Buti nalang Saturday ngayon magkakaroon ako ng free time para sa sarili ko, syempre ang nakagawian ng mga heartbroken: “tambay sa kwarto buong araw magmumukmok” pero dahil hindi ako ganun iba yung gagawin ko: “tambay sa kwarto buong araw magske-sketch”
*Knock! Knock!*
Bago ko buksan yung pintuan naginat muna ako,
“Ma. Good morning.” Bati ko.
“Good morning nak, may gagawin ka ba ngayon?” tanong ni mama. Umiling ako at napangiti naman si mama, “Gusto mong pumunta kay Darren ngayon?”
Whoa.
“Bakit naman po mama?” tanong ko.
“Mukhang malungkot ka kasi kahapon, kaya tinawagan ko si Darren para puntahan ka dito. Kaso walang sumasagot sa phone niya. Kaya kung gusto mo, papayagan ka naman naming pumunta sa kanya.” Explain ni mama, para sa akin siya ang sweetest nanay sa mundo. Sa totoo nga lang gusto kong pumunta kaso tulad ng sabi ko wala na kami,
“Mama.” sabi ko sa pinakamahinang tono na pwede.
Binigyan naman ako ng tingin ni mama na alam na alam ko, yung “may-problema-alam-ko” look.
“Break na po kami.” At doon hindi ko na napigilan, naiyak na ako. Inakap naman ako ni mama, hindi na niya ako tinanong ng kung anu-ano pa, alam niyang eto ang kailangan ko ngayon, ang umiyak. Hinahaplos niya yung buhok ko hanggang sa pag kalma ko.
**
Hindi rin nag stay ng matagal si mama sa kwarto ko, kailangan pa kasi nilang umalis nina papa dahil may pupuntahan pa sila, kaya ako nalang ang natira sa bahay. Umalis kaya muna ako dito? Baka mamaya diyan sa pagiging emo ko dito baka makagawa pa ako ng ikakamatay ko. Tama, pupunta nalang muna ako kay Jeremy. Ay hindi, wag nalang, sigurado kahit weekend busy din yun, si Kriss kaya? Hindi, hindi, busy din yun, busy sa boyfriend niya.
*ring! ring!*
Kinuha ko kaagad yung cellphone sa side table ko at tinignan kung sino yung tumatawag,
*Paris calling*
Uy, si Eiffel Tower tumatawag.
“O, bakit?” pambungad na sabi ko sa kanya.
“Minessage ako ni Nica, sabi niya invited daw tayo sa debut party ng ate niya next week Friday, yung theme blue.” sagot niya na halatang excited na excited.
“Sige.” Teka, sa kanya nalang kaya ako pumunta? Malapit naman siya sa akin eh, bihira na nga lang din kami nakakapag-usap kasi ibang section na siya. Ganun ba talaga, pag ibang section na yung magkaibigan mahirap na magka-oras?
“Sige, sige by—“
“Teka!” putol ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at saka tinanong ko siya, “Pwede ba akong pumunta sa bahay mo?”
“O ano namang pumasok sa isip mo at gusto mong pumunta dito?” natatawa niyang sagot.
“Uhm basta, mamaya nalang. Sige ah, punta na ako diyan ah. Bye!” at sabay end call ko.
Agad-agad, nagpalit na ako ng damit at kinuha yung susi ng bahay namin sa side table at saka umalis na. Tanghaling tapat wala gaanong tao sa kalsada, ganito sa amin pag ganitong oras. Yung iba kasi nasa lakwatsahan na, at yung iba nanananghalian na, at yung iba… tulog. Kaya masarap maglakad pag ganito, walang tao tapos kung gusto mong umiyak, okay lang walang makakakita.
“Hello Star.” Bati ng nasa likod ko, tumalikod naman ako para makita kung sino yun. Hindi ko siya kilala, hindi rin siya pamilyar sa akin, ngumiti siya sa akin at sabay takip ng panyo sa labi ko. Sa gulat ko tatakbo na sana ako ng mahawakan niya ng mahigpit yung braso ko.
“Tsk, tsk. Parehas kayo ng boyfriend mo… pasaway.” Sabi niya at tinakpan din yung ilong ko, may something sa amoy ng panyo niya, nakakahilo, ano to peppermint? Hindi na ako maka-focus at pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay. Pagkatapos, may sinabi siya pero hindi ko na maintindihan at dito na natigil yung conscious ko.
BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
RomanceStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.