CHAPTER TWENTY-ONE

10.1K 395 48
                                    

Pag-uwi ko ng bahay nando'n na si Tita Chayong at mukhang hindi maganda ang timpla. May hinagis agad itong pahayagan sa paanan ko. Dinampot ko naman iyon at nakakunot ang noong tiningnan siya, tapos ang headline sa diyaryo.

"Ano ba'ng pinaggagawa mo kagabi, ha?" asik nito sa akin.

"Bakit po?" nagtataka kong tanong. Pinaningkitan ko uli ang headline ng hawak-hawak na Yomiuri Shimbun (name of Japanese newspaper). Nakita ko ang naka-side view na kabuuan ni Kaito habang tinatadyakan nito ang isang security personnel ng pinagdausan ng fashion show kagabi. Sa itaas ng larawan ay may nakasulat na malalaking kanji characters. Pilit ko mang iniintindi ang mga iyon talagang hindi sakop ng napag-aralan ko. Wala akong naitindihan.

"Anong bakit po?" Pinandilatan na ako ni Tita at dinuru-duro ang headline.

"Nakakabasa na kayo ng Japanese?!"

Galit niya akong pinamaywangan. Huwag daw akong pilosopo.

"Huwag mong iniiba ang usapan! Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ibig sabihin niyan. Saan kayo nagpunta ni Kaito kagabi? At ano'ng pinaggagawa mo?!"

Bago ko pa masagot si Tita Chayong, tumunog ang telepono sa bahay. Kahit hindi ko naririnig ang sinasabi ng kausap niya, nabatid ko agad na tungkol sa headline news ang pinag-uusapan nila. Naintriga tuloy ako kung sino ang caller. At nakaramdam na rin ng pangamba.

Hindi na bumalik sa harapan ko si Tita Chayong. Pumasok agad ito sa kuwarto at nagbihis. Mag-lock daw ako ng pinto dahil babalik na siya ng omise niya.

Kaaalis lang niya nang may dumating naman akong panauhin. Si Miss Amane. Nakaramdam agad ako ng inis. How dare she! May mukha pang ipapakita sa akin sa kabila ng ginawa niya? Kahit hindi pinaliwanag ni Kaito kagabi ang pinasuot sa aking t-shirt ng friend niyang fashion designer kuno, nabatid kong masama iyon. Bakit niya ako nilagay sa ganoong kahihiyan?

"Fereru-san! Mabuti't naabutan kita rito sa inyo," sabi niya sa pa-sweet at pinakamagalang niyang Nihongo. "Hindi ko alam kung paano ko ihihingi ng dispensa ang nangyari kagabi. Nakarating sa akin ang balita na napahiya ka raw sa fashion show ng friend ko." Kasabay ng paghingi ng paumanhin ay yumuko ito sa harapan ko nang halos hanggang baywang. Nabigla ako. Hindi ko iyon inaasahan sa isang kagaya niya. Kung naiinis man ako kanina sa kanya, bigla iyong naglaho. Kalituhan ang pumalit sa galit ko.

"Nais kong iparating sa iyo na sukdulan ang hiya ko sa ginawa ng aking kaibigan. Sana mapatawad mo ako."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Kanina lang ay gusto kong ibalibag sa pagmumukha niya ang pintuan pero ngayo'y nagawa ko pa siyang imbitahan sa loob ng pamamahay namin.

"Pasensya na talaga sa nangyari. Alam mo kasi'y controversial talaga ang mga obra ng kaibigan ko. Sa dami ng kakompetensya sa larangan ng fashion, minsan ay kailangan talagang gumawa ka ng eksena para pag-usapan ng mga tao. But rest assured, hindi iyon sadya. Wala itong personalan, trabaho lang talaga."

Para raw patunayang nagsasabi siya ng totoo, tinawagan niya ang kaibigan. Mayamaya'y sumulpot ito sa pintuan namin. Kagaya ni Miss Amane ay yumuko din ito sa harapan ko tanda ng taos-pusong paghingi ng paumanhin.

**********

"Ano ba ang pinaggagawa mo kagabi?" nag-aalalang tanong ni Akio pagkakita sa aking pumasok ng upisina nang umagang iyon. Hindi pa ako nakakaupo sa swivel chair ko'y binagsak na nito sa mesa ko ang tatlong daily newspapers ng Osaka. Pinasadahan ko lang ng tingin ang headline ng mga iyon at nagbukas na agad ng laptop. Hindi ko siya pinansin. From the corner of my eye, I saw him grabbed a chair and sat in front of my desk.

"Tumawag kanina ang head ng Nintendo. Ang sabi niya, napag-isip-isip daw nilang wrong timing ang balak nating pagsanib puwersa para sa isang video game project. Kinakansela na nila ang agreement natin."

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon