23 Golly wow!

21.4K 530 17
                                    

Althea POV

I woke up with a start. At first I thought I was back in some hotel room then the memory of being kidnapped rush into my head like flashflood. Oo nga pala, nasa isang isla ako na hindi ko alam paano umalis!

My mood quickly become sour as I swung my feet to the floor and stood up. Nakita ko ang traveling bag at trolley ko sa may paanan ng kama. Marahil kasama itong binitbit ng lalaki ng kidnapin ako. Nakasimangot na nilabas ko ang gamit ko at kinuha ang toiletries doon.

I went into the bathroom, splash some water into my face and rub it with my facial wash then rinse it to finally take off the sleepiness in me and then I brush my teeth.

Buti na lang dinala din ng lalaki ang bag ko. Naroon kasi ang passport ko at important documents. Paano na lang kung iniwan pa nito ang mga yon, mas lalo akong mahihirapang takasan ang lalaki. At oo, makakita lang ako ng oportunidad ay tatakasan ko ang walanghiyang lalaking iyon! For the second time around!

As soon as I finished, I went out and found the house empty. Nilibot ko ang buong bahay hanggang sa matagpuan ko ang kitchen. May nakatakip na pagkain sa lamesa kaya lumapit ako doon at natagpuan ang maliit na sticky note. Inangat ko iyon at binasa.

Love,

Eat this when you wake up. I'll just be out for a little while.

Howard.

I crumpled the note and throw it anywhere. Umupo ako at tinanggal ang mga takip sa pagkain. The rice was still warm. Tatlong putahe ng ulam ang naroon at pinagtataka ko na lahat ay paborito ko. Chicken fillet. Kare kare at chopseuy. Parang naglaway ako sa nakahain na pagkain kaya sumandok na lang ako kaagad. Matagal tagal na din ng matikim ko ang mga pagkain na ganito.

Ang lakas ng dighay ko pagkatapos kong kumain, sobrang nabusog ako. Napalinga ako at napansin na hanggang ngayon ay wala pa rin ang lalaki. Napatingin ako sa orasan at alas otso na ng gabi.

Nasan naman kaya ang lalaking yon?!

Nasisigurado ko na walang ibang bahay sa isla na ito dahil nung nasa himpapawid pa kami ay itong bahay na ito lang ang nakita kong bahay dito sa isla. Naiinip na lumabas ako ng bahay para lang mapagmasdan ang payapang dagat. Napaka peaceful ng itsura nito at napakaliwanag ng bilog na bilog na buwan. Napaligid ang mata ko sa paligid at masasabi kong napakaganda talaga ng lugar. Hindi ko lang naappreciate kanina dahil sa sobrang galit ko sa lalaki.

Maputi at pino ang buhangin, napakaraming puno ng buko, mangga na sagana sa prutas, malamig at amoy dagat na hanging dumadampi sa aking balat. Halata ring alaga ang lugar dahil may mga hardin sa paligid. Matatawag na paraiso ang lugar kung tutuusin.

Naengganyo akong maglakad lakad kaya bumaba ako ng bahay at naglakad sa tabing dagat. Napakagaan sa pakiramdam ang tanawin na ito. Pumunta ako malapit sa dagat at nagtampisaw. Hinayaan kong mabasa ang paa ko ng malumay na alon ng dagat. Talagang nakakawala ng stress ang lugar na ito. Maari mo pang masabing sarili mo ang lugar sa kawalan ng tao dito. Solong solo mo ang paraiso. Napapangiti ako sa isiping iyon.

Napapalayo na ako sa bahay ng mapansin ang bulto ng isang lalaki na nakayupyop sa may batuhan. Naaaninag ko sya sa maliwanag na buwan at wala ng iba kundi si Howard iyon. Wala namang iba pang tao rito sa isla. Iikot na sana ako bago pa ako makita ng lalaki ng mapansing nakapikit ito at kumalansing ang nabitawan nitong bote. Sinipat kong maigi ang lalaki at nakitang basyo ng mga alak ang katabi nito at halos basa na ang katawan ng lalaki sa pagkakaupo at naabot ng alon ang katawan nya.

Inis na nilapitan ko ito at sa liwanag ng buwan ay napagtantong lasing na lasing na ang lalaki.

Inis na sinundot ko ang braso nya para magising sya.

Hounding Howard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon