A/N: Dahil ang unang nag-comment ay nabigyan na ng dedication, I chose the third one dahil wala pa siya. Salamat sa lahat na nag-comment especially to MaryGraceDumasis dahil sa masipag siyang magkomento. LOL!
**********
Nandito na naman ang mga bulate. Asikasuhin mo nga iyan, Pipay! Last week pa ako hindi nadidiligan kaya ayaw kong may mambuwisit sa akin ngayon!"
Pagtingin ko sa entrance ng omise nakita ko sina Kaito at Akio. Kausap nila ang Tita Chayong ko na magiliw silang pinapasok sa loob. Sinundan ko naman ng tingin si Ate Roselda na sa mga oras na iyon ay nagdabog papasok sa private room. Naiwang naghahagikhikan ang dalawang entertainers ni Tita.
"Ano'ng nangyari sa babaeng iyon?" tanong ko sa dalawa. Sinikap kong huwag lumingon kahit na naramdaman ko na ang pagdaan nila Kaito at Akio sa likuran ko.
"Inisnab no'ng maliit last time si Ate Roselda. Pagkaalis ng kasama niya sa table, umalis din siya. Nagparinig pa sana sa kanya si Ate Roselda na kahit free ay okay lang, pero ngumiti-ngiti lang si Bulate."
Napailing-iling ako. Si Ate Roselda talaga, oo.
"O, Pipay, dalhin mo na itong dalawang San Miguel beer kina Kaito. Pagbutihin mo ang pagsisilbi," mando agad ni Tita Chayong nang makalapit sa akin. Ipapasa ko pa sana kay Annie, ang isa sa mga entertainers ang dalawang bote ng beer pero pinandilatan na ako ni Tita. Napilitan akong dalhin ang mga iyon kina Kaito.
"Mayroon pa ho ba kayong order?" tanong ko, sa kasama niya ako nakatingin.
"Tulad pa rin ng dati. Isang platitong mani."
Tatalikod na sana ako nang pigilan ako ni Kaito. Kaagad kong inagaw ang braso kong hinawakan niya. Para kasi akong nakuryente. Nagulat ako sa naging epekto ng hawak niya sa akin. Hindi naman iyon ang first time na nahawakan niya ako kung bakit no'n lang ako nagkagano'n. Nakita kong nairita siya sa ginawa ko. Naningkit lalo ang singkit niyang mga mata at tinitigan ako nang matalim. Inirapan ko siya.
"May nakalimutan pa ho ba kayong orderin?" tanong ko. Sa kasama niya ako uli tumingin.
Napangiti ang lalaki at napakagat ng lower lip. Parang pinipigilan lang nito ang pagtawa. Tumingin ito kay Kaito at nagtanong kung may gusto pa itong ipahabol, pero binagsak na lang nito ang menu sa mesa at sumandal sa upuan.
"Gusto ko sana ng chicken barbeque pero ang arte ng taga-silbi, huwag na lang!"
"Idadagdag ko ba ang chicken barbeque, sir?" tanong ko sa kasama niya. Napatingin uli ito kay Kaito. This time ay hindi na ito nagpigil. Napatawa na ito nang malakas sabay senyas sa akin na okay lang idagdag iyong chicken barbeque.
Pagdating ko sa counter, inusisa agad ako ni Tita Chayong kung ano'ng nangyari at tila naimbyerna si Kaito.
"Wala po. Alam n'yo naman iyon, sira-ulo."
"Ano na naman ba ang sinabi mo? Nahahawa ka na kay Roselda. Huwag ka na ngang makipag-usap sa babaeng iyon. Kung anu-ano ang natutunan mo sa kanya, e. Tandaan mo, hindi lahat ng magkasinglahi ay pare-pareho."
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tita. Saan naman galing ang hugot na iyon?
"Wala nga po. Mainitin lang talaga ng ulo iyang alaga n'yo. Ang dali mapikon."
Si Tita Chayong na ang naghatid ng isang platitong mani at chicken barbeque sa table nila Kaito. Narinig ko pang humingi ito ng dispensa sa kung ano man ang sinabi ko na ikinagalit daw ng binata. Mabilis namang nagsabi ang damuho na huwag na raw iyong alalahanin ni Tita dahil wala raw iyon. Mayamaya pa'y nakipagtawanan na ito sa tiyahin ko. No'n ko lang siya narinig na tumatawa nang ganoon. Napabilib tuloy ako kay Tita.
BINABASA MO ANG
SUKIYAKI (COMPLETED)
RomanceSiya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang magsasaka. Simple lamang ang pangarap niya sa buhay. Mabigyan ng maginhawang buhay ang mga magulang at kapatid. At isa lamang ang naiisip niyan...