasakyan.
Hinawakan naman ni Harvey ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng hotel. Binati pa kami ng security guard at ngumiti lang ako sa kanya.
"Magandang hapon po, sir and ma'am." Bati ng babae sa reception desk at may inabot kay Harvey na parang card.
Pagkatapos kunin ni Harvey ang card ay nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa loob ng elevator. Nakasunod pa rin ang tauhan niya habang dala-dala ang mga bagahe namin ni Harvey.
Nang bumukas ang elevator ay hawak pa rin ni Harvey ang kamay ko papunta sa isang pintuan. Isang kwarto lang ba ang binayaran niya? Paano naman ako? Saan ako matutulog?"Saan pala ang kwarto ko?" Tanong ko.
"Iisang kwarto lang tayo." Simpleng sagot niya.
"Teka, bakit iisang kwarto tayo? Wala na bang ibang room dito?" Tanong ko. Sa laki ng hotel na ito ay imposibleng walang bakanteng kwarto rito.
"Wala na. Bakasyon ngayon, love, kaya maraming tao." Sagot niya at ginamit ang card na bigay ng babae kanina at awtomatik na bumukas ang pinto. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Agad namang pumasok ang tauhan niya habang dala-dala ang mga gamit namin. Nang maipasok niya lahat ng gamit ay agad na rin siyang lumabas.
"Ilan ang kwarto rito?" Tanong ko.
"Dalawa. 'Yong nasa kaliwa ang magiging kwarto mo. But if you want, my room will always open for you, love." Nakangiti niyang sabi.
"Bastos." Sabi ko at agad na kinuha ang gamit ko at pumasok sa itinuro niyang kwarto para sa akin.
Sa unang araw namin sa Boracay ay maaga kaming gumising dahil pupuntahan niya na raw ang sinasabi niyang bagong negosyo rito. Malapit lang sa tinutuluyan naming hotel. Pagdating namin doon ay binati kami kaagad ng guard. Mukang inaabangan talaga ang pagpunta niya rito. Isang lumang mall ang pinuntahan namin at sarado na ito. Ngunit mayroon pa namang mga empleyado ang naroon at nagbabaka sakali na muling mabuksan ang pinagtatrabahuhan nilang mall. Habang naglalakad kami ay marami ang nakatingin sa amin. Mukhang nahalata iyon ni Harvey at nagulat ako nang huminto siya at hinila ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]
AçãoSa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt were living a good life but things suddenly changed when she was kidnapped by a mafia boss named Harv...