Chapter 1

118K 2K 62
                                    



Enjoy reading!


"Abby, pabigay naman doon sa table na iyon itong order nila. May ipinapagawa pa kasi sa 'kin si Ma'am Angela." Sabi ni Shela sa 'kin. Inabot niya sa 'kin ang isang tray. Tutal ay wala naman akong ginagawa ay tinanggap ko na.

Sa edad kong twenty three ay sanay na ako sa mga trabaho na ganito. Dahil ang tita ko na lang ang kasama ko sa buhay at kailangan ko siyang tulungan sa mga gastusin sa loob ng bahay. Wala siyang asawa at anak kaya noong namatay ang mga magulang ko sa aksidente ay kinuha niya ako. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya na ang tumayong magulang ko.

Sapat lang ang sahod ko rito para sa mga bilihin namin ni Tita Rose sa loob ng bahay. Paglalabada lang naman ang trabaho ng ni tita at sapat lang din iyon para sa gamot na iniinom niya. Meron siyang diabetes at may maintenance siyang iniinom araw-araw.

Gabi na rin ang uwian namin kaya kahit late na akong umuuwi tuwing gabi ay tinitiis ko.

"Good afternoon po, ma'am. Ito na po ang order mo." Magalang kong sabi at inilapag sa harap niya ang kanyang mga in-order.

"Thank you." Nakangiti niyang sabi.

"You're welcome po." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Dala-dala ang tray ay bumalik ako sa kusina at ibinalik ang tray doon.

Mahaba habang araw pa ang titiisin ko. Ngunit sino ba naman ako para sumuko. Hindi ko pa naaabot ang pangarap ko at kailangan pa ako ni tita kaya bawal akong sumuko.

Buong araw akong abala sa pagtatrabaho at pagsapit nang gabi ay roon ko lang naramdaman ang pagod ko. Pumasok ako sa isang pinto kung saan naroon ang mga gamit ko. Kinuha ko ang bag sa aking locker at kumuha ako roon ng damit na isusuot ko pauwi. Pumunta akong banyo para doon mag palit ng damit.

Pagkaraan ay inayos ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag at lumabas na ng locker room. Nakasabay ko pa si Shela na abala sa paglagay ng pulbo sa kanyang mukha.

"Bye, Abby. See you tomorrow." Paalam niya at dali daling naglakad palabas ng restaurant. Sa tuwing tapos na ang trabaho niya rito ay dumi-diretso siya sa club dahil mayroon din siyang trabaho roon.

Paglabas ko ng restaurant ay tiningnan ko sa aking lumang relo sa palapulsuhan kung anong oras na. Alas diez na nang gabi at ito ako naglalakad sa daan ng mag-isa.  Meron namang mga ilaw sa gilid ng daan kaya hindi naman nakakatakot.

Wala na rin kasi akong masakyan pa na tricycle dahil gabi na. 'Tsaka sayang ang pamasahe kung sasakay pa ako. Dalawang kanto lang naman ang dadaanan ko bago makarating sa bahay. At kahit papaano ay wala pa namang nababalitaan na namatay o ginahasa sa lugar na ito.

Halos kalahating oras din akong naglakad bago makarating sa bahay. Patay na ang ilaw hudyat na tulog na si Tita Rose. Siguro ay napagod iyon sa paglalaba ngayong araw.

Pagpasok ko sa loob ng maliit naming bahay ay dumiretso ako sa kwarto ni Tita Rose. Mahimbing na ang kanyang tulog. Hinalikan ko siya sa noo at umupo sa tabi niya habang pinagmamasdan siya. Naaawa ako sa kanya. Matanda na rin siya at hindi na dapat siya nagtatrabaho ngunit ayaw niyang makinig sa akin. Gusto kong maranasan man lang ni Tita Rose ang maayos na buhay. Gusto kong iparanas iyon sa kanya ngunit hindi ko alam kung makakaya ko ba.

Huminga ako nang malalim bago tumayo at lumabas na ng kwarto ni tita. Pumasok naman ako sa kabilang kwarto na tanging manipis na plywood lang ang nakaharang at iyon ay ang aking kwarto. Nang mailagay ko sa maliit na lamesa ang bag ko ay lumabas ako upang maghugas ng katawan sa isang maliit kang din na banyo katabi ang kusina.

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa loob ng banyo. Paglabas ko ay pumasok na ako sa aking kwarto at agad na humiga sa aking higaan. Mayroon namang foam kahit papaano ngunit manipis lang kaya medyo ramdam ko pa rin ang matigas na plywood. Mas okay na ito dahil kahit papaano ay may mahihigaan pa rin ako. Hindi naman ako mayaman para mangarap na humiga sa malambot na kama.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon