Althea POV
Nasa kotse na kami pero tahimik pa din si Howard at deretso lang ang tingin nya sa daan. Wala din naman akong balak na magsalita dahil sa sobrang hiya at pagka concious sa nangyari. Napapaisip tuloy ako kung bakit ganon ang reaksyon ni Howard, hindi ba nya nagustuhan ang halik ko? May mali ba akong nagawa?
Napatigil lang ang pag iisip ko ng tumigil din ang sasakyan.
"We're here." Maikling ani Howard na lihim kong ikinalungkot. Baka kasi ito na ang huling pagkikita namin.
"Sige. Salamat nga pala sa dinner ha." Aniko sabay ngiti ng pilit sa binata na nakatitig lang sa akin. Mukhang wala na itong balak magsalita kay pumihit na ako at binuksan ang pinto ng kotse.
Akmang bababa na ako ng pigilin nya ang braso ko, ramdam ko ang kuryenteng dulot ng kamay nya sa hubad kong braso. Napalunok ako at pakiramdam ko ay nagsisimula nanaman akong mamula.
"Althea, I'm sorry if I kissed you... I know you are young and I shouldnt have taken advantage of that. Seryoso ako sa'yo at ayokong maturn-off ka dahil napakabilis ko." Ani Howard sa akin na nagpalaki ng mata ko.
Akala pala nya ay ako ang naturn-off?! Akala ko nga ikaw eh!
"Althea, I have to ask... this is bugging me. How did you know how to kiss like that? May... may naging boyfriend ka na ba?" Kunot noong tanong nya sa akin.
"Wala pa. Ikaw pa lang ang nakahalik sa akin." Pag amin ko sa lalaki.
"Ah...Okay then... I thought... well, can I say that your kisses are really damn good?!" Ani Howard sabay ngiti na ikinangiti ko na din.
Shemay! Wala na! Kilig na kilig na ko!
"So... I made first base on our first date... Am I too forward if I ask to be your first boyfriend too? I know its too early to ask, but I just...errr... I really want you to be my girl." ani Howard na medyo namumula na rin sya.
Shit! Ang cute nyang mahiya!
"Oo Howard. Gusto din kitang maging boyfriend." Walang pag aalinlangang sagot ko sa kanya.
Kekeme pa ba ako?! Tama si Angie, hindi na pinapakawalan ang mga ganitong lalaki. I know I like him too. Matagal ko na nga syang crush eh. Ano pa ba ang hihintayin ko?!
I watched as his face lit up. He smiled brightly at me and then pull me to him. He embraced me tightly. Medyo masakit ang posisyon namin sa masikip na kotse nya pero titiisin ko yun mayakap lang ang binata. Inangat ko ang braso ko at niyakap din sa binata. Ramdam ko ang kakaibang tahip ng dibdib ko ngayon na ganito na kalapit sa akin ang binata.
Then Howard quickly release me and crashed his lips into mine in a hungry kiss. It seems like he is a man in great need as he devour my lips. I answered his kisses eagerly which made him moaned in excitement. The sound of it, send shivers up my spine and my toes curl from the sensation he is igniting within me. We parted breathless and heavily catching our breath.
"Love, we need to stop now or else I wont be able to control myself." He huskily said. Pinagdikit nya ang mga noo namin habang hinahabol namin ang aming hininga. Sobrang kilig naman ako sa tinawag nya sa akin. Hindi pa man nya sinasabi ang salitang i love you pero pakiramdam ko sapat na ang tawagin nya akong love.
"You're my girl now. I want you to remember that. You're mine." He said to me and there is a smirk playing on his lips. I smile brightly at him.
"Yes. And you are mine too Howard." Aniko sa lalaki. Aangkinin ko na din sya. Akin lang.
He gave me a quick kiss on the lips one last time and then he walk me to my door with our hands intertwined. Magkaharap na kami sa may pinto ng dormitory at nakangiti sa isat isa.
"Ingat ka pag uwi ha?" Aniko sa binata.
"Yeah I will. Kita tayo ulit bukas. Let's eat lunch together." Ani Howard na ngiting ngiti. I nodded my head eagerly. He gave me another kiss but this time it landed on my cheek.
"I have to go or else I'll be tempted to bring you home with me." Bulong nya sa akin na lalong ikinalapad ng ngiti ko. Kulang ang salitang kilig sa nararamdaman ko ngayon.
"Bye. See you tomorrow love." Ani Howard sabay kindat sa akin.
"Bye l-love." Nahihiya ring sagot ko. Sumaludo pa si Howard sa akin bago nag-jog pabalik sa kotse nya. He wink at me one last time before going inside his car. I watched him drove away with a smile on my lips.
"Grabe naman! Hindi pa pala kayo magjowa nun! Putcha kinikilig ang kaibuturan ng laman loob ko!" Sigaw tili ni Angie na ikinagulat ko pa.
"Ano bang ginagawa mo dyan?" Puna ko sa babae na nakasilip sa halamanan sa may tabi ng entrance ng dorm. Natatakpan ng makapal na halaman ang katawan nya at tanging ulo lang ang nakasulpot.
"Sus! Nakita ko kasi kayong parating kaya nagtago ako dito! Grabe ang gwapo talaga ni papa Howard!" Kinikilig na anito sabay labas sa halamanan at sabay kaming pumasok ng dorm.
"Angie, kami na!" Ani ko kay Angie na kinikilig habang nakakapit sa braso ko. Sabay pa kami napatili ng impit at nagyakap.
"Kinikilig ako sa inyo girl! Go lang ng go And make sure na sayo lang sya! Wag kang papakabog sa ibang babae. Teka nga..." anito sabay tingin ng mataman sa mukha ko.
"Girl, maganda ka naman talaga eh kaya lang di ka nag aayos...Halika, tuturuan kitang mag-make up!" Ani Angie sabay hatak sa akin sa kwarto nya.
Nangiti na lang ako sa kanya habang walang tigil ang pagtuturo nya sa akin kung paano mag ayos. Lumilipad kasi ang utak ko kay Howard.
I know I wont be able to think of anything else. Baka nga hindi pa ako makatulog mamaya. And to think he is already my boyfriend makes me wanna shout in so much joy.
Although I think that ours is a whirlwind romance, I know as early as this, I already have fallen deep for Howard...
BINABASA MO ANG
Hounding Howard (COMPLETED)
RomanceIt all started with deceit and it will end with deceit. What if all you believed in was a lie? And the person you trusted the most is the person who will betray you? And in life you thought will be a clean straight line comes a tangle of lies and...