Enjoy reading!
Kinabukasan ay sinundo na naman ako ng driver ni Mr. Lagatuz. At habang bumabyahe kami ay nagtataka ako dahil iba ang tinatahak naming daan. Hindi ito ang daan kahapon.
"Kuya, bakit po ibang daan ang dinadaanan natin?" Tanong ko at medyo kinakabahan na. Baka mamaya ay kung saan ako dalhin nito.
"Ma'am, doon po tayo pupunta sa company ni Mr. Lagatuz." Sagot niya habang nakatingin sa daan. Bakit ang company ba kahapon hindi ba iyon kay Mr. Lagatuz? Kung hindi iyon sa kanya kanino iyon?
"E 'di ba po company niya 'yong kahapon kung saan mo ako hinatid?" Tanong ko.
"Ay hindi po, ma'am. Ibang company po iyon." Sagot niya. Ibang company? Kaninong company iyon? Akala ko ay kay Mr. Lagatuz 'yon.
"Kaninong company po iyon?" Tanong ko.
"Hindi ko po alam, ma'am. Itanong niyo na lang po si Mr. Lagatuz mamaya." Sagot niya.
"Sige po, manong. Salamat." Sabi ko.
Nang makarating kami sa company ni Mr. Lagatuz ay bumaba na ako sa sasakyan. Nagulat ako sa bumungad sa akin. Ito ang company ni Mr. Lagatuz? Parang wala pa sa kalahati ng building na pinuntahan ko kahapon. Hanggang limang palapag lang ito.
Pagkaraan ay pumasok na ako sa loob. Pinakita ko lang ang ID ko sa security guard at pumasok. Nagtanong pa ako sa reception desk kung saan ang office ni Mr. Lagatuz.
"Excuse me, miss, saan ang office ni Mr. Lagatuz?" Tanong ko.
"Ikaw po ba si Miss Abigael?" Tanong niya.
"Ako nga po." Sagot ko.
"Sa fifth floor po ang office ni Mr. Lagatuz." Sagot niya.
"Thank you." Sabi ko at naglakad na papunta sa elevator.
At pagdating ko sa fifth floor ay nagtanong ako sa isang lalaki na naglilinis.
"Kuya, saan po rito ang office ni Mr. Lagatuz?" Tanong ko sa kanya.
"Ayon po, ma'am." Sagot niya at tinuro ang isang pinto.
"Salamat po." Sabi ko at pumunta na sa pinto na itinuro ni kuyang napag tanungan ko.
Kumatok muna ako bago pumasok at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Pagkapasok ko ay nakita ko si Mr. Lagatuz na abala na naman sa mga nakapatong na mga papel sa kanyang lamesa.
"Good morning po, sir." Pagbati ko sa kanya.
"Good morning din, Abby." Bati niya.
"Sir, gusto ko lang pong itanong kung kaninong company po 'yong pinuntahan natin kahapon?" Tanong ko sa kanya.
"Kay Harvey Sandoval iyon, hija." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kay Harvey iyon? Pero hindi naman iyon ang company na pinagtrabahuhan ko noon. Bagong company ba niya iyon?
"Bakit parang gulat ka?" Tanong niya.
"Hindi po, sir." Sagot ko at pekeng ngumiti.
"Okay. Nakita mo ba ang lamesa mo sa labas?" Tanong niya. Desk ko pala 'yong nasa labas kanina na nakita ko.
"Opo, sir." Sagot ko.
"Okay. Go back to work." Sabi niya. Agad naman akong naglakad palabas at pumunta sa lamesa ko na nasa labas.
Habang nakaupo ako ay hindi pa rin mawala-wala ang sinabi ni Mr. Lagatuz kanina. Kaya pala naroon kahapon si Harvey ay dahil sa kanya ang kompanya na 'yon.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]
AksiSa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasama niya sa buhay. Abigael and her aunt were living a good life but things suddenly changed when she was kidnapped by a mafia boss named Harv...