A/N: Malapit na po itong matapos kaya stay-tuned!
**********
May pakiramdam akong hindi kami feel ng tiyahin kong taga-Benguet. Minsan kasi'y naulinigan kong tsinitsismis niya kaming mag-ina sa kapitbahay nilang dumalaw. Gusto ko na nga sanang umuwi ng Pampanga, pero kabilin-bilinan ng Tita Chayong kong huwag muna dahil ayon sa mga reliable sources niya'y panay ang balik doon ng mga tauhan ng gustong pumatay sa akin. Tama. Pumatay! Gano'n katindi ang kagustuhan nilang mawala na ako nang tuluyan. Hindi lang kami sigurado ni Tita kung sila ba'y tauhan ng papa ni Kaito o ni Amane.
Nang malaman ni Ate Roselda ang nangyari sa akin, nagpumilit siya kay Tita Chayong na makausap ako sa telepono minsang tinawagan ako ng tiyahin ko.
"Piiiiippppaaaayyyy!" sigaw niya pagkarinig sa aking mag-hello. "Ang landi mong babae ka! Ginulat mo kaming talaga! O, ano? Tama ba ako? Bulate, di ba? Di ba? Hay naku, sabi ko sa iyo, e! Ayaw mong maniwala. Pero okay na ring bulate iyang pers taym mo kasi ang sakit niyan kapag anaconda, e." At humagalpak ito ng tawa.
"Ate Roselda naman, e!" Kainis talaga ang babaeng ito! Ang laki-laki ng rpoblema ko ngayon kung an-ano ang pinagsasabi.
"Pero in pernes, pogi naman iyong Furukawa-san na iyon, e. Bawi naman ang bulate. Siguro naman, marunong gumamit ng dila iyon?"
Bago pa ako makasagot, narinig ko na ulit ang boses ni Tita Chayong. Naulinigan ko pang pinagalitan ito ng tiyahin ko. Narinig ko rin ang hagikhikan ng iba pang Pinay entertainers na nasa paligid nila. Nalungkot ako. Parang kailan lang ay kasa-kasama ko sila.
"O, ano, Pipay? Kailan daw magpapadala ng pera rito ang Tita Chayong mo? Aba'y ang dami nating gastusin. Iyang diapers ng anak mo'y sobrang mahal. Noong isang linggo ka pa umabot ng pera. Walang-wala na tayong panggastos."
Napalingon ako kay Tita Mira. Nakalapit na pala siya nang hindi ko namalayan. Sa lahat ng mga kapatid ng nanang ko ito ang hindi masyadong close kay Tita Chayong. Siguro dahil sa layo ng agwat ng edad nila. Ito kasi ang pinaka-panganay sa kanila kaya halos isang dekada ang pagitan ng edad nilang dalawa. Bukod pa roon, ayon sa nanang ko, nag-asawa ito agad pagatapos ng hayskul at ni hindi na tumulong sa mga lola't lolo ko.
"W-wala pong sinabi ang Tita Chayong, e. Baka sa katapusan pa ng buwan."
"Ano? Ang layo pa no'n! E ang asawa mong hilaw? Wala ka bang matatanggap doong sustento?"
Hindi na ako sumagot. As much as possible ay ayaw kong isipin si Kaito. Tahimik na lang akong dumukot ng dalawang daan sa pitaka sa bulsa ko at inabot sa kanya para huwag nang magtatatalak. Nang makita niya ang dalawang ube, nangunot ang kanyang noo. Siyempre umangal pa, pero iniwan din kaming mag-ina.
Binalikan ko ang beybi ko sa duyan niya. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog. Habang pinagmamasdan ko ang makinis niyang kutis at matangos na ilong, naalala ko ang kanyang ama. Dahil doon may nangilid na namang luha sa mga mata ko.
**********
Malayo pa lang ako'y napansin ko na ang pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay. Pagkapasok sa loob, hindi na ako nagulat nang makita ko sa living room si Yamauchi-san. Magkahawak-kamay silang nag-uusap ni Amane. Sila ang tila gulat na gulat nang makita ako. Pareho silang napatayo.
"Kaito magpapaliwanag ako. Ang nakita mo'y walang kahulugan."
Nagtaas ako ng kilay. Sinulyapan ko rin si Yamauchi-san. Mukhang hindi naman siya nag-aalala na nakita ko silang magkahawak-kamay.
"Kaya narito si Hisato---I mean si Yamauchi-san kasi'y balak niyang mag-invest sa ipapatayo kong boutique sa Tokyo."
"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. I don't give a fvck!" sagot ko sa mahina at hindi interesadong tinig. Pagkasabi no'n ay dumeretso na ako sa ikalawang palapag ng bahay. Kinuha ko ang iniwang attache case sa ibabaw ng kama ko at bumaba na rin agad. Wala na si Yamauchi nang dumaan ako sa sala.
BINABASA MO ANG
SUKIYAKI (COMPLETED)
RomanceSiya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang magsasaka. Simple lamang ang pangarap niya sa buhay. Mabigyan ng maginhawang buhay ang mga magulang at kapatid. At isa lamang ang naiisip niyan...