4 Overthinking

25.7K 607 11
                                    

Althea POV

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng mansyon pero ni anino ng kotse ni Howard ay hindi ko pa rin nakikita. Napabuntong hininga ako, kung tutuusin ay late na late na ako sa first subject ko pero heto ako ngayon at hinihintay pa rin ang binatang nangakong susunduin ako. Parang nagsisisi pa ako na hindi ako sumabay ngayon kay Kuya ng pumasok sila ni Ate Bree sa opisina.

Akmang maglalakad na ako papasok ng mansyon ng may marinig na sunod sunod na busina na ikinalingon ko. Animoy bumbilyang inilawan ang mata ko ng makita ko ang kotse ni Howard. Bumaba ito at tumakbo papunta sa akin.

"Sorry I'm late. It's the effin' traffic. I didnt know it could be this unforgiving at rushour." Anito na may malamlam na mata. He looked apologetic and I just cant help the smile that crept to my lips.

Shit! Tama bang kiligin pa din ako?!

"Uhmm... okay lang. Di pa naman ako late." Sagot ko sa lalaki.

Yup! Di pa ko late sa next subject ko!

"Oh good! I thought I cause you to skip class." Anito sabay ngiti sa akin.

Shemay! Okay lang kahit buong class pa! Basta ikaw!

"Let's go." Anito sabay bukas ng pinto ng kotse nya para makasakay ako. Sumakay na lang ako at hinintay ang pag ikot ni Howard at pagsakay sa driver's seat.

Habang nasa byahe ay di ko maiwasang magnakaw ng tingin sa lalaki. Napakagwapo nito sa suot nitong loose white polo na nakatupi ang manggas. Hinayaan lang nitong nakalaglag ang buhok nyang mahaba at infairness ang bango bango nya! At ang amoy nyang iyon ang nalalanghap ko sa kotse nya na kay sarap sa ilong, Napapahingang malalim tuloy ako.

"Althea, I know you sleep in the school's dormitory but can I take you out to dinner later? I promise I'll bring you back before your curfew." Ani Howard habang binibigyan ako ng panaka nakang sulyap.

Oh my! Date ba yun?!

"Ah... s-sige. But I need to be back by ten." Sagot ko binata na ikingiti nito.

"That's good enough. We can eat early then get to know each other after." Ani Howard na ikinapula ko naman.

"What time will you be out?" Anito sa akin.

"Alas singko, tapos na last subject ko." Aniko sa lalaki.

"Okay. I'll be here at five." Sagot nya sa akin.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school ko. Akmang bababa si Howard ng pigilan ko sya sa braso.

"Wag ka ng bumaba. Baka kasi pagkaguluhan ka nanaman eh." Aniko sa seryosong tono na ikinakunot ng noo nya.

"What?" Nagtatakang anito sa akin.

Shemay! Di ba nya alam na pinagkaguluhan sya ng mga kababaihan nung friday?!

"Basta. Kaya ko namang bumabang mag-isa. Dito ka na lang ha. Salamat sa paghatid." Mabilis kong ani sabay bukas ng pinto at bumaba din ako agad. Kumaway pa ako sa kanya bago mabilis na umikot para pumasok sa school.

"Althea!" Rinig kong sigaw ni Howard. Ramdam ko ang mga kababaihang sumabay ng paglingon ko sa lalaki.

Shemay! Kayo ba ang tinawag?!

Nakatayo na ito sa nakabukas na pinto ng kotse nya at nakatingin sa akin. Kita ko rin ang mga curious na mata at kinikilig na mga babae habang nakatingin sa binata.

"Bakit?" Tanong ko habang concious na concious muli sa palipat lipat na tingin at mga kinikilig na kasabayan kong estudyanteng papasok.

"Study well." Anito sabay ngiti sa akin na ikinalaki ng mata ko. Animo'y natulos pa ako sa kinatatayuan ko kahit na sumibad na palayo ang kotse ni Howard.

Nagising lang ako sa pagkatulala ko ng may marinig akong malakas na tili. Napatingin ako sa pinanggalingan non.

"Putcha naman Althea! Bakit di mo naman sinabi na ang gwapo ng boyfriend mo!?" Ani Angie habang tumabi sa akin at pinupunasan ako ng panyo sabay punas din non sa sarili niya.

Ano ako poon?!

Tinampal ko ang kamay niya at sinimangutan siya.

"Ano ba 'yang ginagawa mo Angie?" Naaalibadbarang sikmal ko sa babae.

"Pinupunasan ko ang laway mo kiri! Tumutulo na eh!" Anito sabay nagtawa ng malakas na ikinangiti ko.

Obvious na obvious ba? Sino bang hindi maglalaway sa ganon!

"Beh, anong gayuma meron ka? Pahingi! Gagayumahin ko lang ang professor naten sa Math para i-uno na niya ako." Biro ni Angie sa akin na ikinaingos ng nguso ko.

"Gayuma ka dyan! Wala ah, sadyang habulin lang ako ng mga gwapo!"  Pabirong sagot ko na ikinatawa naming pareho.

"Pero di nga beh?" Seryosong ulit muli ni Angie habang naglalakad na kami sa corridor

"Boyfriend mo 'yun?" Curious na anito

"Hindi pa. Nanliligaw pa lang siya." Nangingiting sagot ko na ikinalaki ng mata ni Angie.

"Ay 'day ang haba ng hair mo! Pahair cut ka din minsan at ikabit mo sa akin baka sakali umepek sken ang sumpa ng mga habulin!" Ani Angie na ikinatawa ko ng malakas.

"Loka ka talaga!" Aniko sa babae. Nakarating na kami sa room namin at naupo. Wala pa ang professor kaya tumabi muli sa akin si Angie at bumulong.

"Nakita mo ba ang mga haliparot kanina? Halos magluwaan ang mata ng makita ang kasama mo! Kung ako sayo beh, sasagutin ko na 'yang si papabols mo. Mahirap na baka maunahan ka pa ng iba eh mukhang tumitibok na din naman ang pu...so! Nasa huli ang pagsisisi, ikaw din!" Ani Angie na tinawanan ko na lang muli. Bumalik na din siya sa upuan niya ng dumating na ang professor namin.

Ang mga sinabi ni Angie ang laman ng isip ko buong klase. May punto din naman si Angie. Sa gwapong 'yun ni Howard malamang andami ko talagang kakompetensya. Kung ako nga 'di makapaniwala na ako na isang estudyante at simpleng babae ay magugustuhan ng isang tulad niya. Lalo na siguro ang iba. Wala akong binatbat sa mga nakakasalamuha marahil ng binata.

Ang tinakbo ng isip ko ay may bahagyang kurot sa puso ko pero mas pinanghawakan ko na lang ang sinabi ng binata na gusto niya ako. At palagay ko, gustong gusto ko siya!

Hounding Howard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon