Althea POV
"Bakit ka naman namin tutulungan?"mataray na ani ng kausap ko na nagpabuntong hininga sa akin. Ini-expect ko ng ganito ang magiging rection nya sa paghingi ko ng tulong.
"Ate!" Saway na tawag naman ni Vanna sa huli.
"Ignore her Althea!Of course, we will help you!" Masayang pahayag naman ng nakangiting si Vanna.
"Salamat." Aniko na gumanti ng ngiti kay Vanna.
"I wont! I warned you before to stop hurting him! Kasalanan mo bakit lagalag muli si Howard. Hindi na namin sya makikita at makakasama. Ngayon nagsisisi ako bakit sinabi kong habulin ka nya sa New York!" Matalim na ani Macky sa akin at tinanggap ko iyon. Kasalanan ko naman talaga.
"She's sorry na naman diba? And now she's trying to save their marriage. Everybody deserves second chances Ate Macky, especially if its about love. Alam mo yan dahil second chance din ang sa inyo ni Kuya Blaze. And I think kuya Howy is still inlove with her." Nakangiti pa ding pahayag ni Vanna na muli kong ikinangiti.
"Thanks. I love him too. Nabulagan lang talaga ako ng galit sa pag aakalang pinaikot nya lang ako." Aniko sa kanila
"Hmp! Sinabi ko na sa'yo yan dati. Hindi ka nakinig. Hindi si Howard ang tipo ng lalaki na pabigla bigla, kaya alam kong sigurado sya ng pakasalan ka nya. At kung iniisip mo yung mga biro nya nung narinig mo kaming nag uusap, ginawa nya yun dahil nahihiya syang umamin na patay na patay sya sayo!" Ani Macky na ikinatango ko. Alam ko na rin ang lahat ng iyon. Sinabi na din sa akin ni Howard.
"Kung pinakinggan mo lang sana sya dati hindi kayo hahantong sa ganito! Now, I think its too late. I think he already let you go. He told Abuelo na hindi na sya babalik dito." Ani Macky na ikinalaglag ng balikat ko.
Paano na?!
"Pero ate Macky, diba may kontak ka pa nya? Diba ibinigay ni kuya Howy ang bagong number nya sayo?" Ani Vanna sabay kindat sa akin pero ikinangiwi naman ni Macky. Nagpasilip ng pag asa sa akin ang sinabi ni Vanna, bahagya ko din syang nginitian.
"Eh ano ngayon?! Ayoko pa ding kontakin sya para sayo!" Ani Macky sa akin.
Naiintindihan kong galit sya sa akin pero mas lamang ang kagustuhan kong makausap si Howard. Ginagap ko ang kamay ni Macky na ikinagulat nito.
"Macky, please? I want my husband back. I love him. Let us have another chance at love. I promise I wont hurt him again." Pagmamakaawa ko kay Macky.
"Ayoko nga!" Ani Macky sabay agaw ng kamay nya sa pagkakahawak ko. Inismiran nya ako na ikinabuntong hininga kong muli.
Palagay ko ay hindi talaga ako pagbibigyan ni Macky. Galit talaga sya sa ginawa ko kay Howard.
"Sige, salamat na lang sa inyo. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para mahanap ko sya. Aalis na ako." Aniko. Tumayo na ako na nagpatayo din kay Vanna.
"Wait Althea!" Pigil sa akin ni Vanna sabay harap sa katabi nitong si Macky.
"Ate naman! Ibigay mo na ang number ni kuya Howy! Kapatid naten si Althea! Tulungan naman natin sya!" Ani Vanna ng may bahagyang inis na sa maamong mukha nya. Tumaas lang ang kilay ni Macky sa kapatid nya. Sasagot na sana si Macky ng may biglang tumikhim sa likod namin. Napalingon kaming tatlo sa pinto ng salas at naroon ang matanda na may makatawag pansing presensya.
"Narito pala ang lahat ng apo ko." Pahayag nito at naglakad gamit ang gintong tungkod nito.
"Are you here to stay Althea?" Anas muli ng matanda habang titig na titig sa akin.
BINABASA MO ANG
Hounding Howard (COMPLETED)
RomanceIt all started with deceit and it will end with deceit. What if all you believed in was a lie? And the person you trusted the most is the person who will betray you? And in life you thought will be a clean straight line comes a tangle of lies and...