9 Against all odds

20.1K 553 4
                                    

Althea POV

"Nababaliw ka na ba Althea?!" Malakas na sigaw ni Kuya Clyde na ikinangiwi ko.

Nakaharap na kami ni Howard kay Kuya at Ate Bree at nagsabi na magpapakasal na kami next week.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko Alcantara?! Mapapatay kitang gago ka!" Malakas na bulyaw muli ni kuya habang akap akap sya ni Ate Bree. Natatarantang humarang naman ako sa pagitan nilang dalawa. Tinignan ko ang reaksyon sa mukha ni Howard pero napakakalma pa rin nito.

"Hubby, huminahon ka naman! I'm sure hindi pabigla bigla ang naging desisyon ng dalawang yan." Ani Ate Bree kay Kuya Clyde.

"Clyde, I am here asking your blessing man! We are getting married no matter what." Ani Howard na lalong ikangitngit ni Kuya Clyde. Alam ko na kung hindi lang si Ate Bree ang nakaakap dito ay kanina pa nito nasuntok at napagbubugbog si Howard.

"Anong kalokohan ito Althea?!" Bulyaw ni Kuya sa akin na halos ikaiyak ko na. Ngayon lang kasi ako sinigawan ng ganito ni kuya. Pero handa akong ipaglaban si Howard. Hinanda ko na ng ilang araw ang sarili ko sa galit ni kuya. Handa akong panindigan si Howard sa kanya kahit ano pang mangyari.

"Kuya, n-nagmamahalan kami ni Howard. G-gusto kong makasal sa kanya." Mahina na sagot ko.

"Tangna mo Alcantara! Binuntis mo ba ang kapatid ko? Ginalaw mo bang gago ka?!" Nanggagalaiti na ani Kuya Clyde.

"No. I respect your sister too much to do that to her." Mahinahon na sagot ni Howard.

"Hubby, mukha namang nagmamahalan sila ni Althea. Huminahon ka naman asawa ko." Malambing na ani Ate Bree.

"Hindi! Ang bata pa ni Althea! Nag aaral pa nga iyan! Kung meron mang mali dito ay yang kaibigan mo! Sinamantala nya ang kainosentihan ng kapatid ko!" Sagot ni Kuya kay ate Bree

"Pero Hubby, hindi na din naman ganon kabata si Althea. Nineteen na sya. Kaya na din naman nyang magdesisyon at mukhang nagmamahalan naman sila. Sino tayo para pigilan yun?" Sagot naman ni Ate Bree.

"Basta hindi ako makakapayag!" Malakas na sigaw ni Kuya na nagpasinghap sa akin.

"Narinig mo Alcantara! Hindi ako makakapayag na makasal ang kapatid ko sayo!" Sigaw ni kuya habang nakatingin kay Howard na wala pa din reaksyon sa mukha at nananatili ang pagkakalma nito.

"Well then I dont need your blessing. But I would like to tell you that I will fight for her. I will marry her with or without your blessing." Ani Howard kay Kuya Clyde na muli kong ikinasinghap.

"Baka nakakalimutan mo ang edad ng kapatid ko! Kailangan nya ng consent ng guardian kung gusto man nyang makasal! At kahit kailan ay hindi ko yun ibibigay sayo!" Nanggagalaiti pa ring sagot ni Kuya Clyde.

"I understand De Vega." Ani Howard at binalingan nya ako ng may naglalarong ngisi sa labi nya.

"Would you like to runaway with me?" Ani Howard sa akin na ikinalaglag ng panga ko.

"Aba't gago ka talagang hinayupak ka!" Galit na galit na ani Kuya habang mahigpit naman itong yakap ni Ate Bree.

"Howard! Stop messing it up!" Galit na ani Ate Bree kay Howard na ngumisi lang sa kaibigan nito.

"Hubby, calm down. Nagbibiro lang siya." Ani Ate Bree sa asawa.

"Nakuha mo pang magbirong gago ka! 'Yan ba ang gusto mo Althea?! Shìt naman! Althea! Break up with that guy! He is a walking fvck up àsshöle!" Dumadagundong na ani kuya sa akin.

"Kuya Clyde! Stop this! Hindi ako makikipagbreak kay Howard! For once please, trust me and let me make my own decision! I love Howard kuya and I want to marry him! Please kuya let us get married." Maiyak iyak pero pagmamakaawa ko na sagot kay Kuya Clyde.

"Althea! You are asking too much! Bata ka pa, hindi mo naiintindihan ang mga hinihingi mo. Ako ang nagpalaki sayo, Althea, please maniwala ka sa akin dahil pagkakamali ang magpakasal ka sa lalaking 'yan!"pakiusap na sagot ni Kuya Clyde na lalo ko ng ikinahagulgol.

"Althea, Howard give us time to think about this. Althea, Ihatid mo muna si Howard at mag-uusap lang kami ng kuya mo." Ani Ate Bree

"There is nothing to think about wifey. Buo na ang desisyon ko, umpisa pa lang!" Bawi naman ni kuya Clyde na ikinabuntong hininga ni Howard.

"Love, I think I should go. But I promise I'll never give up on us." Ani Howard habang pinapalis ang luha ko sa pisngi at matamang nakatitig sa akin.

"Take your filthy hands off my sister, Alcantara!" Warning na sigaw pa din ni kuya na ikinatawa ng mahina ni Howard.

"Ward, you should go." Ani Ate Bree na tinanguan lang ni Howard at muling bumaling sa akin.

"See you soon, love." Anito sa akin na tinanguan ko na lang at ngumiti siya sa akin. It's as if he is reassuring me that everything will be all right. Then he walk away, leaving the three of us.

Binitawan na ni Ate Bree si Kuya Clyde and I saw how he looked at me with disappointment written all over his face.

"I've raised you Althea. I raised you all by myself. You were my only family and I tried to give you everything! Everything that I can! I tried my best to be your brother, your mother and your father! Now listen to me this time, stop your relationship with that guy. You dont know what your putting yourself into!" Ani kuya na muling ikinaluha ko.  Alam ko na malaki ang utang na loob ko kay kuya at siya na lang ang tanging pamilya ko. Alam ko ang lahat ng naging sakripisyo niya para sa akin pero paano naman ang kaligayahan ko?

"Please kuya, understand me please. I love Howard and I want to marry him. I know you've been my only family and I appreciate everything you did for me. I love you kuya but I wont let him go." Madiin at puno ng tapang na sagot ko kay kuya na ikinailing nito. Halata ang pagkadismaya niya sa sagot ko.

"No matter what you say Althea, I will not give my consent! That is final!" Sagot ni kuya na lalo kong ikinalumo.

"You are so selfish kuya! Howard is my happiness and you are taking my happiness away from me!" Madamdamin kong sagot kay Kuya at tumakbo na ako paakyat ng hagdan at patungo sa kwarto ko. Useless ang makipag-usap kay kuya dahil mukhang wala ng makatitibag ng desisyon niya. Halata iyon sa mga mata niya habang nagsasalita siya.

Narinig ko pa ang galit na tawag sa akin ni kuya pero hindi ko na iyon pinansin at sinara pabalibag ang pinto ng kwarto ko.

I wont let my brother break us apart.

Hounding Howard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon