Chapter 19

48.8K 820 11
                                    


Enjoy reading!

Bago ako tuluyang hinatid ni Harvey pauwi sa bahay ay dumaan pa kami sa isang mall kung saan marami siyang binili at lahat ng iyon ay binigay niya para sa akin at kay tita. Ayoko pa sanang tanggapin ngunit mapilit siya. Kaya todo ang paliwanag ko kay tita tungkol kay Harvey. Noong una ay gusto niyang umalis ako bilang secretary ni Harvey ngunit nang sinabi ko na dahil sa akin ay maraming nawalan ng trabaho sa Ideal Hotel ay hindi na rin siya pumilit pang umalis ako sa pagiging secretary ni Harvey.

Pagsapit nang umaga ay maaga akong nagising dahil ngayon na ang unang araw ng pagiging secretary ko sa kompanya ni Harvey. Sinabi ko na rin magtrabaho bilang secretary ni Harvey.  Pagkatapos kong magbihis at kumain ay nagpaalam na ako kay tita.

"Tita, alis na po ako." Paalam ko sa kanya na abala sa pagwawalis.

"Sige, mag-iingat ka sa amo mong 'yan, Abigael." Sabi niya.

"Opo, tita." Sagot ko. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng kanto upang mag-abang ng masasakyang jeep.

Pagdating ko sa company ni Harvey ay binati kaagad ako ni kuyang guard. Ngumiti lang ako sa kanya at binati siya pabalik. Pagkatapos ay dire-diretso lang ako sa paglalakad papunta sa elevator.

Pagdating ko sa floor kung saan ang office ni Harvey ay dali-dali akong naglakad dahil ilang minuto na lang ay late na ako. Nang nasa harap na ako ng pinto ng office niya ay agad akong kumatok at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay agad ko siyang nakita na seryosong nakaupo sa upuan niya habang diretso ang tingin sa akin. 

"G-good morning po, s-sir." Pagbati ko sa kanya na medyo hinihingal pa dahil sa pagmamadali.

"I really miss your good morning, love. But where is my good morning kiss?" Tanong niya.

"Tigilan mo ako, Harvey. Nandito ako para magtrabaho." Seryoso kong sabi. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Mag half day ka mamaya dahil pupunta tayong Boracay. Magdala ka nang maraming damit dahil isang linggo tayo roon." Napahinto ako sa aking ginagawa dahil sa sinabi niya. Bakit pati ako ay kasama niya?

"Isang linggo? At saka bakit ako kasama roon?" Tanong ko.

"Because I want to. Is there any problem with that, love?" Tanong niya.

"Harvey, ipapaalala ko lang sa 'yo na trabaho ang ipinunta ko rito." Seryoso kong sabi.

"Ipaalala ko rin sa 'yo, love, na secretary kita. At dapat palagi kang nasa tabi ko." Mahina niyang sabi na sapat lang para marinig ko.

"Pero, Harvey–"

"You will come with me, love." Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Bakit ka ba pupuntang Boracay?" Tanong ko. Importante ba 'yong pupuntahan niya roon? Tungkol ba 'yon sa kompanya niya?

"Mayroon lang akong titingnan na bagong negosyo roon at gusto ko kasama kita bilang personal assistant ko." Sagot niya. Wala rin naman akong magagawa. Kahit naman tanggihan ko ay gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan.

Lumipas ang ilang oras kong pagtatrabaho ay hindi naman ako ginugulo ni Harvey. Abala rin siya sa kanyag mga meeting kaya madalas siyang wala sa kanyang opisina. Marami rin ang pumupunta at hinahanap siya ngunit hindi nila maabutan kaya nagpapalista sila ng schedule para makausap si Harvey.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon