Ngayong alam ko na, gusto ko na bang bumalik sa bahay? Parang hindi pa ako handa, padating ko doon, ang daming salubong na tanong sa akin at makikita ko si Darren, hindi pa ako handa na makita siya o kausapin siya o marinig yung isa sa mga sasabihin niya. Nag bago na yung tingin ko sa kanya. Kahit kailan may mga manloloko talaga at kabilang siya doon.
“Star.”
Sinara ko yung kurtina at nakita ko si Lance na nasa loob na pala ng kwarto. Hindi ko siya napansin, o nagiging kabute na naman siya? Ewan. Lumapit ako sa kanya at nakita ko sa kamay niya na may hawak hawak siyang mga papel. “Ano yan?” tanong ko sa kanya. Inabot naman niya sa akin yun at tinanggap ko naman kahit hindi ko pa alam kung ano yun.
“Tignan mo.” Sabi niya sa akin.
Fourth Year
Fourth Quarter Examination Sheet
Exam papers to a? Binasa ko pa yung nakalagay doon, at iyon panigurado yung exam namin para ngayong last quarter, exam na hindi ko natake noong nakaraang araw. “Paanong…?” hindi ko na tinuloy, alam kong alam na ni Lance kung ano yung ibig kong sabihin.
“Diba umalis ako nung isang araw, tapos buong araw ako wala? Nasa school mo ako nun, inaasikaso ko yung exam papers mo. Ayoko namang dahil sa akin hindi ka maka-graduate. At yung tanong mo, paano? Yung tita ko kasi yung principal doon, so pinalakad ko. Pero hindi ko pinaalam yung pangalan mo.” Explain niya sa akin. Lahi talaga sila ng mayayaman at naiintindihan ko kung bakit hindi niya pinaalam yung pangalan ko, simula palang noong ikwento niya sa akin yung buong storya naging malawak na yung pagiintindi ko sa mga bagay-bagay. “Thank you.” Sabi ko sa kanya. Umupo na ako sa kama at pinatong yung exam papers sa side table, doon na ako nagsimulang mag sagot.
“Nga pala.” Tumingin agad ako kay Lance, na nakatayo lang sa gilid ko, nung nagsalita siya. “Makapal yan kasi lahat ng subject na yan, pinagsama-sama ko nalang para organize at sunod-sunod kang makapagsagot. Tumango nalang ako, pagkatapos lumabas na si Lance.
Bumalik siya nung bandang tanghali at dinalhan ako ng pagkain, tapos tumigil muna ako para kumain. Nasa tabi ko lang siya per tahimik kaming parehas, tapos umalis na ulit siya. Nangangalahati na ako sa exam nung dumating ulit siya, may dala-dala ulit siyang pagkain.
“Mag break ka muna. Kawawa ka naman.” tumabi siya sa akin at binigay yung tray na may sandwich tapos mango shake.
“Thank you sir.” Sagot ko sa kanya at mahina akong tumawa. Nag-umpisa na akong kumain nung mapansin kong kinuha niya yung exam papers ko.
“Hindi ka ba nahihirapan dito?” tanong niya sa akin habang nililipat niya yung pages.
“Nahihirapan syempre. Buti nga nasa isip ko pa din yung mga nireview ko eh.” Tumigil ako sa pagkain, bigla ko kasing naisip kung nag-aaral pa ba siya o may trabaho na, “Nag-aaral ka pa ba?” tanong ko sa kanya. Sakto naman na binaba niya yung exam papers at humarap siya sa akin.
“Oo. Sixteen lang ako. Fourth year high school. Pero kakagraduate ko lang. Advance school namin eh.”
Sixteen? Akala ko college na siya, third or fourth year college, mga ganun, kasi parang ang mature ng itsura niya eh. Mature, tamang tama lang para sa kidnapper. Pero sixteen pa lang pala siya? Sixteen years old na kidnapper? Galing.
“Ikaw ba, ilang taon ka na?” tanong niya sa akin. Akala ko alam na niya lahat ng tungkol sa akin, hindi naman pala, mali yung naisip ko na yun. Alam lang niya lahat yung tungkol sa relasyon namin ni Darren.
“Sixteen lang din.” Sagot ko.
“Gusto mo tulungan kita dito sa exam mo?” Nag-aalinlangan ako sumagot, baka naman mali pa matulong sa akin neto. Mali na nga, mali mali pa lalo. “Salutatorian ako.” Salutatorian!? “Kung gusto mo lang naman malaman.” Matalino nga, nababasa niya kasi isip ko e. “Hindi naman ako nakakabasa ng isip.” Sa lagay na yan?! Grabe. Nakikita ko tuloy yung itsura ko ngayon, na parang may nadagdag sa emosyon ko ngayong araw, gulat na gulat na may halong takang taka. Update ng status mga kaibigan… *insert mukha ko ngayon here* Feeling shocked. “Nababasa ko lang sa mukha mo.”
“Sa mukha ko?” Oo Star. Obvious naman e, tatanong mo pa.
“Pwede sa ilong.”
Basag.
“Sorry na.” kinuha ko sa kanya yung exam papers ko tapos nilagay ko na sa side table para mag-umpisa na akong mag sagot. Kaso bigla niyang hinawakan yung braso ko at napatingin ako sa kanya.
“Joke lang.” mahina niyang sabi. Hinatak naman niya ako bigla papalapit sa kanya kaya tumama yung likod ko sa kanya, “Tuturuan na kita.” Bulong niya. Nagiinit yung mukha ko, buti nalang hindi niya nakikita kasi parang namumula ako. Nakakahiya. “Akin na yung exam papers mo. Mukhang madami-dami pa yan.” Sabi niya sa akin at inalis na niya yung kamay sa akin. Bakit ganun? Sa akin lang ume-epekto yung ganito? Mukha akong ewan.
“Nage-gets mo ba yung tinuturo ko sayo?” tanong niya sa akin.
“Sa totoo lang, hindi. Ang hirap.”
Napakamot siya sa ulo niya at binaba yung ballpen na hawak hawak niya. Kanina pa siya nag-aala professor sa tabi ko, kaso ako eto nag-aala estudyante walang maintindihan, “Alam mo kung nasa isip mo parati na mahirap, walang papasok sa utak mo.” Tama siya, kung nasa isip ko na mahirap parati wala akong maiintindihan. Kaso pinipilit kong intindihin kaso ewan ang hirap talaga. Hay, nakakaasar tuloy. “Ako nalang magsasagot gusto mo?” tanong niya. Huh? Mukhang hindi siya nagbibiro.
“Exam ko yan, ako magsasagot niyan.” Kinuha ko sa kanya yung ballpen tapos tinalikuran ko siya at nag sagot na, o mas gusto ko atang sabihin na nagsasagot-sagutan. Nung napansin kong nasa likod ko pa siya, humarap ulit ako sa kanya, “Sige na. Okay na Lance. Kaya ko na to. Salamat.”
Umiling siya at hindi ko siya naintindihan, “Dito lang ako hanggang hindi mo pa natatapos yan.”
“Lance mada—“
“Ano naman kung madami? Madami na nga hindi pa kita tutulungan edi bagsak ka na diyan.” Putol niya sa akin.
“Lance kas—“
“Sige nga sagutan mo nga yang problem number 15.”
Please lang pagsalitain mo naman ako, “Lance—“
“Tignan mo hindi mo alam.”
Pag. Sa. Li. Ta. In. Mo. A. Ko. Lance. “Lance kas—“
Ngayon naman, siya yung kumuha ng ballpen tapos inabot niya yung exam papers ko na nasa side table na, “Please? Tuturuan lang kita, pag naintindihan mo na. Aalis na ako.” Sabi niya sa akin. Wala din naman akong magagawa, kaya hindi nalang ako sumagot at lumapit sa kanya ng kaunti at nag concentrate na. “Diba yung statement dito sa number…” nag-umpisa na siya at sini-sink in ko sa utak ko lahat ng sinasabi niya. Kaya ko to. Kaya ko to. “Okay? Na gets mo na ba?” tumango ako at binigay na niya sa akin yung ballpen, “Sige. Sagutan mo tong next.” Tinuro niya sa akin yung sasagutan ko pagkatapos bumalik na ulit ako sa pwesto ko doon sa may side table at nagsimula ng magsagot.
Ilang minutes na din pala yung nakakalipas tapos eto pa din pala ako, tinitignan pa din yung papel at the same time iniisip ko yung next step na tinuro sa akin ni Lance. Akalain mo yun nag improve ako, kanina kasi tinitignan ko lang tong exam paper na to, ngayon may utak ng kasama. Okay, tama nga si Lance, kung iisipin ko na mahirap walang papasok sa isip ko. Aminin ko, tama siya. Nakailang tapon na din ako ng scratch paper, ilang pindot na sa calculator, nakailang solve.
“Atleast na gets mo na kahit papano.” Narinig kong sabi niya sa likod ko. Humarap ako sa kanya at tumambad sa mukha ko yung mukha niya, konting tulak nalang— nako.
“Tapos na ako.” Sabi ko sa kanya at tumalikod din kaagad ako.
“U-Uhm. Akin na, patingin.” Inabot ko sa kanya yung exam papers ko at chineck na niya kung tama. “Tama. Sige magluluto na ako, 9:30 na pala.” Hindi na niya inantay yung sagot ko, dere-deretso na siya at umalis na.
BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
RomanceStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.