3 Permission

30.8K 715 22
                                    

Althea POV

Pagkatapos ng sinabi ni Howard na liligawan niya ako ay naumid na ang dila ko. Hindi na ako nakasagot hanggang sa namalayan ko na lang na nasa mansyon na pala kami ni Kuya.

Lumabas na si Howard at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Parang hindi pa ako makapaniwala sa narinig ko kanina habang naninigas ang katawan na bumaba ako. Mukhang wala namang mababakas na ano mang emosyon sa mukha ni Howard kabaligtaran ng pagkalito at pagkabagabag ko.

Baka naman namali lang ako ng rinig or pagkakainitindi!? Ako pa ba ang liwagan ng isang Howard Alcantara?! Gising Althea!

Kaya pinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi niya kanina.

Pagkapasok ay sinalubong kaagad kami ni Ate Bree na ngiting ngiti at ni kuya Cylde na nakasimangot. Simula noon pa kasi ay mainit na ang dugo ni kuya Clyde kay Howard, dahil na rin siguro minsan na niyang pinagselosan ito sa asawa niya. Pero walang magawa si kuya Clyde dahil bukod sa may share si Howard sa kumpanya ni ate Bree ay kaibigan pa ito ng asawa niya.

Agad akong pumasok at niyakap at pinupog ng halik ang isang taong gulang kong pamangkin si Bryce. Napaka cute talaga nito habang tawa ng tawa na nakikiliti sa halik ko.

"Ward, dito ka na maghapunan ha?" Rinig kong paanyaya ni ate Bree

"Sure." Sagot naman nito. Napangiti ako sa isiping magtatagal ang binata dito.

Nasa hapag kainan na kami at magkatabi kami ni Howard. Tumabi kasi sa akin ang lalaki kahit na may plato sa kabilang bahagi ng lamesa.

Napatingin ako kay Howard na nakatitig din pala sa akin. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko alam bakit hindi ko mabawi ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya. He smile slightly and I returned his smile rather shyly.

"Ward, how long will you be staying here in the Philippines? It's a record that you stayed at one place for a week already." Ani Ate Bree na nagpabitaw ng pagtititigan namin. Howard look at Ate Bree and spoke.

"I don't know yet Bree. I have someone holding me back." Anito na ikikabog ng dibdib ko.

Shit! Ako ba yun?! Di nga? Assumera Althea!

"What? Don't tell me my girlfriend ka na?!" Ani Ate Bree sabay lingon sa akin. Napayuko naman ako sa aking pagkain na animo'y balewala sa akin ang topic nila. Pero sa loob ko ay...

Sige Ate Bree! Gusto ko din yang malaman!

Napahigpit ang kapit ko sa kutsara sa antisipasyon sa isasagot ng lalaki.

Wala sana! Wala sana! Wala sana!

"Nah, magkakaroon pa lang kung sasagutin niya ako." Anito sabay lingon sa akin na ikinapula naman ng pisngi ko kahit na hindi ko siya tinitignan. Ramdam ng bawat himaymay ng katawan ko ang munting mga pagsulyap niya sa akin.

Shemay! Mahihimatay na ko ano mang oras mula ngayon!

"Who's the unlucky girl?" Sabad naman ni kuya na ikinatingin ko ng masama dito. Kahit kasi matagal na sila ni Ate Bree ay nagseselos pa rin ito kay Howard. Nakita kong tinapik ni Ate Bree sa braso si Kuya at inirapan.

Unlucky?! Talaga tong si kuya!

Howard chuckled at that and look straight to my brother's face.
"You'll find out soon enough." Sagot nito sa kapatid ko. My brother glared at him which Howard returned with a grin.

Hounding Howard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon