Enjoy reading!
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pupunta ako sa company ni Mr. Lagatuz. Nakakahiya naman sa driver niya kung late ako at paghihintayin ko pa siya sa labas. Kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na ako sa kusina. Nakita ko roon si tita at si Jarenze na umiinom ng kape.
"Good morning." Bati ko sa kanila.
"Ang aga mo naman, Abby." Sabi ni tita nang makita niya akong nakabihis na.
"Oo nga." Sagot naman ni Jarenze.
"Nakakahiya sa driver ni Mr. Lagatuz na susundo sa akin kung late ako." Sagot ko at agad na nagtimpla ng kape.
"Kumain ka na rin. Huwag lang kape." Saad ni tita at binigay sa akin ang plato. Agad kong kinuha iyon at nilagyan ng konting kanin at ulam.
"Kaya ang sexy mo pa rin e. Kaonti lang palagi ang kinakain mo." Pang-aasar ni Jarenze. Umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimula ng kumain.
"Kahit naman damihan ko ng kain ay hindi pa rin ako tumataba." Sagot ko.
"Sana ganyan din ako." Sabi niya at tiningnan ang katawan niyang ngayon ay medyo tumaba na. Napangiti na lang ako.
Binilisan ko na rin ang pagkain ko at agad na nag sipilyo. At sakto namang may bumusina sa labas ng apartment ni Jarenze.
"Tita, Jarenze, alis na ako." Paalam ko at agad na kinuha ang maliit kong bag at lumabas na. Lumabas naman ang driver at pinagbuksan ako sa back seat.
"Salamat po." Sabi ko at pumasok sa loob. Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa driver seat at agad na pinaandar ang sasakyan.
Pagdating namin sa labas ng company ni Mr. Lagatuz ay napatingala ako sa taas ng building. Bakit ang sabi ni Mr. Lagatuz ay malulugi na ang kompanya niya? E ang laki nitong kompanya niya. Imposible namang malulugi ito.
Agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa loob. Binati pa ako ng security guard sa entrance na para bang matagal niya na akong kakilala. Ngumiti ako sa kanya at pumunta sa reception desk upang magtanong kung saan ang office ni Mr. Lagatuz rito.
"Excuse me, miss, saan dito ang office ni Mr. Lagatuz?" Tanong ko. Halatang nagulat siya nang makita ako. Ano bang meron sa mukha ko? May dumi ba ako sa mukha na hindi ko alam?
"S-sa thirteenth floor po, Ma'am." Sagot niya.
"Salamat." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Kumunot naman ang noo ko dahil nakatingin na pala ang mga tao sa 'kin. May dumi ba talaga ako sa mukha? Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at agad na pinunasan ang buong mukha ko. Pero ganon pa rin at nakatingin sila at ang iba ay nag bulong-bulongan pa.
"Hindi ba siya 'yon?"
"Ang ganda niya nga sa personal."
"Ang suwerte ni sir."
Iyan ang mga naririnig kong bulungan nila. Sino ba ang tinutukoy nila? Hindi ko sila maintindihan. Ako ba ang pinag-uusapan nilang lahat? Ano bang meron sa 'kin? Lumingon ako sa likod ko ngunit wala namang nakasunod sa akin. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa elevator.
Nang makarating ako sa thirteenth floor ay nagtanong ako sa isang babae na merong desk sa gilid ng isang pinto. At abala siya sa kanyang ginagawa.
"Excuse me, miss, saan dito ang office ni Mr. Lagatuz?" Tanong ko sa kanya. At katulad ng mga tao sa baba ay nagulat din siya nang makita ako.
"I-ikaw po ba si Miss Abigael?" Tanong niya. Paano niya ako nakilala?
"Ako nga po. Bakit?" Taanong ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]
حركة (أكشن)Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt were living a good life but things suddenly changed when she was kidnapped by a mafia boss named Harv...