CHAPTER THREE

12.6K 465 62
                                    

A/N: Dedicated tot he first commenter.

**********

"Filipa Natalia Ferrer?" pagkokompirma ng matandang puti. Nakatingin ito sa papel na hawak-hawak niya bago napasulyap sa akin.

Nginitian ko siya at sinagot ng, "Yes, sir. That's me."

Napatingin uli ang lalaki sa hawak-hawak na papel bago humarap sa akin. Letse, nahalata ba niyang three years ago pa ang nilagay kong picture sa resume ko? Nakakainis naman! Akala ko madali akong makalusot dahil ang tanda na niya.

Binigyan niya ako ng mapaklang ngiti at sinabihang sumunod sa kanya. Pumasok kami sa loob ng isang maluwang na silid. Walang laman iyon bukod sa dalawang upuan na magkaharap. Palagay ko'y isa iyon sa mga classrooms ng mga bata dahil puno ang dingding ng mga nakadikit na alphabet posters at larawan ng samo't saring hayop at bulaklak.

"Have a seat," sabi ng mama.

Kimi akong naupo sa isang folding chair at humarap sa kanya. Sinikap kong ituwid ang mga balikat kahit na hindi ako masyadong komportable sa maliit na upuan. Nagmistulang upuan ng duwende ang silya nang maupo na rin sa harapan ko ang matandang lalaki dahil sa sobrang laki niyang tao.

"So---you consider yourself a native speaker?"

Nagulat ako sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot do'n kahit na ilang oras akong nag-ensayo para sa interbyung ito kagabi. Paano nga ba sasagutin iyon ng isang Pinoy na alam ng lahat na kahit magaling umenglis ay hindi kinikilalang native speaker ng naturang lenggwahe?

"We've actually advertised for a native speaker," patuloy pa nito. Para bagang sinasabi na bakit ka nag-apply gayong hindi ka naman native speaker? Napika ako. Gusto ko rin sana siyang sagutin na bakit mo ako pinatawag para sa intereview gayong iniisip mong hindi naman ako ang hinahanap mong aplikante? Ganunpaman, nagtimpi ako. Pinahupa ko agad ang namumuong galit at ngumiti sa kanya.

"I may not be a native speaker but I have a teaching license and a TEFL certificate so I feel I am qualified for the job."

Hiningi niya agad ang sinasabi kong mga sertipiko. Binigay ko naman agad iyon sa kanya. Tumayo siya at sinabihan akong hintayin ko na lang daw siya roon habang pinapa-photocopy niya ang mga iyon. Pagbalik niya, sinoli niya rin sa akin ang original copy at tinanong ako tungkol sa karanasan ko sa pagtuturo. Napatikhim-tikhim ako dahil sa larangang iyon ay wala akong gaanong masabi bukod sa practice teaching ko no'ng college. Medyo umasim ang kanyang mukha. Makaraan ang ilang sandali, pinasalamatan na niya ako at sinabihang hintayin ko na lang daw ang tawag nila kung tanggap ako o ano. Nanlupaypay akong lumabas ng silid na iyon. I didn't feel good about the interview.

Dahil siguro abala ang diwa ko sa pag-aanalisa ng mga sinagot ko sa mama, hindi ko namalayan na naging berde na pala ang ilaw trapiko. Naabutan ako no'n sa gitna ng highway. Nagulat pa ako nang binusinahan ng kung ilang sasakyan. Napatakbo agad ako papunta sana sa gilid, pero bigla ring napahinto nang may lumusot na humahagibis na sasakyan. Muntik na akong mahagip no'n. Ang sumunod sa kanya'y napapreno nang wala sa oras. Nakakarindi sa pandinig ang parang pagkiskis ng gulong sa aspaltong daan. Pinagtinginan ako ng mga Hapon nang makarating na ako sa tabi. Narinig ko pa silang nagsabi sa Nihongo ng, "Foreigner kasi, e." At napailing-iling pa. I felt so stupid. Tatakbo na lang sana ako sa JR Osaka station sa hindi kalayuan nang may parang tumatawag sa akin. Paglingon ko, nasa labas na ng kotse niya ang isang mama at tila galit na galit.

"Ako ba?" tanong ko sa kanya sa Japanese.

"Oh no! Iyong anino mo ang tinatawag ko," sarkastiko niyang sagot. Nangunot ang noo ko pagkarinig sa boses niya. Nang tanggalin niya ang sunglasses, saka ko nakilala ang hinayupak. Ang hambog na Hapong anak ng kaibigan ni Tita Chayong.

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon