1 // @DillonFarell

192 3 0
                                    

CHAPTER 1:

Zev Dela Gracel's POV

Hayy salamat. Natapos din! This flag ceremony thingy is getting really really boring. Araw araw na lang, paulit-ulit. Narealize ko lang na ang aga kong gumising para lang sa nakakayamot na flag ceremony na toh. Ugh!

"Psst! Zev!" May narinig akong sigaw, boses lalaki. Huh? Ako ba yung tinatawag nun?

Luminga linga ako hanggang sa nakita ko ang isang malaking lalaking itinuturo ang katabi niya, si Dillon Farell. Na naka-poker face lang, as usual. Sino bang di makakakilala sa kanya? Everyone knows him, "The Basketball Varsity Captain slash The school most famous Heartrob" ika nga nila.

Actually, kamuka niya si Zac Efron. As in. Kapag nakita mo sya matutulala ka talaga. Di ka tanggap tanggap ang kagwapohan niya. At ang misteryoso nya. Seryoso, nakakaintriga at the same time nakaka-akit ang mga ganung klaseng lalaki, and he is one of them.

Teka nga. Ba't ba ako tinawag ng lalaking yun? Para ituro si Dillon? For what?!

Itatanong ko pa sana kung bakit, kaya lang di ko namalayang umuusad na pala ang pila naming mga babae. Time na kasi ng klase. Nagaakyatan na ang mga estudyante para magpunta sa kani-kanilang classroom.

Ano na naman kayang problema nun sakin?! For sure nang-iinis lang yon, mga walang magawa sa buhay. Bwiset. -__-

Umpisa pa lang ng 4th year HS namin, iniinis na ako ng mga kaibigan nya sa kanya. Naging crush ko kasi si Dillon, DATI. Take note, past tense!

May girlfriend kasi siya eh. Ayoko. Nirerespeto ko yung relasyon nilang dalawa. Mukhang mahal na mahal pa naman nila ang isa't isa. Ang Perfect nga nilang tingnan eh. Magwa-one year na din sila tomorrow. February 14.

Ayun nalaman nila, dahil sa bestfriend kong madaldal na si Lyle!! Loko lokong yun, napaka-careless. Ayan nalaman tuloy ng mga kabarkada ni Dillon, pati na rin ni Dillon. Feeling nya naman crush ko pa rin sya, feeler din ang isang yun eh!!!

-----

"Goodmorning class! Valentines Day na bukas. That means, half-day lang tayo tomorrow!!" sabi ni Ma'am Aura na tuwang tuwa. Hahaha. Sya talaga yung klase ng teacher na parang estudyante lang. Sabagay 28 pa lang naman si Ma'am.

Nagsisigaw naman sa tuwa yung mga babaeng may lovelife. Well tho. Haha! I'm happy, coz it means more sleep tomorrow! Yay!!!

------

Tapos na ang klase! Nag-discuss at lecture lang naman kami. Valentines Day na bukas! May event bukas, para icelebrate ang Valentines Day at the same B-Day kasi ng Principal namin.

Hayy. Naka-uwi rin ng bahay. Buti na lang di ko na na-encouter sila Dillon. Puro kalokohan naman ang alam ng mga iyon. Mamaya magalit pa sakin yung girlfriend ni Dillon eh dahil sa kanila. -__-

"Baby sis! Ano yung naririnig ko kay Papa ahhh?!" tanong ni Kuya Zaid sakin. Huh? Ano naman kaya yun?

"What what?" tiningnan niya ako ng mapag-duda. What?! Wala talaga akong alam!

Tinawag ni Kuya si Papa. Nagmamaang-maangan daw ako. Parang tanga si Kuya. Talk about being OA. Hahaha. Lol.

Steal His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon