➵ Chapter 4: Locked-Up

1.1K 16 0
                                    

Paano na yung quarter exam namin? Mukhang di ako makaka-graduate nito a. Nako, wag naman. Tawagan ko kaya sina mama at papa? Ay teka nga lang, baka naman niyan tinatawagan na nila ako, isang araw na akong nandito. Shunga! Tinatawagan ka na nila obvious diba? Baka isipin ni mama nag suicide na ako, maghy-hysterical sila. Hay. Kinapa ko yung bulsa ko at salamat talaga at nandun pa yung cellphone ko, kung ibang kidnapper lang talaga kukunin nila lahat ng pang-communicate. Kinuha ko na yun at binuksan kaso sa kasamaang palad: Your phone is out of battery at ayun po mga kaibigan, na-lowbat na. GRABEEE! Paano na talaga to?

Tinry kong buksan yung pintuan pero syempre, may kidnapper bang papatakasin yung kinidnap? Sarado. G-R-A-B-E. inulit ko ulit yung pagbukas sa pintuan, malay mo mangyari yung himala sa oras na to. 1… 2… 3… AYUN! Bumukas!

“Asa ka namang nabuksan mo.” Sabi ni Lance.

Okay.

Okay.

Okay.

Siya pala yung nagbukas ng pintuan hindi ako. Napa-hinga nalang ako ng malalim at umurong, dala-dala niya  yung tray ng pagkain. “Kain na.” dagdag niya. sinara na  niya yung pintuan at dinala yung pagkain sa side table, “Pwede mong buksan yung pintuan ngayon, hindi yan naka-lock, nandito ako e.” rinig kong sabi niya at paglapag ng tray. Talaga? Nagsimula na umakyat yung ngiti ko sa tenga, “Kaso naka-lock lahat ng pwede mong labasan dito sa bahay. Kahit bintana. Kahit doon sa cr.” Dagdag niya. Lumagapak yung saya ko, oo nga. Nga naman. Tulad nga ng sabi ko, may kidnapper bang papatakasin yung kinidnap? Hindi nalang ako nag-abala magsayang ng effort buksan yung pintuan. “Kailan mo ba ako papalabasin dito? Ano ba kasi yung—“ huminto ako at hinarap ko siya, isa-isa lang yung tanong star, isa-isa lang. “Kailan mo ba ako papalabasin dito?” tanong ko, nakaharap din siya sa akin at ngumiti na naman. Hindi ko talaga alam kung babala yung ngiti niya o ano. “Mala—“ laman ko na naman pero hindi ngayon?! Ano ba to ilang beses niya ba sasabihin yan? Gusto ko na talaga malaman! “PLEASE?” tanong ko sa kanya sa mataas pero hindi galit na boses, yung nagmamakaawa.

“May kasalanan sa akin si Darren, Star. Ngayon tumahimik ka na.” nasagot na yung pangalawa kong tanong kahapon, kilala niya si Darren, siguro kilala din niya ako dahil sa kanya, pero bakit? Ano yung kasalanan? Tsaka kailan ako papalabasin? Hindi na ako nagtanong at tumahimik, biglang naging seryoso kasi yung mukha niya. Nakakatakot.

Ilang araw pa ba ako dito? Mamamatay na ako sa kakaisip. Ni-lock na niya yung bintana, syempre pati pintuan. Konting-konti nalang makakabisado ko na yung interior design ng kwarto.

Sina mama at papa.

Yung Quarter Exam.

Yung debut ng ate ni Nica.

Si Paris. Gulay! Baka mamaya diyan ini-imbestigahan na siya dahil sa kanya ako huling tumawag. Ano ba to. Nakidnap ako na wala akong kaide-idea kung bakit. Ano bang ginawa ni Darren na kailangan ako pa? Dapat siya! Siya may kasalanan eh! Hay naiinis na talaga ako sa kanya ngayon, grabe siya. Makikipagbreak siya tapos ida-damay damay ako dito! ARGH! G-R-A-B-E. Kailangan hindi ako magpasaway dito lalong hindi ako papalabasin nito, kailangan mapalambot ko yung puso nito. Taray, mapalambot yung puso. Desperada na kasi ako, kailangan gumawa ako ng paraan. Yun nalang yung naiisip ko. Kung tatawag ako ng pulis wala din, walang battery yung cellphone, walang kahit anong pang-communicate, walang labasan at isa pa. Hindi. Ko. Alam. Kung. Anong. Lugar. To. Pakiramdam ko nasa loob kami ng dome na eto lang yung lugar na matitirhan, nasa bundok ba ako? Binuksan ko yung kurtina at sumilip, parang hindi naman. Eh. Nasaan. Ako?

10 minutes na ata yung nakakalipas, at eto ako, update ng status mga kaibigan: NGA-NGA. Vini-I.P na niya ako dito, edi sana nilubos-lubos na niya, sana naglagay siya ng sketch pad dito. Tutal marami ata siyang alam sa akin.

Tingin dito.

Tingin doon.

Tingin dito.

Tingin doon.

Tingin dito.

AYUN! Sa wakas, alam ko na. alam ko ng nababaliw na ako, grabe kahit saan ako tumingin sarado.

Gusto ko ng umalis dito.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon