Chapter 26

43.6K 774 73
                                    


Enjoy reading!

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jarenze ay hinila ko na siya papunta kay Harvey. Uuwi na sana siya dahil ayaw niya raw maka istorbo sa amin ni Harvey ngunit pinigilan ko siya.

"Harvey, si Jarenze pala kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Hello, nice to meet you." Sabi ni Jarenze at inilahad ang kamay ngunit hindi iyon tinanggap ni Harvey kaya agad niyang tinago ang kamay niya sa kanyang likod.

"Nice to meet you too." Sagot ni Harvey.

"Suplado 'yang mafia na 'yan. Sumbong ko siya sa police e." Bulong ni Jarenze sa akin kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"I need to go, love." Paalam ni Harvey. Tumayo siya at lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. At pagkatapos naglakad na siya palabas ng bahay.

"Ang sweet niyo naman. Ang sakit niyo sa mata." Sabi ni Jarenze at humawak sa dibdib niya na para bang nasaktan. Tinawanan ko na lang siya.

Umupo kaming dalawa sa sofa sa may sala at kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi ko rin naman maitatago 'to sa kanya. 

"Bakit ngayon mo lang sinabi na buntis ka? Ang daya mo naman." Nagtatampo niyang sabi.

"E minsan ka lang naman kasi bumibisita rito." Sagot ko.

"Kahit na." Sagot niya.

"Basta  ninang ako at wala ka ng magagawa." Sabi niya na ikinatawa ko.

Matagal din ang pag-uusap naming dalawa. Dahil matagal din na hindi kami nagkita at nakapag usap. Ayaw pa niya sanang umuwi ngunit may pupuntahan pa siyang impotante at dumaan lang talaga siya rito sa bahay.

Kinabukasan, pagdating ko sa company ni Harvey ay rinig ko agad ang bulong bulungan ng ibang empleyado sa akin. Nang pumasok ako sa elevator ay may nakasabay pa ako na dalawang babae at agad silang umatras nang makita nila ako.

"Hindi ba siya 'yong girlfriend ni Sir Harvey?"  Rinig kong bulong ng isang babae sa kasama niya.

"Oo, siya nga 'yong tinutukoy ng nagbabantay sa canteen na naghatid ng pagkain ni Sir Harvey noong nakaraang araw sa office." Sagot naman ng kasama niyang babae. Hindi ko alam na pinag-uusapan na pala kami ni Harvey rito. Paano pa kaya kapag nalaman nila na buntis ako at si Harvey ang ama? 

"E sino naman 'yong isang babae na kasama dati ni sir?" Patuloy na tanong ng babae. Kasamang babae ni Harvey? Sino?

"Si Ma'am Angelica ba? Naging sila noon si Sir Harvey pero hindi ko alam kung bakit sila naghiwalay. Sayang nga at bagay silang dalawa." Sagot naman ng isang babae. Bakit nga ba naghiwalay si Harvey at Angelica dati? Ano ang dahilan? Napatingin ako sa pinto ng elevator nang bumukas iyon kaya agad na akong lumabas. .

Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa office ni Harvey. Kumatok muna ako bago pumasok. Pagbukas ko ay nakita ko siya na nakaharap sa laptop niya at nang makita niya ako ay huminto siya sa kanyang ginagawa. Pupunta na sana ako sa table ko nang makita ko na may nakaupo roon. Isang babae na medyo matanda na rin. Napaangat siya ng mukha nang makita niya ako. Lamesa ko 'yan e. Bakit siya nariyan? Tiningnan ko nang masama si Harvey na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

"Sino siya?" Tanong ko.

"She's my new secretary." Sagot niya. Anong akala ba niya umalis na ako?

"Pinapaalis mo na ba ako rito?" Tanong ko.

"Yes. Hindi na kong magtrabaho ka simula ngayon." Sagot niya. Ano bang ibig niyang sabihin? Pinapaalis niya na ako rito? Ayaw niya na akong maging sekretarya niya?

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon