10 Sisters

21.3K 548 11
                                    

Althea POV

Nakipagkita sa akin si Howard, dalawang araw mula ng magtapat kami kila kuya at Ate Bree.

Nasa yate kaming muli at kasalukuyang nakaupo sa upper deck kung saan nangyari ang first kiss at propasal ni Howard.

"Love, Do you trust me?" Ani Howard na ikinatango ko sabay sagot ng oo.

"Are you still willing to marry me?" Anito na titig na titig sa akin.

"Oo naman, pero ayaw ibigay ni kuya ang consent nya." Malungkot na sagot ko sa kanya.

"I found a way to get us married but it has to be done tomorrow love, are you willing to marry me in secret?" Anito na ikinasinghap ko.

"Paano mo nagawan ng paraan yun?" Paos sa gulat na tanong ko sa kanya.

"I found a way. Dont mistake it Althea. Our marriage will be a valid one. Even your brother cant make it invalid. Now, it's all up to you love, will you still go with it? Will you still marry me?" Madamdaming ani Howard na halos ikatigil ng pagtibok ng puso ko at halata din ang kaba sa mukha ni Howard habang nakatitig sya sa akin.

"Of course I'll marry you!" Sagot ko na ikinalapad ng ngiti ni Howard.

"Stay with me tonight love. I will not let you go this time and we'll marry first thing in the morning!" Masayang anunsyo ni Howard. Mahigpit kaming nagyakap at sabik na hinalikan nya ako. I know I made the right decision. I love him and it will never be wrong to marry someone you love.

----

Dress in a lacey white above the knee dress, I become Mrs. Alcantara with the district judge as our marriage officiant at a sunny noon.

May makapal na papeles lang na pinapirma sa akin si Howard at kasama na rin ang marriage contract namin. Nagtaka pa ako kung ano iyon pero sinabi lang ni Howard na para raw iyon makasal kami at para maging opisyal ang kasal na naganap. Pinagkakatiwalaan ko naman si Howard kaya buong lugod na pumirma nalang ako sa mga nilahad nyang papel kahit hindi pa binasa iyon.

There is also an old man in a cane na naging witness ng kasal namin. Sabi ni Howard ay ito na daw ang naging pamilya nya dito sa Pilipinas kaya ito ang naging witness namin.

Everything went smooth and I cannot even describe how happy I am. I felt like floating in the bubble of happiness. Finally, I am now a married woman and luckily to the person I love most.

"Congrats apo! I am happy to finally meet you. I knew this day will come." Anas ng matandang lalaki na inakap pa ako.

"Salamat po lolo." Aniko sa matandang lalaki at gumanti din ng yakap dito.

"Call me Abuelo. That's what all my grandchilden calls me." Anito na ikinataba ng puso ko sa matanda. Kung ganon ay talaga pa lang tanggap na tanggap ako ng matanda para sa apu-apohan nitong si Howard. The thoughtfullness of the old man warms my heart.

"Abuelo, sa mansyon na ba tayo tutuloy?" Ani Howard sa matanda.

"Oo. Nagpahanda ako ng magarbong salo salo para sa inyong bagong kasal. Nasa bahay na din sila Cara at Vanna." Anas ng matanda, halata ang pagka excited nito. Mukha ngang mas excited pa ang matanda kesa sa amin. Natawa si Howard at tinapik tapik ang likod ng matanda.

"Abuelo talaga. Hindi nyo na ho kailangan pang magpahanda ng magarbo. Aalis din naman kami agad ni Althea para sa honeymoon namin sa Greece. Mamayang hatinggabi na ang flight namin." Ani Howard sa matanda na ikinaingos nito.

Hounding Howard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon