Althea POV
Nauna ng nagpuntang airport si Mark dahil mas una ang flight nya kesa sa akin, tinatamad naman akong sumabay sa kanya kanina dahil alam kong maghihintay lang ako ng matagal sa airport.
I check out of the hotel then waited for the hotel taxi to bring me to the airport ng may biglang tumapat na itim na van sa harapan ko. Tinted ang lahat ng windows nito kaya hindi ko makita ang nasa loob. Napasimangot pa ako dahil natatakpan nila ang daan kung saan inaabangan ko ang taxi.
Lumakad ako palayo ng biglang may humaltak sa bewang ko at sumunod non ay ang kamay sa bibig ko. Inisang buhat ako at ipinasok sa nakabukas na itim na van. Halos hindi ko maintindihan ang lahat ng nangyayari sa sobrang bilis at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa loob ng van. Mabilis ang kilos ng tatlong naka bonnet na lalaki sa loob ng van. Ang isa ay itinali ang kamay ko kasabay ng pagtali din ng isang lalaki sa paa ko, ung isa ay binusalan naman ang bibig ko. Nanlaban ako pero walang epekto ang pagpasag ko dahil nahigpitan na nila ang mga tali sa akin.
Oh my God! Bakit nila ako kinikidnap?!
Pinagmasdan ko ang mga nakalitaw na mga mata ng mga lalaking tumangay sa akin, pero wala akong mamukhaan sa kanila. Ung may kalakihan ang katawan naman ay nakatingin sa kabilang bintana kaya hindi ko makita ang mata nito.
Ano bang kailangan nila? Pera?! Baka rapist sila?! Killer?! Oh my God! Is this how my life will end?!
Halos dalawang oras din kaming bumyahe at ganun ko din katagal pilit na niluluwagan ang pagkakatali sa akin pero talagang mahigpit ang mga iyon. Tumigil ang sasakyan at ung isang lalaki na may kalakihan ang katawan ay hinila ako at binalya sa balikat nya. Nanlaki ang mata ko at pilit sumisigaw pero halos wala ring lumabas na tinig dahil sa busal sa bibig ko. Nanlaki pa lalo ang mata ko ng makita na nasa isang helipad kami na malapit sa dagat. Papunta kami sa chopper na naroon at halos manalangin na ako sa lahat ng santo na wag akong pabayaan na maisakay doon. Pero hindi dininig ang dasal ko ng isakay ako doon ng lalaki.
Oh Lord! Where will they take me?!
"Buckle up." Anas ng boses ng lalaki na nakabonnet sa tabi ko habang ikinakabit ang seatbelt sa akin. Sya ang nagbitbit sa akin at halos lumuwa ang mata ko ng matinigan ko sya. Nagsalubong ang mga mata namin. His eyes are dancing with merriment while mine are as furious as hell. Then he took off his bonnet and my eyes began to shoot daggers at him.
He scared me out of my wits! Akala ko katapusan ko na! Tapos ngayon malalaman ko na sya ang may pakana nito?!
I started cursing him but it all end up in a muffled sound.
"What?! I cant understand you love..." he joked and my brows furrowed more at his sick sense of humor. I started cursing again even if it became a muffled sound because of the hanky in my mouth.
"Mamaya na kita tanggalan sa bibig ha. Ayoko pang mabingi." Nakakalokong anito na lalo ko pang ikinangitngit. Muli kong pinag tuunan ng pansin ang kamay at paa ko na nakatali pa din. Halos manlumo ako ng biglang umandar ang chopper. Sinuotan pa ako ng headset ng katabi ko at halos mapapadyak ako sa inis ng marinig ang pilot na nagsalita mula doon.
"This is C5J71, Alcantara Aviation. I'm your pilot John Jones, it's one in the afternoon and we are taking off." Pagkasabi non ay umangat na kami sa ere at lumipad, kung saan papunta ay hindi ko na alam.
Matagal ding naglakbay ang chopper sa ere at nakapaling lang ako sa bintana buong paglalakbay namin. Ayoko kasing lingunin ang lalaki sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko ng matanaw na pa-approach kami sa isang isla sa gitna ng dagat. Sa may gilid ng isla ay may isang asul at puti na may kalakihan din namang bahay.
Ngayon alam ko na kung saan kami papunta. Doon sa islang iyon. Nanlumo ako ng pababa na ang chopper sa islang paniguradong walang katao tao.
Fvck this! This guy is really pissing me off bigtime!
Lumingon na ako at sinamaan ng tingin ang lalaki na kanina pa nakatitig sa akin. Kahit na nga nakapaling ako sa bintana ay ramdam ko pa din iyong pagtitig nya mula pa ng umangat kami sa ere.
He smiled when my eyes landed on him, and that smile added to my irritation. I just wanted to smack that smile off his face. I just wanted to smack him shìtless! Period.
Pagkalanding namin ay ang lalaki na mismo ang nagtanggal ng headset ko at seatbelt. Nauna syang bumaba at inikutan nya ako at muling isinampay sa kanyang balikat. Nagpapapasag ako at nagsisisigaw pero animoy walang epekto lang yun sa lalaki na nakipagkamay pa sa piloto ng chopper. Pagkatapos ay nag umpisa na syang lumakad papunta sa bahay na may asul na bubong.
Nanlulumong pinanood ko na lang ang chopper na umalis habang nakasabit ako sa balikat ng naglalakad na lalaki.
This guy! Grrr... Hindi ko akalain na magagawa nyang kidnap-in ako?!
What am I gonna do now?! Me and him in this island alone means trouble!
BINABASA MO ANG
Hounding Howard (COMPLETED)
RomanceIt all started with deceit and it will end with deceit. What if all you believed in was a lie? And the person you trusted the most is the person who will betray you? And in life you thought will be a clean straight line comes a tangle of lies and...