CHAPTER FIFTEEN

10.5K 411 22
                                    

A/N:  Pasensya sa once in a blue moon na update. Busy lang ang lola n'yo sa career niya.

**********

"Ferreru-sensei!"

Paglingon ko, nakita ko si Miss Amane sa bandang harapan ng Hankyu Department Store at kumakaway ito sa akin. May dala-dala itong dalawang malalaking brown paper bags ng Louis Vuitton. As usual, mukha na naman itong galing sa isang fashion photo shoot. At tulad ng isang ramp model ay graceful itong naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Napadako agad ang tingin ko sa malalaking perlas na umalog-alog sa magkabila niyang tainga. Tingin ko kahit isang pares lang no'n ay katumbas na ng kailangan naming pera ngayon ni Tita Chayong. Nang maalala ko ang tiyahin, bigla na naman akong nalungkot. But I have to keep a cheerful face in front of this woman.

"Kumusta ka, Ferreru-sensei? Nakarating sa akin ang balita na nasunugan daw kayo? Paano na? Saan na kayo nakatira kung ganoon?" sunud-sunod niyang tanong sa akin sa malumanay at magalang na Nihongo.

"Ang mise lang ng tiyahin ko ang nasunog, hindi ang apartment namin. Mabuti naman kami."

Napatakip siya ng bibig sa paraang parang na-shocked na may halong awa sa akin.

"Paano na iyan ngayon? Hindi ba't iyon lamang ang ikinabubuhay ng tiyahin mo? Mabuti na lang pala at may trabaho ka ngayon. Naku, naku..."

She sounded so concern, pero ewan ko ba, parang may mali. Hindi ko maramdaman ang sinseridad niya. Siguro dahil sa sobrang closeness niya kay Kaito.

Pilit kong itinaboy ang mga isiping iyon. Ngumiti ako sa kanya at nagsabing huwag niya kaming alalahanin dahil wala namang naano sa mga kaibigan namin.

"Kailangan mo ba ng tulong pinansiyal? Maari kitang pahiramin ng pera." Dumukot agad ito ng Hermes wallet niya sa kanyang Chanel bag. Nagkuwenta na naman ako kung magkano ang mga iyon. Pati na ang nakita kong malaking bato ng ruby sa singsing na suut-suot niya sa kaliwang hintuturo.

Ano ka ba, Filipa? Kanina ka pa!

Nang makita ko siyang naglabas ng kung ilang lapad, saka lang ako nahimasmasan.

"Oh no! Maraming salamat, Miss Amane, pero hindi naman kami nangangailangan ng pera. Katunayan nga, may nakuha pa kami sa fire insurance company para panimula uli ng negosyo ng tiyahin ko," pagsisinungaling ko.

Ang totoo niyan, kinakaso pa namin ang benepisyong makukuha sana namin sa naturang kompanya ng insurance. Ayon daw kasi sa imbestigasyon nila, hindi aksidente ang sunog. Sinadya raw ito kung kaya pinagdududahan nila ang tiyahin ko sampo ng kanyang mga entertainers na sila-sila lang daw ang may gawa ng sunog para makakuha ng insurance money.

Napahugot siya ng malalim na hininga na tila nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Mabuti naman pala kung ganoon. Nag-alala talaga ako sa inyo, e." At ngumiti na naman siya, Sinuklian ko rin iyon ng kiming ngiti. I felt a bit bad because I was not convinced of her sincerity. For all I know pala, talagang nag-worry siya sa amin.

"O sige, Miss Amane. Mauuna na ako, ha? Hinihintay pa kasi ako ng tiyahin ko."

"Sige, mag-ingat ka. Kung mayroon kang kailangan, magsabi ka lang sa akin."

Tumangu-tango ako at nagpasalamat. Yumuko pa ako hanggang baywang tanda ng sinseridad ko at tumakbo na papunta sa JR Osaka Station..

**********

"No'ng isang linggo ka pa obssessed sa kasong iyan. Ipaubaya mo na lang iyan sa mga pulis," sabi agad ni Akio pagkapasok sa upisina ko. Hindi ako sumagot. Sa halip, pinagpatuloy ko ang pagtatawag sa mga taong alam kong makakatulong sa pino-problema ko. Narinig kong napabuntong-hininga si Akio sabay patong ng paa sa ibabaw ng desk ko. Nakaupo siya sa isa sa mga visitor's chair na kaharap ng mesa ko kaya nasa line of vision ko talaga ang marumi niyang sapatos. Nagrolyo ako ng lumang newspaper at hinampas iyon sa paa niya. Kaagad naman nitong ibinaba iyon.

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon