2 Howard

44.5K 904 16
                                    

Althea POV

Kakalabas ko pa lang ng gate ng school ng mapansin ang kumpulan at nagtitiliang mga estudyante. Kanya kanya sila ng kumpulan malapit sa gate at animoy mga bulateng natapunan ng sandamakmak na asin. Hindi ako makadaan sa mga babaeng mga nakaharang sa daan na ikinairita ko. Kung bakit kasi makipot na nga ang gate ng school na ito tapos parking area pa ang harapan at ngayon nga ay nagkalat pa ang mga estudyanteng haliparot.

Ano bang meron? May parada ba ng artista?!

Napakunot ang noo at pilit sinisilip ang nasa harapan ng makita ko si Angie na nakikipagsingitan sa mga estudyanteng hahara hara.

"Angie! Anong meron?" Tawag ko sa kaklase ko.

"Uy Althea, ikaw pala... may gwapong lalaki kasi sa may parking sa tapat. Mukhang may hinihintay na estudyante, grabe ang gwapo talaga! Mala-modelo! Kanina pa nga sya diyan e, mga dalawang oras na...kaya dumami na ang mga hitad na nag aabang kung sinong naka-jackpot na babae ang hinihintay nya." Maarteng ani Angie na tinanguan ko naman.

Ano ba yan! Akala ko naman may artista na!

"Ganon ba? Sige ha. Mauna na ako. Uuwi pa kasi ako sa amin ngayon." Paalam ko kay Angie

"Sige ingat." Ani Angie sabay kaway na ginantihan ko na lang din ng kaway.

Nakikipagsiksikan ako sa makipot na daan patungo sa sakayan ng taxi ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

Napasinghap ang mga babae sa paligid ko at animoy isa isa silang gumilid para bigyan ako ng espasyo.

Teka pangalan ko ba ang tinawag?!

Palinga linga ako sa mga babaeng nakatingin sa akin at hinahanap ang kasagutan sa mga mata nila.

"Althea!" Muling tawag ng pamilyar na tinig. At ngayon nga ay sigurado akong ako nga ang tawag ng mas malinaw kong narinig ang pangalan ko kaya napatingin ako sa direksyon ng tumawag. Nanlaki pa ang mata ko ng makita ang lalaki na prenteng nakasandal sa BMW nya. Tinulak nito ang sarili mula sa pagkakasandal sa kotse nya at nagsimulang lumakad sa direksyon ko, animoy hari na dumadaan na nagsipaghawian ang mga estudyante sa daan. Natulos naman ako sa pagkakatayo ko. Kunot ang noong nakatingin sa lalaki.

Anong ginagawa nito dito?!

"Hi." Anito ng magkatapat na kami. Napatingala na lang ako sa tangkad nya para makipagtitigan

"Anong... bakit ka nandito?" Naguguluhang aniko, halos ibulong ko na yon sa sobrang hiya. Napalingon ako sa paligid at nakitang pinapanood na kami ng mga estudyante na akala mo ay nasa sinehan. Nakita ko din si Angie na kilig na kilig na wari ko ay maiihi na.

Binalik ko ang tingin sa lalaki ng magsalita itong muli.

"Hatid na kita. Alam kong pauwi ka sa bahay ng kuya mo." Anito na ikinakunot muli ng noo ko.

"Bakit?" Muling naguguluhang tanong ko. Nakita ko ang sandaling pag-iisip ng lalaki at pagkamot nito sa batok. Napakacute ng gestures nito. Rinig ko ang mga hagikgikan ng mga estudyante sa paligid marahil ay kinilig din sa kilos ng lalaki.

"Papunta din kasi ako doon. I have to talk to Bree. Nadaanan ko ang school mo so I just wanted to give you a ride." Anito na ikinatango ko na lang.

Nadaanan? Eh bakit sabi ni Angie dalawang oras na raw itong naghihintay?!

Erase... erase...erase...

Sino ba ako para hintayin ng isang Howard Alcantara?!

Wag assumera Althea!

I cleared my throat. Pakiramdam ko kasi nagbabara ang lalamunan ko at tutulo ang laway ko tuwing nakatitig sa mukha ng binata. Lumunok muna ako bago muling nagsalita. Umasta akong animo'y nagtataray.

"Ah ganon ba. Okay, pasabay na lang ako." Aniko na ikinangiti naman ng binata.

Shìt! 'Wag mo naman ako ngitian ng ganyan! Nakapalda ako ngayon at pakiramdam ko ay malalaglag ang panty ko!

"Let's go then." Anito na inumwestra ang daan papunta sa kotse niya. Tumango ako at nauna ng maglakad. Nakita ko pa ang mga inggit na inggit na mukha ng mga estudyanteng nadaraanan ko.

Pinagbukas pa ako ng pinto ng kotse ni Howard at ng nakaupo na ako ay siya na rin ang nagsara bago umikot para sumakay sa driver's seat.

Nagdadrive na ang lalaki ng mapatingin ako sa kanya.

Howard Alcantara. Gwapo talaga ang binata. Unang kita ko dito ay naismidan ko pa ito dahil akala ko ay may relasyon sila ng asawa ni kuya. Pero kaibigan lang pala talaga ito ni Ate Bree. Tama nga ang sabi ni Angie, mala-modelo ang lalaki. Ang buhok nito ay mahaba na parang ang lambot lambot at ang sarap pasadahan ng kamay. Deep-set at kulay brown na mga mata na animo'y nakakalunod kung tumitig. His chiseled jaw has little stubbles that makes him look more manly and his lips... Gosh! Those lips are made for kissing.

Mabilis akong napaiwas ng tingin ng lingunin niya ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa aking iniisip.

Shìt! Baka ano pang isipin ng lalaki. Napatagal yata ang pagtitig ko sa kanya.

"So... how's school?" Basag ni Howard sa katahimikan.

"O-okay lang naman." Maikling sagot ko sa lalaki. Nakaka-intimidate kasi sa isang estudyanteng tulad ko ang humarap sa isang kilalang travel junkie. He's been a world renowned traveler who got paid with just visiting countries and documenting different cultures. It's understandable with his family background. His mother is a news anchor in BBC, while his father owns an airline. The Alcantara's are rich and definitely famous. Nakwento na din minsan kasi siya sa akin ni Ate Bree.

"You're on your third year right?" Anitong muli na ikinatango ko na lang.

"Althea, how old are you?" Muling tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

"I'm nineteen Why?" Aniko na nakatingin na sa lalaki. Tumikhim ito at nag-iba ng posisyon ng pagkakaupo sa seat nya. He looks nervous. But why?!

"Wala naman. I'm twenty five now. Six years pala ang gap naten." Anito na ikinalaki ng mata ko.

What the hell is he trying to say?!

"May..." anito pagkatapos ay hinimas ang baba niya. Animo'y hirap sa susunod na sasabihin.

"M-may boyfriend ka na ba, Althea?" Anito na ikinalaglag ng panga ko. He himself looks uneasy with his question as he stole a glimpse at me.

"W-wala. Bakit?" Mahinang sagot ko na pakiramdam ko ay lalong nagpapula ng pisngi ko.

"Okay. I just wanted to make sure before I pursue you." Anito ng hindi tumitingin sa akin. I felt my heart do its flipflops and erratic beating that I know for sure I had a mini heart attack with what he said.

HolyMothaOfGhost! Tama ba ang narinig ko?!

Hounding Howard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon