CHAPTER TWENTY-NINE

9.6K 369 28
                                    

Napakamot-kamot si Kaito habang ako nama'y namula na parang hinog na kamatis. Dali-dali kong tinakpan ng tuwalya ang sarili. Sa tabi namin ay nando'n si Tita Chayong na patuloy pa rin sa paglilitanya. Kinuha nito si baby sa kuna at sinimangutan kami.

"Bahala na kayong gumawa ng milagro diyan dahil nakuha ko na ang bata. Ni walang pakundangan sa batang musmos na maaaring makasaksi!" singhal pa nito sa amin bago tuluyang nagtungo sa kuwarto.

"Ikaw kasi, e! Nakakainis ka! Inakala tuloy ni Tita Chayong na may ginagawa tayong masama!"

"Wala ba?" nakangising sagot ng damuho. May kislap ng kapilyuhan ang mga mata.

"Ano ka?!"

Tumawa siya nang mahina. Nanlambot ang mga tuhod ko, pero nilabanan ko iyon. Kaagad akong tumalikod sa kanya at dinampot ang hinubad kong blusa at bra. Sinundan ko si Tita Chayong sa kuwarto at doon nagpaliwanag. Hindi niya ako kinibo. Parang wala lang ako ro'n habang pinaghehele niya ang anak ko. Tumahimik ako't nagpalit na lang ng damit. Paglabas ko ng silid, nandoon pa rin si Kaito. Nakasandal ito sa dingding malapit sa TV habang nakapamulsa. May kausap siya sa cell phone niya.

"Good job! Sure, sure, sure. Makukuha mo ang pinangako kong bonus sa oras na mapasaakin na ang mga dokumento. Just make sure na walang makakaalam niyan."

Napansin siguro niya na hindi na siya nag-iisa sa sala dahil bigla na lang siyang nagpaalam sa kausap. Kahit wala sana akong balak na kibuin siya, curiosity got the better of me kung kaya naitanong ko kung tungkol sa ano ang sinabi niya sa telepono. Umiling lang siya at binulsa na ang cell phone. Sinimangutan ko naman siya.

"Nag-usap na kami kanina ni Chayong-san. Babalik na kayo sa Ibaraki sa lalong madaling panahon. I already got you a place there."

Nangunot ang noo ko. Ano ang tingin niya sa amin? Manikang de-susi na kung kailan niya pakikilusin saka naman awtomatikong kikilos? Sawang-sawa na ako sa maya't maya'y pag-iimpake.

"Tahimik na ang buhay namin dito sa Shiga. Ba't pa kami babalik ng Ibaraki? Mapapalapit lang kami sa papa mo na hanggang ngayon ay hindi namin sigurado ang pag-iisip. Baka mamaya niyan ay drama lang niya ang lahat. Gusto pala kaming mapalapit sa kanya nang sa gano'n ay mabilis magawan ng masama."

Napakislot si Kaito. Tila nasaktan.

"Hindi ganyan ang papa ko."

"Ows? Muntik ka na niya mapatay, remember?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay sumilip lang sa kuwarto kung saan si Tita Chayong at nagpaalam na itong umalis. Lumapit din siya sa akin at nagtangka sanang humalik sa pisngi ko pero iniwas ko iyon. Napahinga siya nang malalim.

"All right. That can wait. Don't forget to pack. Dadaanan kayo ni Akio rito later."

Pagkasabi no'n ay lumabas na siya ng bahay. Hinabol ko pa sana ang damuho pero mabilis na siyang nakasakay ng sports car niya. Nainis ako.

Pagbalik ko sa loob, nasa kusina na ang tiyahin ko at abala sa pag-iimpake ng mga gamit namin.

"Tumulong ka na. Ang dami pa nating iimpakehin at hindi pa tayo nakakapagsimula."

"Naniwala ka naman do'n sa ungas na iyon? Paano kung pakana lang ito ng ama niya? Paano kung hindi pala tuluyang okay sa kanila na makipag-ugnayan pa rin si Kaito sa akin? Sa amin ng anak ko?"

"Ang dami mong duda pero kung hindi kita naabutan titihaya ka na naman sa lalaking iyon? Tumigil ka na nga! Mag-impake ka na lang!"

Tinalikuran na naman ako ni Tita Chayong. Napahalukipkip na lang ako sabay tapon ng masamang tingin sa direksyon niya.

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon